Kakayanin : part 40

564 60 24
                                    


Sa nakita ni Mint na kalagayan ni Emmeth. At sa muling pag uusap nila ng mommy nito, naisip nitong tulungan si mommy Cynthia na maibalik si Emmeth sa dati. Alam niyang mahihirapan siya pero hindi niya kayang nahihirapan ang mommy nito. Sang ayon naman si lolo Fredo sa naging desisyon ni Mint. Dahil kahit papano, na palapit narin ang loob niya kay Emmeth.

"Mint salamat ha" ani mommy Cynthia isang hapon. Si Mint ang pupunta sa sementeryo para dalan ng pagkain si Emmeth.

"Wala pong anuman tita. Alam ko po kasing nahihirapan din kayong makita si Emmeth sa ganoong kalagayan. At alam ko din po, hindi gusto ni ate ang nangyayari sa kaniya. Kaya hanggat makakatulong po ako, gagawin ko. Para man lang kay ate Max" tugon ni Mint.

"Nag aalala na nga din ang daddy niya. Hindi ko na nga sinabi kay Rav ang nangyayari. Baka pati ang isang yon eh mag alala din"

"Wag po kayong mag alala. Lahat po ng paraan, gagawin ko para lang bumalik si Emmeth sa dati"

-

Nang makarating si Mint sa sementeryo ay kasalukuyang natutulog si Emmeth. Dala na marahil ng sobrang pagod ng katawan.

Inilapag ni Mint ang dalang pagkain saka nagsindi ng kandila at muling nag alay ng isang dasal para sa kakambal.

Nang araw na yon ay napag desisyunan ni Mint na samahan si Emmeth sa sementeryo para narin makausap ito. Ilang araw nalang din kasi at ooperahan na siya. Kung hindi niya makumbinsi agad si Emmeth, sisiguraduhin niya na sa oras na okay na siya, babalikan niya ito.

Pasado alas nuebe ng gabi ng may maramdaman si Emmeth na ibang tao sa paligid. Inisip pa niya na si Max ang naroon.

Pero si Mint ang nakita niya.

"What are you doing here?" Mahinang tanong ni Emmeth.

Nilingon ito ni Mint.

"Katulad mo. Sinasamahan si ate" casual na sagot ni Mint.

"How long you've been here?"

"Apat na oras na. Dinatnan kitang natutulog kaya hinayaan nalang muna kita. May pa dala nga palang pagkain sayo si tita" kinuha iyon ni Mint saka inabot dito.

"Thanks" Ang muling walang buhay na tugon ni Emmeth saka naupo.

Tumayo si Mint, naupo malapit sa kinauupuan ni Emmeth saka sumandal sa Pader.

"Hanggang kailan ka ganito?"

Napalingon si Emmeth sa naging tanong ni Mint.

"Anong ibig mong sabihin? "

"Ito----yung nandito ka lang. Dito kakain, dito matutulog. Museleo to Emmeth hindi bahay" naisagot ni Mint.

"It's my home. Dahil nandito si Max. Asawa ko man siya o hindi, nothing will change. I love her and will love her hanggang sa magkasama na kami"

"Yung pamilya mo. Hindi mo man lang ba naiisip. Nag aalala na sila sayo. Lalo na ang mommy mo. Wala na ba silang halaga sayo Emmeth"

Sumandal si Emmeth sa Pader katulad ni Mint.

"You don't know how I feel Mint"

"Of course I know" tila may inis na sagot ni Mint "namatayan din ako Emmeth. Hindi lang minsan. Kaya paano mong nasabi na hindi ko alam ang pakiramdam ng mawalan"

"We're different"

Huminga ng malalim si Mint bago muling nagsalita "magkaiba talaga tayo. Ikaw, mahal mo si ate at importante siya sayo. Ako-----mahal ko siya dahil kapatid ko siya. Hindi lang kapatid kakambal pa. At siya na ang kasama mo simula palang ng isilang ako sa mundong to. Kasamang lumaki, kasamang nagka isip, kasabay na nag aral, makasamang humarap sa mga pagsubok.  Ngayon Emmeth,  sabihin mo sakin. Sino sa atin ang dapat na mas nasasaktan. Ikaw o ako"

Hindi na muling sumagot si Emmeth sa mga paliwanag ni Mint.

"Si ate Max palang ang nawala sayo. Nariyan pa ang pamilya mo. Huwag mong hintayin na pati sila, mawala sayo"

Nakatitig si Emmeth sa pangalan ni Max na nakaukit sa lapida.

At inalala ang lahat.

Ang una nilang pagkikita. Ang unang pag tibok ng puso niya. Ang pagmamahal na naramdaman niya para dito. Pagmamahal na hindi nito nasuklian. Pagmamahal na pilit nitong nilabanan. Pagmamahal na binaon nito hanggang kamatayan. Pagmamahal na hanggang ngayon, kahit man lang sa panaginip, sana ay maramdaman niya.

Ang daya mo Max...ang daya mo. Makasarili ka alam mo ba yon ha. Makasarili ka---kasi hindi mo man lang nagawang iparamdam sakin na mahal mo din ako. Bakit mo ko iniwan ha? Bakit mo ginawa yon? Bakit pati ang kasal natin, nagawa mong paglaruan? Hindi mo man lang naisip ang mararamdaman ko? Kasi Max, ang sakit. Ang sakit sakit. Na kung sino pa yung mahal mo, hindi ka nagawang mahalin pabalik. Alam ko namang mahal mo din ako, pero alam mo, iba yung alam ko lang kaysa yung nararamdaman at nakikita ko. Nag kulang ba ko sayo Max? Kulang pa ba yung pagmamahal ko sayo? Kaya ba mas ginusto mong iwan ako? Ang daya mo.

Kahit man lang sa panaginip ko, magpakita ka naman. Nandito lang ako palagi, pero ni minsan, hindi ka nagpakita o nagparamdam sakin. Ganon mo ba ako kaayaw makita man lang. Na makasama. Kaya ako nandito, baka sakali, kausapin mo ko. At marinig sayo na mahal mo din ako. Hindi naman mahirap yon di ba. Pag nasabi mo yon,  pangako, aayusin ko ang buhay ko. Hihintayin ko ang araw na yon Max. Hihintayin ko.

-

"Hindi ka ba talaga uuwi?" Sa makalawa ay naka schedule na ang operation ni Mint at magpasa hanggang ngayon, hindi parin umuuwi si Emmeth. Binalikan niya ito sa sementeryo isang umaga.

"Bakit ka ba nandito? Uuwi lang ako pag kinausap na ako ni Max"

"Kahit habang buhay ka pang maghintay diyan, hindi ka na niya kakausapin. Mag isip ka nga Emmeth" halos pa galit na sambit ni Mint.

"And how do you know? She loves me. Magpapakita siya sakin. Kakausapin niya ko. Sasabihin niya na mahal niya din ako----

"Hanggang kailan Emmeth. Ano pa ba ang gusto mong marinig para lang bumalik ka sa dati"

"When she talk to me"

"For God sake Emmeth. You're still alive. At habang nagpapakalunod ka sa kalungkutan, mommy mo na ang pwedeng mawala sayo" sa sinabing iyon ni Mint ay napalingon si Emmeth.

"Anong ibig mong sabihin?" Nang marinig yon ni Emmeth ay nakaramdam siya ng takot.

Takot na naramdaman niya noong araw na umalis si Max.

"Kakagaling lang namin sa hospital. Nawalan siya ng malay. At ang sabi ng doctor, dahil sa stress. Stress kakaisip sayo. At kapag pati siya nawala. Pagsisisihan mo"

Mabilis na tumayo si Emmeth at tinungo ang sasakyan.

"Wait----sigaw ni Mint.

"What?" Kunot noong tanong ni Emmeth.

"So ano, iiwan mo nalang ako dito. Ano maglalakad ako pauwi"

"Tsssk. Sakay na. Dami mong sinasabi. Bilis"

"Wow ha. Ngayon ikaw pa galit. Ikaw tong napaka daming drama sa buhay"

Pairap na nag drive si Emmeth paalis ng Museleo.

"Wait" muling bumaba si Emmeth sa sasakyan at bumalik sa loob ng Museleo.

Nakita ni Mint ang tila pag kausap ni Emmeth sa puntod ng ate Max niya.

At yon ang kinuha niyang pagkakataon para makausap ang tita Cynthia niya.

To be continued...

Kapag hindi mo nakuha sa maayos na usapan...daanin mo sa takutan. Ganon

Kakayanin KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon