06

51 2 0
                                    

Trunxx's POV





Last subject na namin ngayon bago mag recess kaya ayon at ang iba ay tumitirik na ang mga mata sa gutom habang ang iba naman ay parang may sariling mundo paano kasi ay wala ang teacher namin ngayon kasi daw may emergency daw.

Gutom is real pala dito HAHAHAHA. Paano ba naman ay lock ang room namin. At mag-uunlock lang iyon kapag time na. Or kapag binuksan ng teacher iyon gamit ang card. So kahit walang klase ay bawal pa ring lumabas.

Hayp! Gutom na ako.

Ang saklap kapag nasa Special Section ka. First day ay klase agad

Dahil wala naman akong mapapala sa katabi kung may nakasalpak na earphones sa tenga na kanina pa tulog. Naisipan ko na lang na pumunta kina Renzo at Trivon sa kabilang side, makikibalita lang hehe.

"Miss, pwede bang doon ka na muna tumabi sa babaeng tulog? Please? Kausapin ko lang mga tropa ko." Sabay pacute HAHAHA para talab na talab men!

"Ah, ano kasi---ahh...'yung ano...ahh kasi ano eh..." Ano daw? May naintindihan ba kayo?

"Sige na miss. Mabilis lang naman." Pamimilit ko pa sa kaniya.

"S-Sige pero mabilis lang talaga, ah?" Agad naman akong tumango habang nakangiti pa kaya umalis na ang babae at pumunta na doon sa upuan ko.

"Hey, Bakit doon ka umupo Trunxx? Tsaka bakit hindi mo kami hinintay?" Tanong sa akin ni Trivon.

"Kasi may upuan doon--aray!" Napaigtad ako ng kutusan ako bigla ng hayup ma Trivon

"Tinatanong kita ng maayos Trunxx."

"Wala lang. Doon ako napunta kanina ng hindi namamalayan dahil naglalaro ako. Tsaka kasalanan niyo 'yun dahil ang tagal niyong maglakad." Sagot ko sa kaniya.

"Aray!" Biglang sigaw ng kung sino.

"Anong nangyari?" Tanong ni Trivon habang nakatingin sa may sumigaw banda.

"May nag-aaway ata? Tara tingnan natin." Saad ko saka naglakad papunta doon at nakita ang dalawang babae na nag-aaway.

"Sinabing umalis ka eh!" Sigaw ng isa na nakatayo doon sa babaeng nasa sahig---teka? Siya iyong babae kanina ah? Kaya ba ayaw niyo doon umupo?

"Ang ingay niyo." Ang tanga 'to hehehe joke si Luha 'to na nagising ata dahil sa sigaw.

Natahimik bigla ang mga kaklase namin na kanina ay nag-aaway.

Habang si Luha naman ay napapahikab pa at bored na nakatingin sa mga nag-aaway sa harap niya.

"Anong ganap? Ba't ang ingay niyo?" Tanong nito.

"A-Ah wala wala naglalampungan lang kami hehe." Sabi nung isa

Grabing lampungan naman iyon at napasigaw talaga.

"O-Oo. Tama siya." Sabi din ng isa.

"Hm. Huwag kayo maingay at matutulog ako. Kahit magpatayan kayo diyan basta huwag kayo maingay." Sita nito. Wow! Siya ata president dito eh? Pero sa pananamit niya pa lang at ugali ay parang hindi naman. Parang tambay kasi sa Park si Luha.

Biglang umalis ang babae na nasa sahig kanina. Kita sa mukha nito ang sakit habang hawak-hawak ang dibdib niya.

"Miss, are you alraight?" Oh diba? English spokineng dollar si Trivon.

"Ah--oo. Ayos lang ako hehe." Saad nito at umalis na da harapan namin. Napasunod pa kami ng tingin sa kaniya at halatang may masakit talaga sa kaniya.

Makaraan ang ilang sandali ay bigla na lang tumayo ang isang babae---si Luha pala iyon na pumunta sa pinto at makaraan lang ang ilang segundo ay bumukas na ang pintuan kasabay ng pagring ng bell, hudyat na recess na.

Napansin ko habang naglalakad kaming tatlo papuntang cafeteria...madaming tumitingin sa amin. Sabagay ganito talaga pag pogi. Pinagkakaguluhan at tinitilian ng mga chixs. Pft.

Habang naglalakad ay biglang may aksidenteng nakabunggo kay Trivon kaya ayon superhero at tinulungan kaagad.

"Are you okay, brad?" He asked that guy.

"Ah-o-okay lang ako, tol." Sabi ng lalaking nakabunggo habang napapalinga-linga sa paligid.

"Bakit parang may humahabol sayo? Ayos ka lang ba talaga?" Tanong ko dahil para ng natatae na siya na ewan.

"Ah-wala. Wala. Mag-iingat kayo dito. Mag-ingat kayo..." Sabi pa niya bago tuluyang makaalis.

Hindi ko naman nadinig ng maayos dahil parang nabubulol siya na ewan. At ayon ay bigla na lang siyang tumakbo ng sobrang bilis.

Weird.

"Ano daw? May naintindihan kayo?" Tanong ko at umiling naman ang dalawa saka nagkibit-balikat.

"Geh. Kain na lang tayo. Gutom na talaga ako kanina pa eh." Nakangusong sambit ko at tuluyan ng pumila para maka-order.

UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon