31

32 2 0
                                    

Trunxx's POV

Nag-unat-unat pa muna ako ng mga buto-buto ko bago tuluyang buksan ang mga mata ko. Tanghali na pala... Ang haba ng tulog ko.

Wait...

Napatingin naman ako sa gilid at nakita si Ate na natutulog pa rin at naghihilik pa. Tumutulo pa yung laway. "Ang dugyot mo, Tears." Natatawang saad ko at kumuha ng tissue at pinahiran ang laway niya.
 
Alam kung napagod siya dahil sa nangyari kahapon. Ang daming nangyari. Mga pangyayari na hindi nangyayari sa buhay ng isang normal na mga tao.

Nangyari kagabi? Teka, yung mga patay...

Bumangon naman ako at tinalonan na lang bigla si Tears dahilan para magising naman ito ng wala sa oras. "Putek! Bakit ka tumalon? Ang bigat mo!

"Yung mga patay, ate. Yung mga pata." Saad ko dahilan para mapabangon naman siya ng tuluyan.

"Saan patay? Nasaan?" Nagpalinga-linga pa ito sa paligid na tila hinahanap.

"Yung kagabi, Tears!" Sagot ko dahilan para mapatigil naman siya sa paghahanap.

"Ah." Iyon lang sinabi niya at bumalik ulit sa pagkakahiga kaya agad ko naman siyang hinigit pero hindi siya umaalis sa pagkakahiga.

"Yung mga patay kasi, Tears!" Malakas na hinila ko siya. Inaantok naman itong tumayo at sumunod na lang sa akin. "Andito yung mga patay--wala na!" Sigaw ko nang makitang malinis na Ang bahay at wala ng maski isang bangkay na nasa sahig.

"Malamang. Wala na akong nakikita eh." Humihikab na saad ni Tears.

"Saan na ang mga 'yon, Ate?" Tanong ko sa kaniya.

"Andito ata sa bulsa ko tingnan mo nga." Sagot nito dahilan para mapakamot naman ako ng ulo.

"Yung totoo kasi ate. Saan mo sila tinago?"

"Aba, malay ko. At bakit ko naman sila itatago? Ano sila, gold? Baka nasa sementeryo na at mahimbing na natutulog."

"Paano mo sila nailibing lahat, Ate?"

"Luh? Bakit ako kaagad? Tsaka bakit ako yung maglilibing e hindi ko nga kilala kung sinong aswang mga 'yon eh." Depensa niya pa.

"Ikaw yung huling gising noong natulog ako kagabi eh. Alangan yung mga langgam yung nagligpit sa mga bangkay?"

"Huwag ko na ngang problemahin pa 'yon. Nasa tamang lugar na sila ngayon. Matutulog na ako. Inaantok ako."

"Tanghali na kaya." Natatawang sabi ko.

"Tanghali? Oo nga! Gutom na ako, bunso. Tara na. Tara na. Kumain na tayo. Maghanap na lang tayo ng pwedeng makain doon sa ref." Basta niya na lang akong hinila papunta sa kusina. Naghanap naman siya sa ref ng pwedeng makain pero tanging junk foods, chocolate at ice cream lang ang laman ng ref nila. Maliban doon ay mga gulay at prutas na.

"Pizza at  fried chicken. Ayos lang kung ito muna ang kainin natin?" Tanong niya at ipinakita ang hawak.

"Yan na lang muna. Ayos na 'yan." Saad ko kaya inilagay niya naman muna iyon sa oven para initin. "Ate, pwede bang magtanong?"

"Nagtanong ka na, Bunso."

"Paano kapag nalaman ng mga pulis na may pinatay ka?" Tanong ko pero nagkibit-
balikat lang naman siya.

"Edi malaman nila." Simpleng sagot niya.

"Hindi ka ba natatakot?" Tanong ko pa ulit sa kaniya.

"Hindi. Hindi naman kasi mangyayari 'yon. Hindi ako makukulong."

"Huwag mong masamain 'to, Ate, pero hindi ba't parang unfair naman iyon sa mga namatay?"

Bumuntong-hininga naman siya habang nakatingin lang sa kung saan. "Aminin na natin, Trunxx. Hindi talaga patas ang mundo lalo na yung mga tao. Kung titingnan sa batas ay mali ang ginawa ko dahil pumatay ako ng tao. Pero para sa akin, ginawa ko 'yon para ma-iligtas ang mga sarili natin. At isa pa, hindi naman mangyayari sa kanila iyon kung hindi nila pinasok ang bahay ko. Pero tama ka, unfair yung ginawa ko sa mga taong 'yon. Dahil marami silang namatay pero ito ako at wala sa kulungan. Ako na pumatay sa kanila. Pero wala eh, wala silang magagawa para ipakulong ako. Sounds bad, sounds unfair, but it's the truth." Sagot niya kaya natahimik naman ako.

UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon