Luha's POV
Balak na sana naming lumabas ng room dahil time na para sa recess pero napatigil ang lahat dahil sa biglang pagsigaw ng isa sa mga kaklase namin."Waaahh! May nagnakaw ng watch ko! Ang mahal pa naman nun..."
Tss.
Ngayon pa nagreklamo kung kailan recess at nagugutom na ako. Inaabala ang oras ng pagkain ko."Anong nangyayari dito?" Boses ng teacher iyon kaya napatingin naman ako doon para tingnan kung ano ba talaga ang nangyayari.
"Ma'am may nagnakaw po ng watch ko." Sabi ng babaeng maputi ang mukha. Sa sobrang puti ay halos mapagkamalan ko ng white lady. Nakalunok ata 'to ng glutathione.
"Baka nakalimotan mo lang kung saan mo nilagay?" Tanong ng teacher pero umiling yung babae.
"Hindi po, Ma'am. Natatandaan ko pa po ng clear na sa bag ko nilagay 'yin eh. Pero balak ko na sanang kunin ngayon pero pagtingin ko ay wala na." Nagsimula ng umiyak ang estudyante na nawalan ng relo."Dahil diyan, wala munang lalabas. Titingnan muna natin ang lahat ng bag para masigurado kung may kumuha ba talaga sa watch ng student na ito." Anunsyo ni Ma'am kaya napabuntong-hininga na lang ako at bumalik sa upuan ko. Nagsimula namang mag-inspection ng mga bag si Ma'am. Bawat bag nang students na nasa section na ito ay tiningnan. Napunta naman siya sa harapan ko dahilan para mapangiwi naman ako. "You think I'll steal some cheap watch?" Napapahiyang dumeritso naman ito sa katabi ko. Napahikab na lang ako at napahiga sa braso ko.
Inaantok ako. Nagugutom na ako, lintek. Kailan pa ba matatapos ang bwesit na 'to.
"What's the meaning of this, Mr. Sixvy?" Napamulat naman ako dahil sa narinig at napataas ng tingin at agad napunta sa relo ang paningin ko.
"Wala akong alam diyan, Ma'am. I don't even know why that watch is on my bag. At ngayon ko lang din nakita 'yan." Sagot ni Trunxx na halatang naguguluhan din habang nakatingin sa relo.
"Bakit nasa sa'yo yung watch ko?" Tanong nung babaeng maputi na may-ari ng watch.Hindi pa namiminutuhan ang katahimikan ay nagsimula ng umugong ang mga bulungan.
"Hala ang gwapo sana kaso magnanakaw pala.""Akala ko nga mabait eh. Balak ko pa sana siyang kaibiganin, mabuti na lang at hindi ko tinuloy. Baka ako pa ang ninakawan niya kung nagkataon.'
"Magnanakaw.""Ang talino sana kaso may lahing mandurukot pala."
Samu't-saring bulungan ang naririnig ko at halos lahat ay masasama. Napunta naman ang paningin ko sa katabi at nakita kung natahimik si Trunxx at nakayuko na lang.
"Mr. Sixvy kindly explain what's the meaning of this? If you didn't stole this watch, then why is it inside your bag?""I honestly didn't know, Ma'am." Iyon lang ang naging sagot ni Trunxx.
"Is that so? Then bring your parents in Dean's Off, Mr. Sixvy. Doon ipagpapatuloy ang usaping ito." Napunta naman sa akin ang paningin ni Ma'am kaya napabuntong-hininga na lang ako. "Alam mo na ang gagawin mo kapag tama ang naging bintang kay Mr. Sixvy."
"Yeah." Sagot ko saka bored na tumayo. "But he's not going to Dean's Office. Ako na ang gagawa ng paraan para mapatunayan kung ako ba talaga ang totoong nangyari. As you can see, even the suspect didn't know that he stole that watch. Yeah, whatever. Ako na bahala." Bumuntong pa ulit ako saka napatingin sa babaeng siyang may-ari ng watch. "Ikaw." Tawag ko sa kaniya at sumeryuso. "Siguraduhin mo lang na nawala talaga 'yang relo at hindi dahil sa katangahan mo. Dahil ipapakain ko sa'yo ang relo mo kapag nalaman kung katangahan mo lang pala ang dahilan ng lahat ng 'to." Tumalikod na ako at napabuntong-hininga na lang ulit. "Tara na." Aya ko sa tatlong lalaki at nauna ng lumabas sa kwarto.
BINABASA MO ANG
UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...
Teen FictionTears Meyreal Santiago, a girl who is hiding her true self. Ang babaeng masyadong maraming sekreto. Ang babaeng parang isang malaking misteryo. Isang babaeng hindi mo pwedeng apihin dahil ikaw lang din ang masasaktan sa huli. A girl who is bored in...