29

34 2 0
                                    

Luha's POV

Ni-ready ko na ang sarili ko sa mga tanong nila pero napapangiwi pa rin ako tuweng naririnig ang mga tanong nila.

"Sino ka ba talaga, Ate?"

"Bakit ka may baril? Bakit gano'n ang school na iyon?"

"Tss." Ito lang talaga yung kayang sabihin na Renzo.

"Sino ako? Ako 'to, Si Tears." Natatawang sagot ko. "Bakit ako may baril? Kasi may baril ako. Beng Beng." Umakto pa akong may binabaril gamit yung mga daliri ko.   

"Tss. Baliw." Baliw raw ako? Oo, siguro nga. Baliw na baliw kasi ako sa'yo.HAHAHAH ang lupet ng banat ko, men!

"Bakit ka naniwala sa sinabi ko kanina? Hindi mo naman tiyak kung ganoon nga ako kayaman." Sumeryuso naman ako at tumingin sa kanila. Habang nasa hospital sila ay pina-imbestegahan ko na silang tatlo. Alam ko na ang mga pagkatao nila ngayon.

"Kilala ko na kayo." Saad ko. Nakita ko naman ang pagkagulat sa mga mata nila pati na sa ekspresiyon nila.

"P-Paano?" Gulat na tanong nila.

"I have many ways. It was a piece of cake for me." Sagot ko at bumuntong-hininga.

"So, ayaw mo na ba sa amin?" Tanong ni Trunxx. Malungkot na naman ang boses niya.

"Bakit naman ako aayaw sa inyo, aber?" Kunot-noong tanong ko sa kanila.

"Kasi akala ko alam mo na...na mga basagulero kami dati." Dahang-dahang tanong ni Trunxx at pahina ng pahina pa ang boses.

"Then?" Tanong ko pa ulit.

"Akala namin kasi lalayo ka na kapag dumating yung oras na malaman mo ang sikreto namin..." Si Trivon ang sumagot.

"Psh. Baka nga ako yung layuan niyo kapag nalaman niyo ang sikreto ko." Totoo naman kasi nang nagdaang mga araw na wala sila sa tabi ko ay iniisip ko na kapag nakita nila na naghuhusga sa kapwa namin estudyante. Gawain na hindi normal para sa isang estudyante.

"Natakot kami sa'yo, oo. Pero hindi ka namin lalayuan. Hinding-hindi." Umiiling na saad ni Trunxx at niyakap ako. Napangiti na lang naman ako dahil lumalabas din talaga ang batang side ni Trunxx.

"Hey! Bakit ka nagpapayakap?" Singhal ni Renzo habang masamang nakatingin sa akin. Hala? Anong nangyayari sa lalaking 'to?

"Kasi---"

"Bitaw!" Singhal niya kay Trunxx na humaba naman ang nguso.

"Grabi ka naman. Yumakap lang naman ako eh. Ang damot mo." Natawa na lang ako dahil parang bata talaga si Trunxx na iniinis sa Renzo.

"Kahit na. No touching. Sumunod ka sa rules." Saad naman ni Renzo pero tinawanan lang siya ni Trunxx.

"Pero kanina noong binaril mo si Blythe, nagulat talaga ako. Akala ko nagbibiro ka lang nang sabihin mong babarilin mo siya." Saad ni Trunxx at uminom sa shake na hawak.

"Hm? Yeah. Sanay na ako sa mga ganiyang reaksiyon. Kaya nga siguro wala akong masyadong kaibigan. Natatakot kasi sila sa akin." Natatawang saad ko pero hindi rin maiwasang hindi malungkot tuweng naalala yung ibang mga kaibigan ko na iniwan na ako at kinalimotan.

"Andito pa kami kaya huwag kang magdrama." Nakaiwas ang tinging saad ni Renzo. Tss. Hindi man lang sinabi iyon ng nakatingin ng deritso sa mga mata ko.

"Oo nga, Ate. Pareho lang naman tayo na walang tumatanggap kapag nakilala na nila talaga kung sino ba talaga tayo."

"Tsaka natanggap mo rin naman kami kahit na alam mo ng hindi kami kasing bait ng inaakala mo." Saad naman ni Aprebon. Akalain mo nga namang buhay pa 'to. Kanina pa hindi nagsasalita ang isang 'to eh.

UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon