Kakayanin : part 55

551 74 23
                                    


Ayaw ko nang patagalin pa ang #Colmint moment....so there you go.

#pagtatapat 😉

Hello tita

[ hello nak. Dito ka ba mag di-dinner? ]

Baka po hindi tita. May lakad po ako

[ ah ganon ba. Sayang, ngayon lang kasi natin ulit makakasalo si Emmeth sa hapunan. Maaga daw kasi siyang uuwi ]

Sorry po talaga tita. Naka oo na po kasi ako. Next time po promise

[ it's okay. Marami pa namang susunod. Sige, mag iingat ka ha ]

Yes po tita. Bye love you

Tonight ang usapan nila ni Colbie na lalabas sila. An official date. Kung ano ang kalalabasan...bahala na. Pero naiintriga siya sa sinabi nito sa note na kasama ng bulaklak...ano yung Iko-confess niya.

That he's gay?...hindi siguro

That he had a son?....pwede. sa beach, may tinanong siya about having a baby. Hindi nga kaya?

That he's in love with me?....assume pa more Mint. Maya masaktan ka na naman.

Seven pm ang usapan nila. Hindi na niya kailangang umuwi para magbihis. She always had extra sa maliit na cabinet sa loob ng office. Sa katulad niyang dapat...ready on the go, kailangan niyang palaging may extra.

From office attire...to simple jeans and crop top. Face powder, lip gloss, kaunting suklay...and she's ready.

And that...she heard a knock.

"Are you ready?" tanong ni Colbie mula sa labas ng pintuan.

"A minute" sagot niya. I ni-off niya muna ang mga electrical things sa loob ng office niya. Mahirap nang masunugan.

Paglabas ni Mint ay napatulala si Colbie. From a businesswoman to a gorgeous young lady. Yes...that she is for him. Simple yet sexy.

No make up at all...but beautiful.

A snap brings him back to reality.

"Okay ka lang?" Tanong ni Mint sa nakatulalang si Colbie.

"Yeah----I'm okay. Let's go"

Damn...bakit niya ba pinauna ng paglalakad si Mint.

She's only walking but her hips were sexy swaying.

Nilakihan niya ang mga hakbang niya at sinabayan ito.

-

Sa resto...

Kumain muna sila and then inaya ni Colbie na mag lakad lakad sila sa sea side. Doon  niya sasabihin ang lahat lahat kay Mint. Kung ano ang kalalabasan non, bahala na. Basta ang alam niya, Mint deserve to know the truth.

Inaya ni Colbie si Mint na maupo sa sanga ng isang puno na halos nakasayad na sa lupa.

"Mint, may ipagtatapat ako sayo. Pero sana makinig ka muna. Then, saka mo sabihin kung ano ang nasa loob mo" Ang pauna ni Colbie.

"Sige, makikinig ako" sagot ni Mint.

"I lied to you right from the very start" pauna ni Colbie " The story that I've told you about my ex girlfriend, si Apple, hindi iyon ang totoo. Umalis sila at nagtira sa ibang bansa, that is true. Noong bumalik siya, nagkasama ulit kami. We became closer, and then, we fall in love. After years of being together, I told my parents that I wanted to marry her. They don't disagree since they know her and her family. I propose to her and she said yes right away. But my world crash when I've found out that she's pregnant. And I know I'm not the father because nothings happened between us. But I didn't expect what happened next. She told me that she got rid of that baby because she don't want it. That she loves me and don't wanna lose me. Her parents didn't know about that. As well as my parents. Later on, dinala siya sa hospital. And we found out na nagka infection pala siya, dahil yon sa pagpapalaglag niya. That infection spread all over her body at huli na. Dumating sa hospital yung lalaking nakabuntis sa kaniya. Nag pang abot kami. Many things happened that day. Nalaman ko din ang buong katotohanan. She loves that guy, pero noong sinabi nito sa kaniya na hindi niya kayang panagutan ang bata, ako lang ang naisip niyang solusyon. I was about to explode nang mag seashore si Apple. Infections reached out up to her brain. I was there all the time, not leaving her. But you know what, I love her but I hated her. Masisisi mo ba ko kung galit na galit ako sa mga ginawa niya. Masakit ang lokohin ka ng taong minahal mo ng sobra sobra. Masakit ding tanggapin na nagawa niyang patayin ang sarili niyang anak dahil lang sa hindi siya kayang panagutan ng lalaking yon. Pwede ko namang akuin na ako nalang ang maging ama ng bata. Kaso mali ang pinili niyang solusyon. I don't know  what happened to me after niyang mailibing. Mas nanaig sa puso ko ang galit. Mas nanaig sa isip ko na masama siyang babae. At tungkol sa puso niya na ibinigay sayo, parents niya ang nag decide. Nangako ako sa sarili ko na hahanapin ko ang may ari ng puso niya. At ikaw yon. Gusto kong maramdaman ng puso niya ang sakit na naramdaman ko noon. Planado ang lahat. Bago pa man tayo mag kakilala-----kilala na kita. Ang pangalan mo pero hindi ang buong pagkatao mo. Sinusubaybayan na kita una palang. And then, we've finally met sa libingan ni Apple. Humanap ako ng paraan kung paano ako makakalapit sayo na hindi mo malalaman ang pakay ko. I befriended you, nag invest sa company ng lolo mo kahit hindi ko naman kailangan. Tapos non, noong nagkausap tayo, and sinabi mong nakikipaglapit ako sayo dahil nasa iyo ang puso ni Apple, hindi na ako lumapit sayo. Because what you've said was true. Then naisip ko, kailangan kong mag isip ng ibang paraan para mapalapit muli sayo. Yung kukunin ko ang loob mo then saka kita sasaktan. Not totally you but her heart inside of you. Then last time that we talked, sa beach. I asked you some questions. That made me realized na mali ang gagawin ko. Na hindi kita dapat idamay sa pagkakamaling ginawa sa akin ni Apple. Mabuti kang tao. I'm sorry Mint. I'm really sorry kung nag sinungaling ako sayo. Pero ngayon, alam mo na ang lahat. It's okay with me kung ayaw mo na akong makita after tonight. Kung magalit sa kin. Maiintindihan ko. Pero may isang bagay muna akong sasabihin sayo bago mo ako iwasan.

"Ano yon?" tanong ni Mint.

"Na sa kabila ng lahat ng pagsisinungaling ko, ito lang ang totoo. Minahal kita"

To be continued...

Ako'y kinikilig kilig....😂😂😂

Kakayanin KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon