MintPasado alas onse na ng gabi ng dumating si Ate Max. Sakay ng isang kotse na huminto sa di kalayuan. Nasa labas ako noon ng bahay at nagpapahangin dahil hindi ako makatulog. Hindi ko maaninag kung sino ang nag hatid dito dahil sa malayo nga nag park ang kotseng sinasakyan niya. Hindi rin bumaba ang driver nito. Si ate Max lang.
"Ate" Nagulat ito ng tawagin ko. Malapit na ito sa pinaka tarangkahan ng bahay namin.
"M-Mint---anong ginagawa mo dito sa labas. Mag uumaga na. Bakit hindi ka pa natutulog?" napansin ko ang bahagyang pagiging unease nito. Hindi siya ganito.
"Hindi ako makatulog. Nagpapahangin lang saglit. Saan ka galing saka sino yung naghatid sayo?"
"Ah yon ba. Wala yon. Costumer lang sa club. Nasira kasi yung motorsiklo ko kaya nagmagandang loob na ihatid ako. Halika na sa loob, matulog na tayo" hinawakan ako nito sa kamay at hinila papasok sa loob ng bahay.
Tumabi ako dito sa pagtulog. Pero ramdam kong hindi pa rin ito natutulog, Pasado alas tres na ng umaga ng tingnan ko ang relo na nakapatong sa tabi ng kama niya. Biling baligtad ito na parang hindi mapakali.
"Ate" napalingon ito sa gawi ko "kanina ka pa hindi mapakali. May problema ba?" Pagtataka ko.
"Wala. Parang naiinitan kasi ako kaya hindi ako makatulog. Pasensya ka na ha. Sige na matulog ka na. Pipilitin kong makatulog"
Tumango nalang ako at muling bumalik sa pagkakatulog. Pero ramdam ko, may hindi sinasabi sa akin si ate Max. Kung ano yon, gusto kong malaman.
-
Nakailang biling na ako sa higaan pero hindi ako dalawin ng antok. Mahimbing na si Mint sa tabi ko. Nagpasya akong lumabas ng kwarto at magpahangin sa labas katulad ng ginawa ni Mint kanina lang. Hindi totoong naiinitan ako, ang totoo, iniisip ko ang pagsisinungaling ko kay Mint. Ang pagtatago ko sa katotohanan na si Emmeth ang naghatid sa akin. Na siya ang kasama ko sa mga nakalipas na oras. Ang pakikipag kita ko sa nagpakilalang lolo namin. Ang kagustuhan nito kapalit ng tulong niya. At habang tumatagal, dumadami ang sikreto ko kay Mint. Sikretong hindi ko alam kung kailan ko kayang ibunyag.
At ang sikretong hindi ko kakayaning sabihin sa kaniya, ang tungkol kay Emmeth. Ang tungkol sa nangyari sa amin kanina sa loob ng kotse nito. Ang mga halik nito. Para akong isang bagay na nagpatianod sa agos ng tubig. Hindi ko ginusto, hindi ko napaghandaan. Pakiramdam ko, napakalaki ng kasalan ko kay Mint. Pakiramdam ko, traydor akong kapatid. Pero hindi ko pinilit si Emmeth na gustuhin ako. Na ako ang mahalin niya. Hanggat maaari, itinataboy ko siya palayo.
Pero bakit kanina----bakit pakiramdam ko, ginusto kong makasama siya. Hindi lang ang mga halik niya ang nakatatak sa isip ko. Kundi ang bawat salita niya. Kung gaano niya ako kamahal. Na handa siyang gawin ang lahat para lang mahalin ko siya.
Nilalabanan ko ang nararamdaman ko, dahil mahal siya ni Mint. Pero bakit naglalaban ang isip at puso ko.
Naguguluhan ako kung ano ang gagawin ko.
Hindi ko alam kung ano ang tama kong gawin.
Pag sinabi ko kay Mint ang totoo, masasaktan ko siya.
Pero habang naglilihim ako, nasasaktan ko din siya.
Bakit ganito?
Bakit ang gulo?
Bakit naiipit ako sa isang sitwasyon na kahit ayaw ko, may masasaktan at masasaktan ako?
Bakit ba kasi dumating pa si Emmeth sa buhay naming magkapatid?
Bakit pa siya minahal ni Mint?
At bakit ako ang minahal ni Emmeth?