Luha's POV
Andito ako ngayon sa classroom kasi kakatapos lang nung flag ceremony na wala naman akong maintindihan. Paano ba naman may gwapo na kumuha ng aking pakineng attention. No, hindi iyong anghel. The guy with gray hair.
So ito at nakatunganga lang ako dito kasi hinihintay pa namin 'yung magiging teacher namin at 'yung ibang classmate namin.
Dahil wala naman akong magawa ayon at nagpakatanga na naman ako sa maling tae--este tao.
Bored lang akong nakatingin sa mga dumadaan na nakatingin sa akin pero ngumisi lang ako saka nagpangalumbaba. "You might lose your eyes for staring, babies." Agad naman ang nga itong umalis kaya napailing na lang ako saka nahiga sa kamay ko.
Maya-maya ay biglang napakunot ang noo ko ng may marinig na kakaiba.
Bogshhh!
Baaam!
Wapaamm!
Plok! Plok! Plok!Gulat ka, no? Ako din. Gague ambastos---ay laro pala.
Iyong tunog pala ng laro ng nasa tabi ko. Pagkarating ay laro agad sa cellphone at dahil hindi ako tsismosa, slight lang. Ayon at nakatingin ako kung ano ang nilalaro niya at nanlaki ang mga mata ko ng makita kung ano...
Summer time sa---ilalim ng puting ilaw sa dilaw na buwan. Pft. Among us kasi.
"Naglalaro ka rin niyan?" I asked.
Wow! English self! Is me english? English is me? Me is English. Awit.
"May mata ka naman, diba?" Tanong niya kaya napairap naman ako. Ang suplado naman ng batang 'to. Teka, tama ba ng napuntahang room 'to. Mukhang elementary pa lang ata ang batang 'to, eh. Baka naligaw?
"Wala. Wala talaga akong mata. Che!" Attitude ako eh. Bahala siya. Suplado lang siya, attitude ako.
"What the---hey! Ikaw yung nakaapak kay Trivon kanina, diba?!" Eh? Sinong animal na Trivon naman---ay! Iyong anghel kanina!
Tangina ka self! Tinawag mo lang animal yung guwapong anghel kanina.
"Oo. Ako nga 'yon. Bakit?" Ma-attitude na tanong ko. Sabi ni ate kapag nasa school ako ay dapat matapang ako, eh. Kaya ayon palaging nasa Dean's Office at nagkakape. Sa sobrang galing ko ay halos araw-araw akong nasa dean's office. Halos ma-perfect ko na nga yung attendance, eh. Lupit ko, diba?
"Huwag ka namang strong, Manang. Nagtatanong lang ako, eh."
Aba't lokong bata ang tsanak na 'to, ah?! Sakalin ko kaya ribs nito.
"Ah, okay---ano sabi mo?! Hoy! Maka-manang ka sa akin, ah. You hurting my meow meow, you know." My meow meow is aching. My meow meow said she's hurt.
"HAHAHAHA. Bakit? Mukha ka naman talagang Manang, ah." Aba't! Isasako ko ang batang 'to.
"Kung hindi ka lang talaga cute ay sasakalin talaga kita. Pasalamat ka at ang cute mong bata." Pinisil ko naman ang pisngi nito at napangiti na lang.
Ang lambot. Sarap pisilin.
"I'm Trunxx, by the way." Pagpapakilala nito kaya napangiti naman akong tinitigan siya. He reminds me of someone.
But....he look so young. Tama ba ang napuntahan niyang room? Baka mamaya elementary pa lang pala 'to. Grade seven pa lang ata ang batang 'to, jusko.
"What?" Tanong nito ng makitang nakatitig ako sa kaniya.
"Luha. Call me Luha." Nakangiting saad ko.
"That's your name?" Kunot-noong tanong nito. Tila nagtataka sa ibinigay ko na pangalan.
"Yeah, why? Ganda, diba?" Confident ako sa name ko, eh. Ang ganda kaya.
"Masyadong makaluma. Para ka talagang Manang. Baka ikaw pala teacher ko rito, ah?" Gulat na tanong nito kaya natawa naman ako dahil ang cute talaga nito.
"Maybe? Take a guess." Nakangising saad ko sa kaniya.
Napatingin naman ito sa akin mula ulo hanggang paa. "Ay! Baka hindi kita kaklase." Natawa naman ako saka ginulo ang buhok nito.
"Kaklase mo'ko. Hindi lang halata." Natawa rin naman ito sa sinabi ko.
Cute, ah?
BINABASA MO ANG
UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...
Ficção AdolescenteTears Meyreal Santiago, a girl who is hiding her true self. Ang babaeng masyadong maraming sekreto. Ang babaeng parang isang malaking misteryo. Isang babaeng hindi mo pwedeng apihin dahil ikaw lang din ang masasaktan sa huli. A girl who is bored in...