Luha's POV
"So, hindi talaga totoo ang sinasabi nila." Rinig kung bulong niya.
"Ano 'yon?" Tanong ko sa kaniya dahilan para mapangiti naman ito."Kasi po sabi po nila masama raw po kayong tao pero sa nakikita ko ngayon at alam ko na hindi totoo iyon dahil mabait po pala talaga kayo." Sagot niya.
"Tama sila. Masama akong tao." Seryuso kung sabi.
"Pero iba po yung nakikita ko ngayon kesa sa sinasabi nila. Alam ko pong mabait kayo, Ma'am Tears."
"Ma'am Tears?" Natatawang tanong ko sa kaniya.
Napanguso naman siya at kinukot ang kuko. "Dapat po galangin kayo eh."
"Call me, Tears. It will do."
"T-Tears... Ang pangit pong pakinggan eh. Nagtutunog walang galang po ako." Napatawa naman ulit ako saka nailing na lang.
"Tara na nga." Aya ko sa kaniya at tumayo na.
"Saan po tayo pupunta?" Inosenteng tanong niya at inilagay na sa bag ang baunan niya.
"Sa cafeteria." Sagot ko pero nakita ko naman na natigilan siya.
"Aawayin po ako nina Veronica kapag pumasok ako sa cafeteria." Sabi niya at nagbaba ng tingin.
Napatitig naman ako sa kaniya ng ilang sandali. "Ilang taon ka na?"
"Fifteen po." Magka-edad sila ni Bunso.
"Sige tayo na." Aya ko sa kaniya.
"Pero--"
"Ako bahala sa'yo." Putol ko sa sasabihin niya saka nginitian pa siya kaya nawala naman ang pagdadalawang-isip niya.
Papalabas na kami ng kwarto kung saan kami nagkakilala ay nagtanong naman ito. "Naninigarilyo po pala kayo?"
"Yeah. Huwag na huwag mo akong gagayahin, okay? Huwag kang susubok. Magagalit yung nga magulang mo sa'yo." Pangangaral ko sa kaniya.
"Opo. Hinding-hindi po." Sagot niya pa. "Ako nga pi pala si Mintchie Corpuz." Pagpapakilala niya.
"Nice to meet you, Mint." Pinat ko pa ang ulo niya bagi nagpatuloy sa paglalakad.
Nang makapasok kami sa cafeteria ay nagsilingunan naman ang mga tao na para bang nanonood sila ng super sereyna.
Dumeritso ako sa harapan ng isang stalk na nagbebenta ng mga Chinese foods.
Siguro ay recess na kaya madami ng tao dito sa cafeteria.
"Order ka na." Sabi ko sa kaniya at pumunta sa gilid at itinulak siya papunta sa me harapan banda para makita niya ng maayos ang mga pagkain.
"Wow! Parang ang sarap po nun. Tsaka ng isa din po na iyon. At yung isa ding iyon. Lahat mukhang masarap." Namamanghang saad ni Mint. Para siyang si Trunxx.
"Bibili ka ba?" Tanong sa kaniya ng tindira.
"A-Ah hindi po." Nahihiyang sagot niya at napayuko na lang.
"Bigyan mo siya ng lahat ng tinuro niya kanina." Utos ko sa babaeng tindira na tumango naman. Naghanap naman ako ng pwedeng maupuuan at nakita ko sina Trivon na kumaway. "Pakidala na lang sa tambayan."Utos ko pa ulit sa tindira na tumango lang. Inakbayan ko na si Mintchie at inaya papunta sa tambayan.
"Ate nahihiya po ako." Bulong nito habang nakakapit sa manggas ng damit ko.
Ate... Dumadami na tumatawag sa akin ng ate, huh.
"Huwag kang mahiya sa kanila. They're my friends and they will be your friends too."
"Who's that girl beside you, ate?" Tanong ni Trunxx habang nakatingin sa babaeng katabi ko.
BINABASA MO ANG
UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...
Novela JuvenilTears Meyreal Santiago, a girl who is hiding her true self. Ang babaeng masyadong maraming sekreto. Ang babaeng parang isang malaking misteryo. Isang babaeng hindi mo pwedeng apihin dahil ikaw lang din ang masasaktan sa huli. A girl who is bored in...