Kakayanin : part 30

812 71 68
                                    


"Son" Si Dr. Perez. Ang doctor ni Mint.

"Dad" Mabilis itong nilapitan ni Dani.

"Akala ko hindi mo na naman ako sisiputin eh" tinapik niya to ang balikat ng anak.

"Napilitan lang ako actually" pabirong sagot ni Dani sa Ama.

"Ah ganon" saka nito sinuntok suntok ang anak sa balikat. Na ginantihan naman ni Dani.

Ganiyan sila palagi mag biruan.

"Lunch date" sabi Dr. Perez sa anak.

"Basta sa favorite resto ko dad"

"Kailan ba naman hindi"

-

Resto

"I'll take it out" utos ni Dani sa waiter after nilang makakain ng dad niya. His mom wasn't able to go with them dahil sa may pinuntahan itong common friends.

"Still hungry?" Pagtataka ni Mr. Perez.

"Nope. I'll bring this to someone"

"Someone? Friend or?" May bahid ng panunukso ang tanong ni Mr. Perez sa anak.

"Just a friend. New found friend actually" sagot ni Dani.

"She or He?"

"A girl. I've met her sa hospital kanina. I'll introduce you to her when we get back"

"Interesting" May ngiti sa labing sambit ni Mr. Perez.

"Dad!" Saway ni Dani sa Ama. He knew his smile. He's playing cupid again.

"What? First time kasi. It was me who always introduced a girl to you. She seems special"

He rolled his eyes "there you go again. Let's go"

-

"Mint" nakita ni Dani si Mint sa corridor na may kausap na nurse.

"Oh Dani" nakangiting sagot ni Mint "ahm sige ate, salamat" sabi nito sa nurse.

"Para sayo" saka inabot ang pina take-out na pagkain.

"Ano to?" takang tanong ni Mint.

"Smell it" utos ni Dani na ginawa naman ni Mint.

"Ang bango. Salamat dito ha"

"Welcome"

"Son" Si Mr. Perez mula sa di kalayuan.

Kumaway si Dani dito.

"Dad" nang makalapit na ito sa kanila "I'd like you to meet----

"Kamusta Mint" Ang sabi ni Mr. Perez kay Mint.

"You know her?" kunot noong tanong ni Dani sa Ama.

"Yes son. Mint is my patient-----and is she your new found friend?" kakaibang tingin ang ibinigay ni Mr. Perez sa anak

"Yeah" sabay kamot ni Dani sa batok.

"Anak niyo po siya?" Ang hindi rin makapaniwalang tanong ni Mint.

"Oo iha. Meet my son Dani Perez. Son, this is Marionette Eleazar" formal na pakilala ni Mr. Perez sa dalawa.

"Small world " naibulalas nalang ni Dani.

"Mint was the granddaughter of your lolo's  friend. Remember lolo Fredo?" Tanong ni Mr.  Perez sa anak.

"You mean Mr. Alfredo Hizon? Apo siya ni lolo Fredo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Dani.

Kakayanin KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon