40

25 4 0
                                        

Luha's POV

Hapon na at kakatapos lang ng klase. Kasalukuyan kami ngayong naglalakad pauwi. Hindi na mainit pero presko pa rin ang hangin na dumadampi sa balat ko.

"Trunxx takot ka ba sa akin?" Tanong ko habang nasa daan lang ang paningin.

Nanatili lang naman siyang tahimik pero nakalingon na siya akin. Ilang sandali lang ay narinig ko pa siyang napabuntong-hininga bago sumagot. "Oo, natatakot ako sa'yo. Una ay napaka-mahiwaga ng katauhan mo. Pangalawa ay kaya mong pumatay ng tao. Pangatlo, natatakot ako sa mga kaya mo pang gawin." Ramdam ko ang pagka-seryuso ng boses niya. Pero hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakikinig. "Pero kahit anong takot ko sa'yo ay hindi ko kayang layuan ka. Na kahit nakita ko na ang kakayahan mo ay hindi ako nag-isip na kahit isang beses na iwanan o kalimutan ka. Dahil kahit anong takot ko sa'yo, ramdam na ramdam ko naman ang kabaitan mo. Yung pag-aalala mo sa iba. Ewan ko pero gusto ko pa rin na maging kaibigan kita. Hindi pala, parang kapatid na pala ang turing ko sa'yo."

"Kapatid na rin ang turing ko sa'yo, Trunxx." Nakangiting saad ko naman at ginulo ang buhok niya.

Siguradong-sigurado na ako ngayon na nakikita ko na si Trunxx sa buhay ko bilang siya mismo at hindi ang namatay na kapatid ko.

Noong una ay gusto kung mapunan ang bahagi ng kapatid ko gamit si Trunxx. Tuweng kasama ko siya ay ang kapatid ko ang naiisip ko. Pero habang patagal na patagal na magkasama ko ay na-realize ko na ang kasama ko pala ay si Trunxx at hindi ang kapatid kung namatay. Isang pagkakamali ang ginawa ko na ayaw ko ng ipagpatuloy pa.

Kung nakita ko man si Trunxx bilang kapatid ko---noon iyon. Hindi na ngayon.

Dahil siya na ang magsisilbing pangalawang bunsong kapatid ko.

"Ang cool mo, Ate."

"Talaga?" Tanong ko sa kaniya.

"Mukha kang lalaki."

Napangiwi ako dahil sa sinabi nito. "Sa haba ng buhok ko'ng 'to---lalaki?" Pakita ko sa buhok ko.

"Baka wig lang naman 'yan, eh. Malay ko ba kung lalaki ka talaga."

"Minsan ang sarap mong batuhin ng pinya, Trunxx. Totoo." Saad ko dahilan para mapatawa naman ito ng malakas.

"Biro lang. Pero, totoo, ang cool mo." Saad niya kaya  tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Baka ako tino-talkshit mo, ah. Sasakalin talaga kita."

"Hindi ah. Totoo ang sinasabi ko."

"Dahil diyan may piso ka." Bigay ko sa kaniya ng piso na kanina ko pa hawak at nilalaro-laro. Napulot ko lang kanina sa daan ang piso na iyon.

"Aanhin ko naman 'to?"

"Hoy, pahalagahan mo ang pera. Kahit piso lang 'yan eh mahalaga na ang ambag niyan sa lipunan." Panenermon ko sa kaniya.

"Sinabi ko bang hindi ko pahahalagahan? Gagawin ko na lang 'tong lucky charm, puwede ba?" Nakangiting tanong niya.

"Oo naman."

"Teka, andito na pala tayo." Nagugulat na sabi niya habang nakatingin sa bahay. Andito na kami sa harapan ng bahay. "Ang daldal mo kasi Ate. Hindi ko na tuloy namalayan."

Ako pa talaga? "Tss." Iyon lang naman ang isinagot ko sa kaniya.

"Nahahawa ka na kay Renzo, Ate." Napangiwi lang naman ako at nagkibit-balikat.

"Tara na nga. Mag-jo-jogging pa ako." Sabi ko at binuksan na ang gate at pumasok. Sumunod naman siya sa akin at isinarado ang gate.

"Sama ako sa'yo, Ate."

UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon