Mintchie's POV
"Akala mo matatakot mo ako?!" Sigaw nitong muli habang nakatingin ng masama kay Ate.
Naglalakad na sana kami paalis pero napatigil din dahil sa sigaw niya. Napayuko na lang ako at napaghawak ang kamay sa dibdib ko dahil sa takot.Baka anong gawin niya sa amin...
Pero hindi ko naman maiwasang hindi marinig ang mga bulungan ng ibang estudyante habang nanatiling nakayuko at pinapakiramdaman ang paligid.
"Lagot."
"She's new here, right?"
"She's a spoiled brat that's why she's here."
"She messed with the wrong pack."
"Yes, she is. And she's totally dead now."
"The Queen will surely punish her being rude."
"I'm excited to see that. I hate that Milky girl too."
Queen... Tiyak na si Ate Tears ang tinutukoy nila. Siya lang naman talaga ang higit na kinakatakutan dito lalo na ng mga regular na estudyante na kilala na siya.
"M-Milky tama na 'yan. Don't mess with that girl or you will ended up in the Dean's office or in worst, in the hospital." Saad ng kaibigan niya habang hinihigit na si Milky pero nagmatigas lang ito at nanatili lang sa kinatatayuan.Mukhang hindi niya ata kilala si ate kaya matapang siyang sumagot-sagot sa kaniya.
"Sino ba siya?" Tanong niya sa mga kaibigan pero natahimik lang naman ang mga ito at napayuko. Siguro dahil sa presence ni Ate Tears. "Sagutin niyo ako! Sino ba ang babaeng 'yan?!" Malakas na sigaw ni Milky dahilan para mapaigtad naman ako dahil sa gulat.
Napatingin naman ako sa mga kasama ko pero parang wala lang naman sa kanila ang galit ni Milky. Parang nababagot pa nga sila, eh.
Napunta ang paningin ko kay Ate Tears ng may kinuha itong tinidor mula sa isang estudyante at pinaikot-ikot pa iyon sa daliri niya at nanlaki na lang ang mga mata ko nang bigla niya na lang inihagis ang tinidor sa gawi ni Milky. Halos tumakbo na ang puso ko sa kaba dahil sa ginawa ni Ate na napaka-
delikadong bagay. Nadaplisan pa si Milky sa pisngi ng gilid ng isang ngipin ng tinidor. Sumagi lang talaga iyon sa pisngi niya pero nagkasugat at dumugo ito.Kaunting-kaunti pa ay sa pisngi na ni Milky babaon ang tinidor.
Nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha ni Milky at ilang segundo ay napatulala na lang ito na tila ba tinakasan na siya ng kaluluwa.
Natahimik naman ang buong cafeteria dahil sa pangyayaring iyon. Maski paghinga ay pinipigilan na ng iba para hindi makagawa ng ingay.
"You're scaring her too much." Isang boses mula sa speaker ang bumalot sa buong cafeteria. Napatingin naman kaming lahat sa gawi ng speaker pero wala ng nagsalita ulit.
Sino 'yon?
"She deserved that though." Saad nito at nagkibit-balikat. "Wait. Ano nga ang pangalan ng babaeng 'yon?" Tanong ni Ate habang nakatingin sa duguang si Milky na nakaupo na sa sahig. Parang wala lang naman sa kaniya kahit na nasugatan si Milky dahil sa ginawa niya.
"Pft. I heard it's Milky." Natatawang sagot ni Kuya Triv.
"HAHAHAHAHA. What the heck?! That's her name, really? Doesn't suit her at all, no?" Si Trunxx.
"Exactly." Maski si Kuya Renzo na halos minsan lang kung ngumiti ay natatawa na rin.
"Umalis na nga kayo rito. Magsisimula ng gulo tapos Milky lang pala pangalan. Wala kayong matatakot dito." Pagtataboy ni Ate at natawa na naman ulit.
BINABASA MO ANG
UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...
Teen FictionTears Meyreal Santiago, a girl who is hiding her true self. Ang babaeng masyadong maraming sekreto. Ang babaeng parang isang malaking misteryo. Isang babaeng hindi mo pwedeng apihin dahil ikaw lang din ang masasaktan sa huli. A girl who is bored in...