Renzo's POV
"Wife, you want?" Tunghay ko kay Tears nang kinakain. It's cupcake.
"Hm. Thanks." Dumukwang ito at kinain iyon at nagpatuloy sa pakikipag-usap sa kaibigan.
Parang wala lang naman sa akin ang tawagan namin. It's all because of the game anyway. At ang mga babaeng kasama namin ay parang hindi man lang nakakaramdam ng awkwardness. Parang wala lang naman sa kanila iyon kaya hindi rin mabiro about doon.
Lalo na 'tong partner ko. Parang mas lalaki pa nga kesa sa akin, eh.
"Don't stare."
Natigilan ako nang mahina nitong tapikin ang mukha ko at sobrang lapit na ng mukha niya ngayon sa akin. Hindi ko namalayan dahil sa labis na pag-iisip.
"I'm sorry." Nasabi ko na lang pero nanatiling nasa kaniya pa rin ang paningin.
"Want to try?" Tunghay nito sa almonds.
"Sure." Kinain ko naman iyon. "Are you okay?" Tanong ko rito at natigilan ito dahil doon pero maya-maya lang ngumiti rin at tumango. "Tell me if you have problem."
"You'll help me?" Nakangising tanong nito.
Napatitig ako rito at hindi nagawang makasagot kaagad. Ibang-iba talaga ang dating ng babaeng 'to kapag ngumisi. Parang hindi mo alam ang laman ng isip niya.
"Forget it. Just eat." Muli ako nitong sinubuan ng almonds at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.
"You like nuts?" Tanong ko ng mapansin na halos maubos na nito ang laman ng isang pack ng almonds.
"Yeah. But don't give this one a single nut." Turo nito kay Trunxx na busy sa pakikipag-usap sa iba.
"You're really worried about him."
"Of course. He's my brother anyway." Nagkibit-balikat ito at basta na lang nahiga sa balikat ko. "I hope this won't make you uncomfortable."
"Nah. Just stay there. It looks like you need rest."
"Really? Why is that? I look fine though."
"But do you really feel fine?"
Natahimik ito dahil sa tanong ko. Hindi rin nito naituloy ang balak na pagbukas sa almond na hawak. Pero makaraan ang ilan pang segundo ay nagpatuloy ito at saka sumagot.
"Yeah." Itinunghay nitong muli ang nabuksa na almond.
"If you say so."
Hindi na ako nakipagtalo pa sa kaniya dahil kung gusto niyang sabihin iyon ay sasabihin niya iyon pero kung ayaw niyang sabihin ay siguradong may rason siya para gawin iyon.
At ng matapos ang time for recess nagsimula na kaming maghiwa-hiwalay dahil babalik pa kami sa klase namin. Kagaya kanina ay wala naman din masyadong ganap sa klase. Marahil ay dahil busy na talaga ang mga tao ngayon dahil sa darting na sportfest.
Dumating ang hapon ay kasama ko sina Trunxx, Trivon, Turks at Levis. Basketball din ang sinalihan nina Levis at Turks kaya kasama namin sila. May kasama pa kami na iba pero hindi na namin sila kilala. Nanggaling din ata sila sa ibang section at year.
Ang sabi sa amin ng coach namin ay sa second building daw kami sa third floor dahil may bakanteng court doon. Nang makapasok sa court ay hindi nakaligtas sa paningin ko ang disenyo ng lugar. It's Japanese-style. Kuhang-kuha talaga mula sa disenyo kung paano ginawa ang buong floor para maging court.
Santiago-Beaumont International School is a very huge school. It can compete with those famous school here in the country. Kumpleto rin lahat rito mula sa kagamitan, facilities, staffs, at iba pa. Mayroon din silang ospital rito pero nasa labas na iyon ng school. Ang nagmamay-ari sa school ay siyang nagmamay-ari rin sa ospital.
BINABASA MO ANG
UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...
JugendliteraturTears Meyreal Santiago, a girl who is hiding her true self. Ang babaeng masyadong maraming sekreto. Ang babaeng parang isang malaking misteryo. Isang babaeng hindi mo pwedeng apihin dahil ikaw lang din ang masasaktan sa huli. A girl who is bored in...