Kakayanin : part 78

576 51 10
                                    


Masayang nagtatampisaw sa dagat ang magkakaibigan ng magpaalam si Liz sa mga ito saka pumunta kung nasaan malapit kina Max at Emmeth. Nasa barbecue naman sina Mint at Colbie at nag iihaw. 

"Guys, guys" lumangoy si Cheska papunta sa pwesto nina Katelyn.

"O bakit," hinila na ito ni Katelyn sa kamay para tuluyang makalapit sa kanila.

"Wala ba kayong napapansin" tanong agad nito.

"Meron" sagot ni Uno.

"Ano napapansin mo? baling ni Cheska dito.

"Nakaka inggit sila" sabay turo nito kina Emmeth at Max, ganon din  kina Mint ay Colbie.

"Hindi iyon----tell me guys. Wala ba kayong napapansin?" Muling tanong ni Cheska.

"Si Liz" Ang sagot ni Vien na ikinalingon ng magkakaibigan.

"Tell me---pareho ba tayo ng napapansin?" direktang tanong ni Cheska kay Vien.

Nasa mababaw na parte na sila ng dagat kaya naupo nalang sila.

"May kakaiba sa kaniya. Hindi ko lang sinasabi pero simula ng dumating tayo, iba na ang napansin ko sa mga kilos niya. Close siya kay Colbie di ba dahil magka kilala sila, not only that, she's Colbie's Ex-girlfriend cousin, pero mas ka pansin pansin para sakin ang madalas niyan pag lapit kay Emmeth. Remember noong kumain tayo sa labas, may something na parang nag away sila.  Galit si Emmeth pero si Liz, parang wala lang" kwento ni Vien sa mga napansin niya.

"And palagi siyang sumasama sa paghahanap noon kay Max knowing the fact na hindi niya naman kilala si Max----alam niyo yung girl instinct" muling pagsasatinig ni Vien nang mga napapansin niya.

"You've got my point Vien, bakit di ba? Sana lang mali ang kutob ko" ani Cheska.

"Na manggugulo siya sa relasyon nina Max at Emmeth----tama ba?" Ang pagkumpirma ni Katelyn.

"Guys, wag muna tayong mag assume. We only based on what our eyes can see, paano kung mali tayo" ani Niel.

"Pero paano kung tama tayo" Ang mabilis na tugon ni Vien.

"Max and Emmeth's relationship has gone through a lot of obstacles, and they surpassed it all. I don't think Liz can't affect or do something to ruin what they have now" komento ni Rick.

"A woman who knows what it wants find ways how to get that----kahit pa may mag suffer na iba" ani Katelyn dahil dumaan na siya sa ganon. At naging lesson yon sa kaniya.

"Wait guys, don't you realize that we're being unfair to Liz. We don't even know her pero hinuhusgahan na natin siya based on her actions" hindi naman sa  ipinagtatanggol ni Uno si Liz, he's just being fair.

"Then bakit pare pareho kami ng hinala" Ang tugon ni Cheska.

"Kung isa lang sa atin ang nakakapansin, I'll consider your thoughts Uno, how come  na iisa ang nasa isip namin. It's not a coincidence, that's the truth and all we need is a proof" ani Vien.

"Enough guys. Stay calm as long as walang ginagawa si Liz" payo ni Rick sa mga kaibigan  "Make some move kapag may ginawa na siya. And my point si Uno, huwag muna nating husgahan si Liz. And one thing is for sure, hindi hahayaan ni Emmeth na mawala sa kaniya si Max. Hindi niya papayagang masira pa ang meron sila. He's been through hell noong inakala niyang namatay si Max. He won't let anyone to ruin them" Ang muling komento ni Rick sa umiinit na takbo na ng usapan.

"May point si Rick. I guess, maging observant nalang tayo. But the problem is, hindi naman natin sila madalas makasama----kaya paano?" naitanong ni Cheska sa mga kaibigan.

"Si Mint" Ang sagot ni Vien.

"Bakit si Mint?" tanong ni Niel kay Vien.

"Si Mint ang palaging kasama ni Max. We can asked her. Mapapansin niya naman kung may mag babago kay Max di ba. And sure naman ako na palaging pupuntahan ni Emmeth si Max-----so" si Cheska ang sumagot sa tanong ni Niel.

"Tama si Cheska. Si Mint ang way para malaman natin kung may mga evil deeds behind our back yang si Liz. She's pretty----but remember, a beautiful face can be a demon" wika ni Vien.

"End of discussion guys. It's our last night here so stop talking about this and that. We're spoiling this beautiful night. Let's go and have some drink" ani Rick sabay tayo. Inalalayan na din nito ang fiance niya.

"Guys, uuwi na tayo bukas. Baka naman magpaka lasing kayo" paalala ni Cheska.

"Two bottles lang. Pampainit lang" tugon ni Niel sa girlfriend nito.

"So may pa welcome party ba tayo para kay Max pagdating sa Manila?" tanong ni Katelyn sa mga kasama habang naglalakad patungo sa mismong setting ng bonfire party nila.

"I don't think so. It's not the right time I guess" sagot ni Rick.

"Why not?" Muling tanong ni Katelyn.

"Look at her Katelyn. She's blind. If we throw a welcome party for her, baka mag self pity lang siya pag nagkataon" sagot ni Vien sa tanong ni Katelyn.

"I got it. I think I became insensitive. Masaya lang kasi ako na nakabalik na si Max" ani Katelyn.

"Magagawa naman natin yon kapag okay na siya. Kapag naoperahan na yung mga mata niya.  I'm sure Mint and Emmeth won't let her suffer more" Si Niel.

"That's definitely for sure" pag sang ayon ni Cheska.

"Ang layo ba nang ni lakad natin. Haba pa nang pinag usapan natin" komento ni Uno.

"Rare to. Yung minsan may sense yung topic" sagot ni Niel.

"Mukang seryoso usapan ah" puna ni Mint sa mga kaibigan na papalapit sa pwesto nila.

"Oo naman. Seryoso talaga. Pinauusapan namin kung kailan babalik si Magellan" Ang pabirong sagot ni Niel.

"Baliw ka talaga Niel" nakangiting tugon ni Mint.

"Shot na tayo guys. After non, swimming ulit sandali. It's our last day kaya sulitin na natin" muling sambit ni Niel.

"Bawal magpaka lasing guys. Babalik na tayo bukas" paalala ni Mint sa mga kaibigan.

"Copy ma'am " sagot ni Uno na naka hand salute pa.

"Max, lest swim" paanyaya ni Emmeth dito.

"Huh---eh ikaw nalang. Makakaabala pa ko sayo"

"No worries. I'm happy kung ikaw naman ang dahilan" nakangiting sagot ni Emmeth bagaman hindi iyon nakikita ni Max.

"Pagbigyan mo na ate. After kasi nito, busy na naman yan sa trabaho. Actually lahat kami. At ikaw----may mga aasikasuhin din tayo. So mawawalan kayo ng time sa isat isa kay sige na " pagtutulak ni Mint sa kambal.

Hindi naman sa ayaw talaga ni Max na mag swimming. Ayaw niya lang kasing hindi ma enjoy ni Emmeth ang time na yon dahil sa kaniya. Sa kaniya mapupunta ang attention nito.

"Sige na nga" sabay huli ay pumayag na si Max "Pero hindi na ako magpapalit ha. Ito nalang suutin ko" naka maong short at medyo lose na white shirt lang siya na galing sa kambal niya.

"Much better" Ang walang pag aalinlangang mabilis na sagot ni Emmeth. He likes it better.

Yeah...he's being possessive.

Ayaw ni Emmeth na makita ang expose skin ni Max ng iba. Kahit pa mga kaibigan niyang lalaki.

For his eyes only...

To be continued...

To fall in love or liking someone who's already in a relationship...you might end up, destroying them or yourself.

Kakayanin KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon