Kakayanin : part 46

682 78 48
                                    


After two weeks...

"Ahhhhh mahirap pala" sabay buga ng hangin ni Mint pagka sandal sa swivel chair, in her office, sa company ng lolo niya.

"Excuse me ma'am" Si Tasha. Her personal  assistant and secretary na rin.

"Come in T" yon ang nickname niya para dito. Napangiti si Tasha ng tawagin na naman siyang T ng boss niya. And she's not wondering kung mabait din ang boss niya, she's like her lolo Fredo. Mayaman man, pero mabuting tao.

"Here's your schedule ma'am. And later, may meeting po kayo dahil may interesado pong mag invest sa company niyo" reminder nito.

"Wait----wala sa sched ko yan di ba" Pagtataka ni Mint.

"Yes ma'am. He phoned us early this morning, isiningit nalang po sa schedule niyo dahil wala na po kayong vacant sa mga darating na araw"

"What time?" Sabay pangalumbaba ni Mint sa ibabaw ng table nito.

Napapangiti nakang muli si T sa asal ng boss niya. Bata pa talaga ito kung umasta. Pero she won't deny, maganda ang boss niya at parang modelo. And addition to that, palangiti ito kaya hindi maiiwasang pag usapan siya ng mga ka trabaho niya. They like her personality. Napaka light daw niyang ka trabaho. As in, parang hindi mahirap maging boss.

"Five pm ma'am"

"T, Mint nalang. Hindi ako si sanay" reklamo nito.

"Pag wala sa trabaho ma'am wala pong problema" ibinagsak ni Mint ang ulo nito sa table na ikinatawa ni T "coffee ma'am"

Nag thumbs up si Mint. Okay na din yon para mabuhay ang dugo niyang aantok antok.

-

Five pm...

Nag ayos ng bahagya si Mint. Ang nakuha niyang coach ay hindi lang about sa business ang itinuro sa kaniya. Pati na kung paano siya makikiharap sa mga ka meeting nito. Speak properly but with authority, para daw hindi isipin ng iba na basta basta lang siya, at proper attire, idagdag na ang look. Dahil daw dalaga pa siya and bata pa kumpara sa mga makakahalubilo nito, just be herself. Dress at her age and just light make up dahil maganda naman daw talaga siya lalo na pag simple lang.

Long black hair down, light lipstick ang powder...I'm ready.

Pagpasok ni Mint sa boardroom ay may lalaking nakatayo sa tabi ng glass window pero nakatalikod ito. Nandoon na si T para asikasuhin ito.

"This way ma'am" ipinaghila na ni T ng upuan ang boss niya saka ito lumabas ng boardroom. Hindi na siya kailangan nang boss niya dahil isa lang naman ang ka meeting nito. Pag uusapan palang naman kasi ng mga ito ang proposal.

"Ahm excuse me" pagtawag ni Mint sa atensyon ng lalaking supposedly ay ka meeting niya ng araw na yon.

Pag lingon nito ay medyo natulala si Mint.

"Nice to see you again" Ang nakangiting bati ni Colbie.

"Ikaw?" Ang hindi makapaniwalang sambit ni Mint.

"Yup-----was that surprise or disappointment?" Pagtukoy nito sa naging reaction ni Mint.

"Ahm----surprised. I guess" sabay ang pagak na pagtawa ni Mint. Hindi niya lang kasi inaasahan na si Colbie pala ang kasama meeting niya "have a sit" mostra nito kay Colbie.

"Nice place " ani Colbie nang mag kaharap na sila ni Mint and beautiful face...sa isip ni Colbie.

Hindi niya kasi masyadong nakita ang muka ng babae kahapon dahil wala siyang contacts.

Kakayanin KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon