Trunxx POV
"Nakalabas na rin sa wakas!" Sigaw ko at sabay unat-unat ng mga buto ko. Linggo na ngayon at kalalabas lang namin ng hospital. Alas 2:00 na ng hapon.
"Parang ang tagal-tagal mong nasa loob ng ospital eh isang araw lang naman talaga." Nakangiwing saad ni Ate kaya natawa naman ako."Matagal na rin kaya ang isang araw." Bawi ko pa.
"Para sa akin hindi." Sagot niya habang nakatingin sa labas.
Anong nakain nito at mukhang wala sa mood.
"Balik school na naman pala bukas." Pag-iiba ko na lang sa usapan. Sabog ata si Ate ngayon.
"Hm."
"Umuwi pala kagabi si Renzo? Hindi ko na napansin. Nakatulog kasi ako."
"Hm. Siguro. Hindi ko na siya nakikita eh. Nakikita mo pa ba siya?" Piningkitan ko naman siya ng mga mata saka bumuntong-hininga.
"Umuwi na ng tayo, Ate. Parang sabog ka ata ngayon. Hindi ka siguro nakatulog ng maayos." Dumeritso na kami sa kotse ni Turks dahil wala kaming dalawang sasakyan ni Tears. Nang makasakay ay nagulat pa ako ng makita yung Levis. Pero agad din akong naupo sa tabi niya at si Tears naman ay doon sa harapan.
Liningon ko pa ulit ito at agad na natigilan nang makitang nakatingin din sa gawi ko yung Levis. "What?" Tanong ko sa kaniya."Do you need anything?" Tanong niya pabalik habang seryuso pa rin ang ekspresiyon.
"No." Sagot ko pero napatitig naman siya ng ilang sandali sa akin bago tumango at ibinalik na ulit sa harapan ang paningin.
Makaraan ang ilang sandali ay nakarating na kami sa bahay. At nagpaalam naman ang dalawa sa amin."We'll take our leave now. We still have something to do. Please be well, Tears. And you too, Trunxx." Saad ni Turks kaya tumango naman ako.
"Know to respect the---"
"Just call me by my name." Saad ni Tears habang nakatingin kay Levis. Yumuko naman ang lalaki.
"We will take our leave now." Saad pa ulit ni Turks at tuluyan na nga silang umalis.
"Bakit ang weird ng mga 'yon." Saad ko habang papasok kami sa loob ng bahay."Hindi ko nga rin alam. Normal na ata sila sa lagay na 'yon." Sagot ni Ate at humikab at sumalampak sa sofa. Hindi pa tumatagal ay nakita ko na siyang nakatulog. Siguro napagod at napuyat dahil sa pagbabantay sa akin kagabi. Kaya siguro lutang-lutang pa siya kanina dahil kulang yung tulog niya.
"Magluluto na lang muna ako." Sabi ko at pumunta na sa kusina at napatingin sa mga ingredients. Kompleto na ang mga ingredients at puno ang mga ref. Ewan kung sino ang nag-grocery habang wala kami rito pero salamat sa kaniya at may mailuluto ako ngayon.
Nag-start naman akong magluto at napangiti na lang dahil. Siguradong magiging good mood na si Tears nito mamaya.
Halos mahigit isang oras din ang iginugol ko bago tuluyang matapos sa pagluluto. Tinolang manok at baby back ribs yung niluto ko.
4:06 PM na ng matapos akong magluto. Balak ko na sanang gisingin si ate nang bigla na lang nag-ring ang cellphone na nasa bulsa ko. Tiningnan ko naman kung sino ang tumatawag at nakitang si Dad pala.
"Hello Dad?"
"Trunxx, son, kamusta ka na diyan? Ayos ka lang ba?" Agad na tanong nito.
"I'm fine, Dad. How about you? Ayos ka lang ba diyan?" Tanong ko habang nakatingin lang sa pagkain na nasa harapan.
Back then, we used to eat together. Minsan magkasama rin kami na nagluluto.
"I'm fine, anak. I just called because I feel strange earlier. Napatawag kaagad ako sa'yo dahil baka may nangyari na sa'yo. Mabuti na lang at wala naman."
BINABASA MO ANG
UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...
Novela JuvenilTears Meyreal Santiago, a girl who is hiding her true self. Ang babaeng masyadong maraming sekreto. Ang babaeng parang isang malaking misteryo. Isang babaeng hindi mo pwedeng apihin dahil ikaw lang din ang masasaktan sa huli. A girl who is bored in...