46

25 3 0
                                    

Luha's POV



Nagsimula na akong mainis dahil sa paulit-ulit na lang na tumatanggi ang lalaking matigas ang ulo na ayaw uminom ng gamot.

"Inumin mo na 'to para gumaling ka na." Mahinahong saad ko at nginitian ito.

"I don't want that. I'm fine without that thing. Kaunting init lang 'to."

"Bakit ayaw mo? Gamot 'to, oh. Gamot. Pinapaalala ko lang dahil baka lasing ka pa." Pakita ko pa sa kaniya ng gamot.

"I c-can't drink it..."

"Putanginang 'yan. Paracetamol lang 'to, oh! Isang subo at isang lunok mo lang ayos na bakit ba ayaw mo pang gawin?!" Naiinis na tanong ko sa kaniya dahil nagsisimula na talaga akong mairita. Kanina ko pa pinapainom sa kaniya ang gamot pero puro tanggi ang lintek.

"Eh, sa hindi ko nga kayang inumin 'yan. Anong magagawa ko?" Naiinis na tanong rin nito pabalik.

"Anak ng---paano ka umiinom ng gamot kung gano'n?!" Kunot-noong tanong ko sa kaniya.

"Liquids." Mabilis na sagot nito. Napaawang na lang ang bibig ko habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya.

So ano ang gagawin ko sa paracetamol? Ilalaga ko para lumambot at maging liquid?

Hindi takot sa pakikipaglaban pero sa tablets na gamot tumitiklop. Kinginang 'yan.

"Para kang bata." Singhal ko sa kaniya.

"You can't blame me." Pagrarason  nito.

"Bakit ayaw mo ng tablets?" Tanong ko sa kaniya matapos na tumayo at pumunta sa ref. Pagbalik ko ay may dala-dala na akong isang baso ng gatas.

"Doesn't taste good." Sagot nito kaya napairap na lang ako. Ano pa nga ba ang irarason ng isang batang paslit sa tanong ko kung hindi ganito.

"Isubo mo ang gamot tapos inumin mo 'yan." Bigay ko s akaniya ng gamot at isang baso ng gatas.

"Kapag 'to masama pa rin ang lasa...lagot ka talaga sa akin." Pagbabanta pa nito.

Ako pa talaga tinakot eh siya na nga 'tong tinutulungan ko. Tindi talaga ng apog ng lalaking 'to.

"Oh buhay ka pa ba? Baka patay ka na, naninigurado lang." Saad ko dahilan para agad naman ako nitong sinamaan ng tingin pero inirapan ko lang naman siya. "Ano na? Pangit pa rin ba lasa? Condensed milk na ipapainom ko sa'yo kung 'yang inuming gatas eh hindi effective."

"Nawala na nga yung masamang lasa." Alangan magstay? Hindi siya loyal, no.

"Pahinga ka na ulit sa sofa para gumaling ka kaagad. Baka sakaling pa kita diyan kapag nag-inarte ka pa ulit." Tinulungan ko itong tumayo at pinahiga sa sofa para makapagpahinga.

"I'm already hungry, Ate. I want to eat pizza." Saad ni Trunxx at doon ko lang din na-realize na gutom na rin ako.

"Order a lot of pizza and chicken, Levis. Ask them too if they want something else." Saad ko at naisipan na maglakad papunta sa kusina dahil parang nauuhaw ako.

Uminom naman ako ng tubig at nakadalawang baso pa. Naghilamos na rin ako ng mukha dahil pakiramdam ko ay ang lagkit na ng mukha ko.

Papabalik na sana ako ng living room nang bigla na lang may umalingawngaw na putok dahilan para agad naman akong naging alerto at nagtago sa pader na pinakamalapit. "Dapa! Dumapa kayong lahat!" Sigaw ko habang hinahanap kung sino ang nagpaputok.

"Fuck this! Where did that came from?" Usal ni Turks at may hawak ng baril.

"Secure the others. Ako na ang bahala sa putanginang 'yon." Utos ko rito at tumakbo papunta sa mesa at kinuha mula sa ilalim niyon ang sniper ko na nakatago. Mabuti na lang at naisipan ko na magtago ng baril sa ilang bahagi ng bahay. "Ligtas ba kayong lahat?" Sigaw ko habang patuloy sa paghahanap ng taong nagpaputok.

UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon