Luha's POV
Napamulat naman ako nang may marinig na tinawagan ni Trunxx. Pero nang marinig kung sino iyon ah kumalma naman ako.
May tiwala ako kay Trunxx pero kailangan ko pa rin na mag-ingat ngayon.
"Yaya Elma? Ikaw ba 'yan?" Boses ni Trunxx na nakatalikod mula sa gawi ko.
"Oo, ako nga. Ano ang kailangan mo at nanggugulo ka sa ganitong oras?" Iritadong tanong ng nasa kabilang linya.
"Busy po ba kayo?"
"Oo, bakit? Ano ba ang kailangan mo sa akin? Gabing-gabi na nangbubulabog ka pa! Bwesit." Rinig na rinig ko ang sinabi ng nasa kabilang linya. Siguro dahil naka-loud speaker kaya naririnig ko at malapit lang din siya sa kama na kinahihigaan ko ngayon.
"G-Gano'n po ba? Sige po, huwag na lang." Lumungkot na ang boses niya. Kahit anong pagpapasigla ang gawin niya ay alam na alam ko na totoong malungkot siya.
"Huwag ka ng tatawag. Wala na akong obligasyon sa'yo. Piste!" Tuluyang namatay ang tawag kaya ipinikit ko naman ang mga mata ko. Narinig ko naman ang mahinang pag-iyak ni Trunxx. Siguro dahil bata pa siya kaya emotional pa rin siya.
Bakit gano'n siya itrato ng Yaya niya? Bakit gano'n siya kung kausapin ng Yaya niya...
Tuluyan naman akong napamulat at tahimik pang bumuntong-
hininga bago siya tanongin. "Sino 'yon, Trunxx?"Nakita ko naman kung paano siya matigilan at nagugulat na napalingon sa akin. Nanatili lang naman akong seryuso habang deritsong nakatingin sa kaniya. Agad niya namang pinahiran ang mga luha matapos mag-iwas ng tingin
"S-Si Yaya Elma yung Yaya ko dati." Halos pabulong na lang iyon pero narinig ko pa rin. Yumuko pa siya pero nakita ko pa rin kung paano dumaloy sa pisngi niya ang mga luha bago niya iyon pahiran.
Kids are really emotional.
Bumangon naman ako at tunay at hindi na ininda ang sugat ko. "Come here." Napataas naman siya ng tingin sa akin kaya ibinuka ko naman ang dalawa kung braso para yakapin siya. Agad namang nag-unahan ang luha niya na tumulo bago siya lumapit at yumakap sa akin ng sobrang higpit. Gumagalaw ang mga balikat nito at rinig ko pa rin ang pag-iyak niya. Unti-unti namang tumaas ang kamay ko at hinagod ang likod niya. "Huwag mong iyakan ang taong tanging ginawa ay saktan ka at pagsalitaan ng masasakit na salita. And you are big boy now, right?" Nagtaas naman siya ng tingin sa akin kaya pinahiran ko naman ang luha niya. "Big boy don't usually cry."
"But it hurts, Ate..."
"Then I'll hug you till you stop crying." Sabi ko at ipinagpatuloy ang paghagod sa likod ng bata. Hinayaan ko lang siyang umiyak at ilabas ang sakit na nararamdaman. Hinintay ko lang na tuluyan siyang kumalma at tumahan. Nakita ko pa na namumula ang gilid ng mga mata niya. "Okay ka na?" Tanong ko sa kaniya.
"Kinda." Nakangiting sagot nito.
Naupo naman kami sa gilid ng kama at natahimik ng ilang sandali bago ko basagin ang katahimikang iyon. "Pwede mo bang i-kwento kung bakit gano'n ang naging pakikitungo ng Yaya mo sa'yo?" Tanong ko sa kaniya.
Natahimik naman ulit kami pero nang magsimula siya ay nakinig naman ako. "When my Mom leave...kumuha si Dad ng Yaya para may nag-alaga sa akin kahit na wala na si Mommy. Hanggang sa isang araw ay dumating na nga ang babae na siyang magiging Yaya ko. At ang babaeng iyon ay si Yaya Elma. Sa una ay hindi pa ako naging komportable sa kaniya hanggang sa tumagal ng tumagal at nakuha niya na rin ang atensiyon ko at naging close kaming dalawa. Siya na yung uma-attend sa mga meetings at program sa school kapag wala o busy si Dad dahil sa work. Pero habang patagal ng patagal ay napapansin ko rin na nagiging maluho na rin si Yaya Elma. At ako naman 'tong walang kaalam-alam at mabait ay ibinibigay lahat ng hingin ni Yaya Elma. Parang naisip ko na regalo ko na lang sa kaniya iyon dahil masaya ako kapag kasama siya at mabait din siya sa akin. Pero dumating yung time na pinatawag na lang ako bigla ni Dad sa Office niya sa bahay dahil daw ipapakuha niya sa akin yung jeweler ni Mom sa room nila. Kaming dalawa lang kasi ang pwedeng pumasok doon. Sinunod ko naman ang utos niya at pumunta na sa room nila pero pagpasok ko ay naabotan ko sj Yaya Elma na kinukuha ang mga alahas ni Mommy. Tinanong ko naman siya kung bakit sa pumasok eh alam naman niyang bawal siya roon at kung bakit niya hawak ang mga alahas ni Mommy. Pero imbis na matinong sagot at paliwanag ang makuha ay hindi pala. Sinakal niya ako at pinagsabihan na papatayin niya raw ako kapag nagsalita ako tungkol sa mga nakita ko. Pero imbis na sundin siya ay sinabi ko ang totoo kay Dad nang makabalik na ako sa office nito. Siguro dahil bata pa ako kaya hindi ko pa kayang magsinungaling at dahil na rin siguro sa sobrang takot kaya naamin ko ang pananakot ni Yaya sa akin. At dahil na rin siguro sa sobrang dami ng nangyari ng oras na iyon ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako ng may marahas na sumabunot sa akin at nakitang si Yaya Elma iyon na galit na galit ang ekspresiyon. Sinumbatan niya na ako na kasalanan ko raw bakit siya nahuli. Sinabi niya rin na wala raw akong kwenta. Bakit hindi na lang ako namatay. Ako yung piste sa buhay niya. At nalaman ko na lang na puro lang pala pagpapanggap ang ipinakita at ipinaramdam niya sa akin para makahuthot ng pera. Dad and the police entered in the scene. Tinutukan pa ako ng kutsilyo sa leeg ng sarili kung Yaya. Tanging iyak lang naman ang nagawa ko dahil natatakot akong gumalaw dahil baka bigla na lang akong saksakin sa leeg ng kutsilyo. Pero nakakuha ako ng pagkakataon na makatakas nang matapos barilin ng pulis si Yaya Elma. Agad akong kumawala at tumakbo na kaagad papunta kay Daddy. Matapos nun ay dinala na si Yaya Elma sa police station. Lumipas ang mga araw at bumalik ang mga pulis at nagtanong kung gusto raw ba namin na mag-sampa ng kaso kag Yaya Elma. Pinuntahan pa namin ito sa kulungan at panay naman ang hingi ng tawad nito. Ako naman 'tong si tanga, pinatawag ko si Yaya Elma. Kahit ba labag sa loob ni Daddy ay hindi na siya nagsampa ng kaso sa Yaya ko. Nangako naman kasi siya na magbabago pero hindi na punayga si Daddy na pagtrabahuhin pa sa bahay si Yaya Elma kaya mula noon ay hindi na ako nagkaroon ng tagapag-alaga. Ayaw ko na maulit yung dati kaya mas pinili ko na lang na mag-isa kesa sa lokohin pa ng iba. At ito ngayon, humingi ako ng tulong sa kaniya, nagbabakasali na baka tulungan ka niya para magamot ka at may umasikaso sa'yo pero nakalimotan ko pala na galit pala siya sa akin. Pasensiya na talaga Ate hindi na naman kita natulungan."
"Mabuti nga at hindi siya pumunta. Baka mapatay ko pa siya kapag nakita ko siya." Seryuso at naiinis na saad ko.
"Salamat sa pakikinig sa akin, Tears. Salamat dahil hindi mo ako iniwan. Gumaan talaga ang pakiramdaman ko ngayon dahil finally, may napagsabihan na rin ako tungkol dito." Nakangiting sabi nito habang nakatingin sa pader na siyang tinitingnan ko rin.
BINABASA MO ANG
UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...
Novela JuvenilTears Meyreal Santiago, a girl who is hiding her true self. Ang babaeng masyadong maraming sekreto. Ang babaeng parang isang malaking misteryo. Isang babaeng hindi mo pwedeng apihin dahil ikaw lang din ang masasaktan sa huli. A girl who is bored in...