Kakayanin : part 88

468 52 7
                                    


Max

"Beb----all my life. I never love anyone as much as I love you. Losing you will be the death of me. Kung buntis si Liz, aalamin ko kung ako ba talaga ang ama ng batang yon. Aayusin ko to okay. But please----stay with me. Hindi ko kaya beb. Hindi ko kaya.pag nawala kang muli sakin"

Yung makita ko siyang umiiyak, masakit din pala. Nasasaktan ako sa nalaman ko, pero pakiramdam ko, mas masasaktan ako kung mawawala siya sa buhay ko. Hindi ko kaya. Katulad niya,  ngayon lang ako nagmahal. At hindi ko akalain na ganito pala kahirap. Na naiipit ka sa isang sitwasyon.

Magpaparaya ba ako or ipaglalaban ko.ang taong mahal ko?

"Hindi ako mawawala sa buhay mo beb" Ang sabi ko dito saka mahigpit na hinawakan ang mga palad nito upang ipadama na totoo ang sinabi ko.

Nakita ko ang pagsilay ng isang ngiti sa mga labi nito.

"You're not going to break up with me?" paglinaw nito.

Umiling ako "pero aasa akong maayos mo ang problemang kinakaharap mo. Nandito lang ako kung kailangan mo" mahirap palang ngumiti habang naguguluhan ang puso at isipan mo. Parang sarili mo ang niloloko mo.

"I will beb. Aayusin ko to, pero may gusto lang akong malaman?"

"Ano yon?"

"Si Liz ba mismo ang nagsabi sayo na buntis  siya?"

Umiling ako.

"Kung ganon, sino?"

"Kapatid niya" sagot ko.

"Kapatid?" Ang boses ni Colbie na hindi namin namalayan na nakalapit na pala.  Kasunod nito ang mga kaibigan namin at si Mint "Tama ba yung dinig ko, kapatid kamo ni Liz ang nakausap mo?" Ani Colbie na tinanguan ko.

"What's her name?" tanong ni Colbie na ipinagtaka ko.

Paanong hindi nito kilala si Hope kung kakilala nito si Liz?

"Hope" agad ding sagot ko.

"Hope?" Pagak na tumawa si Colbie na ikinatingin naming lahat dito.

"Bakit Colbie? Bakit parang hindi ka makapaniwala?" tanong ko.

"Max----there's no Hope. Wanna know why? Dahil walang kapatid si Liz" sa sinabi nito at nag salubong ang mga kilay ko.

"Kambal sila" sabi ko. At sa akin naman nabaling ang tingin ng lahat.

"Max---walang kapatid si Liz. Lalong walang kakambal. I should know dahil kababata ko siya. I've known her since we we're a child. Kaya imposible ang sinasabi mo" bakas sa muka ni Colbie na hindi ito makapaniwala sa ipinagtapat ko tungkol kay Hope.

"Kung ganon, niloloko ako ni Hope, I mean ni Liz. Nagpapanggap siyang ibang tao" sabi ko sa mga ito.

"Nagpanggap siyang ibang tao para hindi maging obvious ang plano niya" sambit ni Emmeth. Nakakuyom ang mga kamao nito na halatang nagpipigil ng galit.

"Desperate" ani Mint.

"I need to confront her" Mabilis na tumayo si Emmeth at akmang aalis pero mabilis ko itong pinigilan.

"Wag beb" pagpigil ko.

"I need to talk to her for once. To end it all---why stopping me?" tanong nito sa akin na may pagtataka.

"Kung totoong buntis si Liz. Hindi ito makakabuti sa dinadala niya" sagot ko.

"You still care for her ate. Eh sinisira niya ang relasyon niyo" Ang hindi makapaniwalang si Mint.

"And I'm not even sure if that baby was mine. What if it's only a trap?" Si Emmeth.

"We have to find out first. Baka pag hinarap mo siya ngayon, may gawin siya sa bata. Nabanggit kasi ni Hope----I mean ni Liz yung about sa abortion. Kailangan nating maging maingat at sigurado. Kung buntis siya, we need to find out kung ikaw ang ama ng batang yon, at kung hindi naman----can you leave it to me. May plano ako" sabi ko kay Emmeth at sa mga ito.

"Anong plano mo ate?" tanong ni Mint.

-

Mint

"You already texted her" tanong ni Colbie saka naupo sa tabi ko.

"Yeah----I hope it works. Yung plano ni ate Max"

"Palagay ko naman. Liz doesn't have any idea na alam na ni Max ang totoong wala siyang kakambal. I just can't believe na she's capable of luring people to get what she want" naiiling na pahayag ni Colbie.

"Behind her pretty and angelic face is a cunning woman. She was wrong na masisira niya ang relasyon nila ate Max at Emmeth. They've been through a lot para lang hayaan na isang katulad ni Liz ang sisira sa meron sila. At hindi lang si ate Max at Emmeth ang binabangga niya, we're also here remember" sabi ko pa.

"Let's just pray that everything will be fine. But I admire your twin. We all know na masakit yung nalaman niya----If ever na totoo ngang buntis si Liz. She's tough at hindi nagpadalos dalos sa desisyon. She don't wanna hurt anyone, and I'm sure of that. Kung ikaw si Max----tapos katulad ng nangyayari sa kanila ngayon  ang maging situation natin, what would you do?" Ang tanong nito sakin.

"Same as ate Max. Mahal kita, mahal.mo ko kaya hindi kita basta basta pakakawalan. Unless mahal mo yung babaeng na buntis mo. I won't fight for someone who doesn't love me. Mas masakit pa yon sa break up" tugon ko dito.

Then I saw him smiled at me.

"Don't worry, that won't happened. Having or finding another woman never cross my mind. Ikaw lang sapat na" sagot nito na nagpangiti sakin.

Yung marinig mo mula sa bibig ng taong mahal mo na ikaw lang sapat na. Meaning, kahit may makilala pa itong ibang babae. Hindi na ito magkaka interes pa.

"What if?" Muling tanong ko.

"Throw that what if dahil wala. My heart already decide that I'll only look at one woman. The woman I want to spend my whole life with and----that is you"

"How sure are you na ako na nga. It's too early to tell love. Paano kung biglang may mangyari. Remember---there are things that can happen unexpectedly that we can't control" paalala ko dito.

"So you're doubting me"

"I'm not. I'm just stating the fact" sagot ko.

"Listen----as long as you trusted and love me, nothing will come between us that we can't get through, okay" saka nito pinisil ang tungkil ng ilong ko.

"Okay" I replied and ended the conversation.

To be continued...

We can't control anything...Lalo na ang puso mo pag natutong magmahal.

Parang  ulan...minsan, darating na hindi mo inaasahan. Walang paramdam,  hindi mo napag handaan.


Kakayanin KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon