Luha's POV
Nakalabas na si Trunxx mula sa Cr at nakabihis na rin habang ako ito at naghahanap pa rin.
"Ate, ikaw na. Tapos na ako." Saad niya."Wait lang. Naghahanap pa ako ng adidas na hoodie." May sapatos at jogger pants na ako na parehong adidas. Hoodie lang.
"Kahit iba na lang diyan ate baka malate tayo." Saad pa ulit nito.
"Hindi. Hindi. Hindi. Dapat parehas tayong dalawa kaya wait ka lang diyan." Sabi ko at nagpatuloy sa paghahanap.
"Okay lang 'yang Gucci na hoodie, Ate. Pwede na 'yan." Turo nito sa puting Gucci na hoodi."Hindi."
"Male-late na tayo, Ate."
"Wala akong pake. Oras ang mag adjust." Kitang naghahanap pa ako. Sila mag-adjust.
"Ate... Tama na 'yan sabi---"
"Nahanap ko na rin!" Masayang saad ko habang hawak-hawak ang hoodie na adidas.
_____________________________
Trunxx's POV
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang tinitingnan si Ate Luha na naghahanap sa drawer niya.
"Kahit ibang brand na lang diyan Ate baka malate tayo." Sabi ko habang tinutuyo ang buhok ko gamit ang blower."Hindi. Hindi. Hindi. Dapat parehas tayong dalawa kaya wait ka lang diyan." Sagot nito.
Pakiramdaman ko ay tunay ko na talagang kapatid si Luha dahil sa pagtatrato nito sa akin. Hindi ko naranasan na magkaroon ng kapatid dahil nag-iisa lang akong anak nila Mom at Dad. Gustong-gusto ko talaga kapag tinuturing niya akong parang kapatid niya.
"Okay na 'yang Gucci na hoodie, Ate. Pwede na 'yan." Sabi ko para hindi na siya mahirapan pang maghanap.
"Hindi.""Male-late na tayo, Ate."
"Wala akong pake. Oras ang mag-adjust." Sagot niya pa habang kunot ang noo at naghahanap. Natawa na lang ako sa kaniya at napailing.
"Ate... Tama na 'yan---"
"Nahanap ko na rin!" Masayang saad nito at ipinakita sa akin ang hoodie na iyon at ibinalik na ang iba sa drawer. Orange ang kulay nun.
"Wow! Ganda naman niyan, Ate. Nahiya yung adidas ko." Natatawang sabi ko. Paano ba naman limited edition yung adidas na hoodie niya samantalang ang akin ay simple lang.
"Parehas lang 'yan. Tsaka yung sa'yo hindi na kailangang masyadong maganda kasi gwapo na yung sumusuot." Nambola pa talaga.
"Huwag ka ng mambola, Ate." Natatawang sabi ko.
"Sige na ate maligo ka na at baka malate talaga tayo."
"Sige. Sige. Ligo na muna ako." Pumasok na nga si Tears sa loob ng banyo habang ako naman ay nilibot ang buong kwarto ng tingin at doon ko napansin na parang walang masyadong gamit yung bahay nila. Parang bagong lipat lang sila, sa nakikita ko ngayon. Walang silang mga pictures maski isa. Mula kanina sa ilalim hanggang dito sa kwarto ay wala talagang pictures. Kahit isa, wala. Habang yung mga gamit naman nila ay halos bago pa talaga lahat. Isang tingin at alam kung mamahalin lahat ng mga gamit nila rito. Pero kung titingnan mula sa labas ay parang simpleng bahay lang ito na pag-aari ng mga simpleng tao. Pero kapag pumasok ka ay doon mo na makikita kung gaano kayaman ang nakatira dito.
Tapos napagkamalan ko lang na tambay at palaboy si Ate Tears.
Sa pananamit naman ay sobrang simple lang talaga ni Tears. Halos hoodie at shorts ay ayos na siya. Kaya hindi mo talaga mahahalata na mayaman siya. Tapos minsan ay hindi pang ang pananamit niya ang pang-tomboy, pati ugali niya at kilos niya.
BINABASA MO ANG
UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...
Teen FictionTears Meyreal Santiago, a girl who is hiding her true self. Ang babaeng masyadong maraming sekreto. Ang babaeng parang isang malaking misteryo. Isang babaeng hindi mo pwedeng apihin dahil ikaw lang din ang masasaktan sa huli. A girl who is bored in...