35

26 4 0
                                    

Trunxx's POV

Nagmamaneho na kami ni Ate papunta sa bahay. Pero hindi ko naman hindi maalala ang nakita kanina. Halos nasa dalawang dosena ang motor na nandodoon sa maliit na bahay kuno. Yung tinutukoy niya na maliit na bahay ay halos kasing laki na ng isang bahay ng ibang tao. Hindi lang iyon. Yung mga motor na nandodoon ay alam kung nagkakahalaga ng hindi birong pera.

Tapos napagkamalan ko pa siyang pulubi noon?! How foolish of me.

Kung hindi pa ako nakapasok sa buhay at bahay ni Tears ay hindi ko pa malalaman ang isa pa lang anak mayaman 'tong si Tears.

Totoo talaga kaya na anak siya ng isang mafia?

But I don't want to judge her again. I judge her once. At hindi ko na uulitin ang pagkakamaling iyon.

"Eyes on the road, Trunxx." Napatingin naman ako kay Tears ng magsalita ito. Mabagal lang ang pagmamaneho niya. Siguro para masabayan ako. Palagi ko kasing napapansin dati na mabilis magpatakbo si Tears kaya siguro mabibilis din na motor ang pagmamay-ari niya.

"Don't worry, Tears. Magaling kaya akong magmaneho kahit na hindi ko hilig ang pagmomotor." Tinuruan ako dati ni Renzo na mag-motor kaya natuto naman ako kahit papaano.

"Tss." Nawawalang kambal ata ni Renzo ang babaeng 'to eh. Parang mga ahas na tss ng tss.

Malapit na kami sa bahay kaya binagalan ko na lalo ang pagpapatakbo at gano'n din naman ang ginawa ni Ate. Pinatay ko na ang making at hinugot ang susi at inilagay sa bulsa. "Andito na tayo.", Sabi ko habang nasa harapan ng gate.

"Anak mayaman ka naman pala. Hindi na ako magtataka. Outfit mo pa lang tuweng pupunta ng school eh halatang mayaman na." Saad ni Tears kaya natawa na lang ako. 
 
Kahit na wala si Dad dito at hindi ako umuuwi ay andito naman ang dalawang guard namin na nagbabantay sa bahay. Sila ang pinagkakatiwalaan ni Dad.

Binuksan na ng mga guard ang gate kaya pumasok naman na kami. "Ang laki din ng bahay niyo." 

"Malaki nga palagi namang mag-isa ang nakatira." Sabi ko at bumuntong-hininga. Inakbayan naman ako nito at ginulo ang buhok ko.

"Kasama mo naman ako ngayon. Tsaka makakasama mo rin naman si Daddy mo kapag nakabalik na siya. Kaya huwag ka ng magdrama."

"Yeah." Nakangiting sabi ko naman. Ngumiti naman siya at tumango. "Tara na sa loob." Aya ko at agad ng dumeritso sa pinto at binuksan na iyon gamit ang susi na palaging dala.

"Ang ganda ng bahay niyo, Bunso " Saad niya pa habang naglilibot ng tingin sa loob ng bahay ng makapasok na kami.

"Binola mo pa ako, Ate." Natatawang sabi ko naman.

"Paano mo nalaman?" Natatawang tanong niya pa kaya nailing na lang ako.

"Baliw ka na, Ate."

"Pero totoo, maganda ang bahay niyo."

"Thanks.Anyway, tara na doon sa third floor. Andoon yung kwarto ko." Tumango lang naman siya at tahimik ng sumunod sa akin.

Bakit kaya biglang natatahimik ang babaeng 'to.

Pasulyap-sulyap naman ako sa gawi niya at nakikita ko naman siyang deritso lang ang tingin at seryuso ang ekspresiyon.

"Ito na yung kwarto ko.", Saad ko at binuksan ang pinto ng kwarto gamit ang key card na palagi rin na dala.

"And here's the another anime fan and a manga reader." Natawa lang naman ako ako at nagsimula ng nag-impake ng mga gamit. Binilisan ko na lang ang pag-iimpake kasingabi na rin at baka anong oras na kaming makauwi mamaya.

UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon