51

18 2 0
                                    

Mintchie's POV

Nagkuwento ako kung paano kami nagkakilala ni Ate ng iba kay mama dahil hindi ko pa nakukwento sa kaniya iyon. Sobrang saya ko talaga habang nagkukwento dahil first to magkaroon ng mga kaibigan na tinanggap ako. Maski si mama ay sobrang saya rin dahil alam niya na mula noon ay puro pambubully lang ang nakukuha ko. Pero ito ngayon, finally, nagkaroon na ako ng mga taong masasandalan ko.

"Sana ay huwag niyong pababayaan si Mint, mga anak. Siya na lang ang mayroon kami. Ang gusto lang naman ng anak ko ay makapagtapos. Kaya sana bantayan niyo siya para sa akin. Pakiusap." Niyakap ako ni mama matapos sabihin iyon.

Kaya hindi ko ramdam ang hirap ng buhay dahil puno ako ng pagmamahal ng pamilya ko.

"Mahal—"

Natigil si papa nang maabotan na may bisita kami. Mukhang nagulat ito dahil minsan lang naman kami nagkabisita.

"May bisita pala tayo rito. Bakit hindi ka nagsabi, anak?" Tanong ni papa nang lumapit ako at yumakap.

"Mga kaibigan ko po sila, papa."  Sagot ko.

"Magandang tanghali po, tito." Bati ng mga kaibigan ko.

"Magandang tanghali rin sa inyo,  mga anak. Kaibigan ba kayo ni Mint?" Masaya itong lumapit sa kanila kahit na paika-ika ito.

Baldado na kasi si papa dahil sa aksidente kaya hindi na tuwid ang paglalakad niya.

Nagpakilala sa kaniya ang mga kaibigan ko kagaya ng ginawa nila kanina. Pinaupo rin nila si papa sa sofa para hindi ito mahirapan.

"Aba'y kumain na ba kayo?" Tanong nito.

"Tapos na po. Kayo po ba?" Tanong ni ate.

"Tapos na rin, iha."

"May gagawin pa po ba kayo mamaya?"

"Wala naman, iha. Bakit mo natanong?"

"Gusto ko po kayong ipasyal sa bahay. Para makalabas naman ho kayo." Saad nito dahilan para magulat ako pati na rin ang mga magulang ko.

Gagawin talaga ni ate iyon para sa amin? Ang bait niya talaga.

"Pero may klase pa kayo, hindi ba?"

"Wala na po kaming klase. Pumayag na po kayo minsan lang ako magpapasok ng ibang tao sa bahay ko."

Tiyak na malaking bagay na ang makapasok sa bahay ni ate Tears.   Privilege na iyon para sa amin.

"Ayos lang ba sa iyo? Baka mamaya ay makagambala kami roon lalo pa at ang kukulit ng mga anak ko."

"Ayos lang ho."

Tumingin pa si papa kay mama at sumang-ayon naman ito. Sunod na tumingin si papa sa akin kaya tumango rin ako. Excited na talaga ako na makapunta kina ate Tears. Marahil ay sobrang ganda ng bahay niya.

"Army po ba kayo dati, tito?" Bigla ay tanong ni Trunxx.

Naagaw ang atensiyon naming lahat.

"Oo, anak."

Simula nang maaksidente ito sa isa sa mga misyon niya ay nagretiro na ito. At doon na rin kami unti-unting naghirap ng naghirap. Dati ay maayos ang buhay namin pero dahil sa nangyari ay napunta kami sa ganitong sitwasyon.

Matapos na makapagdesisyon ay inutusan ako ni mama na tawagin na ang mga kapatid ko na nasa kapit-bahay at nakikipaglaro sa ibang mga bata. Pumayag na si papa na pumasyal kami kila ate kaya sayang-saya ako habang inaayusan ang mga kapatid ko na halata rin na excited na excited na makalabas. Ang tagal na rin kasi simula nang huli kaming makalabas.

UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon