Someone's POV
"Ang galing ni SD."
"Mahal ko 'yan! SD mahal kita! Whoooooo! Kaya mo 'yan."
"Gago baka marinig ka! Baka hindi ka na huminga kinabukasan.""Manahimik na kayo. Baka marinig kayo!"
Samo't-saring mga litanya na naririnig ko mula sa paligid.
May laban ngayon si SD at Torture Beta kaya ganoon na lang ang sigawan ng mga tao. Palagi namang ganoon basta may laban dito pero mas lalong umiingay kapag laban niya.
"Pupusta ako sj SD na naman panalo dito."
"Oo nga bro. Sa kaniya din ako pupusta."
"Doon ako sa kabila. Ayon sa naririnig ko eh mabagsik daw 'yun."
Usapan ng nasa gilid ko. Kung ako ay kay SD din ako pupusta.
Wala pang nakakatalo sa kaniya. Simpleng dahilan pero ang lakas na nun para panghawakan.
At ilang minuto pa ang lumipas ay narinig ko na ang boses ng may-ari nitong lugar dahilan para mapatingin naman ako sa kinaruruunan nito.
"Pasensiya sa paghihintay mga kaibigan. Ngayon lang dumating ang ating magkatunggali para sa gabing ito. Siguro ay atat na atat na kayo? Kaya sisimulan na natin ang laban nila kaya maghanda na ng pusta at manok! HAHAHA." Sigaw ni Turbo, may ari nitong lugar.
At hindi nga siya nagkamali dahil mula sa may kabilang corner ay nakita kung umakyat ai SD sa loob ng ring pero kagaya ng dati may suot na naman itong maskara.
Hindi na iyon mawawala sa kaniya tuweng maglalaro.
Nakita ko din sa gilid ang dalawa pa. Sina Moon at Star na sumusunod din kay SD dito sa UG. Wala pang nakakatalo sa kanilang tatlo. Kahit isa ay wala pa. Mapalalaki o babae.
At dahil nga andoon na sa ring si SD at tumatalon ay tanging si Beta na lang ang hinihintay para masimulan na ang laban.
Pero ilang minuto na rin ay agad namang lumabas si Beta mula sa kabilang corner at umakyat papunta sa ring. Ngwyon ay nagharap na silang dalawa. Wala ng atrasan dahil maglalaban na sila hanggang sumuko ang isa. Wala ng bawian basta't makapasok ka na sa loob ng ring.
Ang liksi ni Beta habang si SD maman ay kalmado lang na binabantayan ang galaw ng kalaban niya. At sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay bigla na lang sumugod si Beta at ang akala ko ay hindi na makakaiwas si SD dahil sa bilis ng suntok na iyon pero nagkakamali ako. Nasangga niya ang suntok na iyon na iyon na parang wala lang. Agad naman akong napatigil sa paghinga ng makitang ikinuyom ni SD ang kamao at balak sanang suntukin si Beta. Hindi iyon simpleng suntok dahil rinig na rinig mo ang impact dahil sa ingay ng hangin matapos niyang pakawalan iyon. Bigla namang tumalon sa ibabaw ni SD si Beta at siniko ito pero nakaiwas na naman si SD. At nagpatuloy lang ang laban.
Suntok at sipa. Ang bilis nilang gumalaw pero nasasabayan pa naman ng mga mata ko.
Pero habang patagal ng patagal ay napapansin kung nagsisimula ng manghina si Beta. Siguro ay dahil unti-unti nang nauubos ang lakas nito dahil sa pagsuntok at pagsipa at ang bilis pa ng mga iyon.
Habang si SD naman ay nananatili lang kalmado kaya hindi ko maiwasang hindi mapahanga.
Oo, magaling si Beta pero hindi sapat ang galing niya para matalo si SD. Kahit saan mo dalhin si SD ay magaling siya mapa-hand to hand combat papuntang sandata hanggang sa baril ay alam niyang gamitin. Kaya iilan lang talaga ang nagtatangkang kalabanin siya. At mga iyon ay mga hindi siya kilala at may mga malalaking galit sa kaniya.
BINABASA MO ANG
UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...
Teen FictionTears Meyreal Santiago, a girl who is hiding her true self. Ang babaeng masyadong maraming sekreto. Ang babaeng parang isang malaking misteryo. Isang babaeng hindi mo pwedeng apihin dahil ikaw lang din ang masasaktan sa huli. A girl who is bored in...