Trunxx's POV
Nagising ako na wala na si Ate sa kuwarto. Siguro ay nasa baba na ito ngayon at nagluluto ng makakain.
Bumangon na ako at dumeritso sa banyo para magmumog sandali. Nang matapos ay bumaba na ako at dumeritso sa kusina. Naabotan kung naghihiwa ito ng gulay at mukhang tutok doon ang atensiyon dahil hindi man lang ako nilingon. Naisipan ko na pumunta sa ref para kumuha ng gatas. Kumuha ako ng baso at nagsalin ng gatas bago ibinalik ang lalagyan nito sa loob ng ref. Pero agad din akong napalingon sa gawi ni Tears nang bigla na lang itong sumigaw.
"Anong nangyari?" Tanong ko at inilagay sa mesa ang baso ng hawak at agad na nilapitan siya.
"Binabalatan ko yung patatas pero bigla na lang dumaplis sa palad ko yung kutsilyo. Tsk. Pisteng patatas." Dumudugo ang sugat nito sa palad ngayon. Medyo malaki rin ang sugat niya.
"Hindi ka kasi nag-iingat, eh. Ang laki ng sugat mo. Sandali at kukunin ko lang ang first aid kit. Linisin mo muna ang sugat mo, Ate." Saad ko at kinuha sa cabinet sa taas ang fist aid at binalikan ito at inakay papunta sa sofa. "Anong klaseng paghawak ng patatas kasi ang ginawa mo at palad mo yung hiniwa mo." Saad ko habang nililinis ang sugat nito. Nagtaas naman ako ng tingin sa kaniya at nagtaka ng makitang hindi man lang ito nahahapdian. She's not even flinching. "Hindi ba mahapdi?" Tanong ko sa kaniya.
"Mahapdi." Sagot nito pero wala pa ring nagbabago sa reaksiyon niya.
"Bakit mukhang hindi ka naman nahahapdian?" Tanong ko at ibinalik ang paningin sa sugat nito at nagpatuloy sa paglilinis.
"Sanay na ako sa sakit. I have high tolerance in pain to the point that I didn't flinch while you're cleaning my wound. But I'm not a CIP patient or what. It's just that...my body is used to feel pain everytime so this small wound doesn't hurt at all to me." Paliwanag nito at senenyasan ako na magpatuloy sa ginagawa dahil natigil na pala dahil sa pakikinig sa kaniya.
"But this is not a small wound. It's big and kinda deep too." Saad ko.
"Kung gano'n ay magkaiba ang depinisyon natin sa mga bagay-bagay." Saad pa nito pero hindi na ako nakasagot dahil natutok ang atensiyon ko sa paggamot ng sugat niya na malalim talaga. Kung ako siguro ang may ganitong sugat ay sisigaw na ako sa sakit tuweng gagamutin. "Lagyan mo na ng benda. Kanina mo pa ginagamot 'yan, eh."
"Hindi pa nga tapos. Huwag ka ngang magmadali."
"Masyado kang ingat na ingat sa sugat ko. Hindi naman ako nasasaktan kaya ayos lang kahit na---"
"Tumahimik ka na lang diyan, Ate. Hayaan mo akong alagaan ka." Saad ko at sinimulan ng bendahan ang kamay niya. "Mag-iingat ka kasi sa susunod. Hindi yung hiwa ka lang ng hiwa." Pangangaral ko pa sa kaniya.
"Opo, boss." Natatawang saad nito kaya bumuntong-hininga na lamang ako at nagpatuloy sa ginagawa ko.
Nang matapos ay ibinalik ko na sa cabinet ang first aid kit at binalikan ito. "Ako na ang magluluto. Baka mamaya ay hindi lang 'yang kamay mo ang masugatan."
"Sigurado ka?" Tanong pa nito.
"Wala ka bang tiwala sa akin?" Tanong ko at pinanlakihan ito ng mga mata.
"Ang laki ng tiwala ko sa'yo, bunso. Kasing laki ng Jupiter. Kaya aalis na ako at maliligo na. Ikaw na bahala sa kakainin natin. Thank you very much. Adios!"
Napailing na lang ako at ipinagpatuloy na ang ginagawa nito kanina.
____________________________
Luha's POV
Napatingin naman ako sa kamay ko at ngumiwi. Kailangan ko pa talagang hiwain ulit ang sugat ko para dumugo. Kailangan kung gawin iyon dahil tiyak na makilala ako ni Trunxx kapag naalala niya ang sugat ni SD kagabi. Kailangan magmukhang bago ang sugat ay may dahilan kung saan ko nakuha ang sugat. Mabuti na lang at medyo manhid ang katawan ko kaya wala na sa akin ang kaunting sakit ng kamay ko. Masyadong malakas pa naman ang pakiramdaman ng tatlong iyon. Tiyak na mabubuhay ulit ang hinala nila tungkol sa akin kapag hindi ako gumawa ng paraan.
Tinapos ko na ang pagligo ko. Hindi ko binasa yung benda ng isang kamay ko. Lumabas na ako sa banyo at nagbihis na dahil may pasok pa kami ngayon.
BINABASA MO ANG
UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...
Teen FictionTears Meyreal Santiago, a girl who is hiding her true self. Ang babaeng masyadong maraming sekreto. Ang babaeng parang isang malaking misteryo. Isang babaeng hindi mo pwedeng apihin dahil ikaw lang din ang masasaktan sa huli. A girl who is bored in...