01

151 3 1
                                    

Luha's POV




"Hoyy Luha! Gumising ka o gigising na?!" Sigaw ng napakabait kung Ate na mukhang butiki kakasigaw.

Pero syempre kunwari tulog pa ako. Parang pipikit pa galaga 'yung mata ko eh. Bwesit na 'yarn napakahapdi ng mata ko. Parang sinasabi na matulog ka pa, matulog ka pa.

"Ayaw mo talagang gumising ha!" Sigaw nanaman ng apakabuti kung Ate.

"Bakit ba? Ang aga-aga nambubulabog ka? Kung gusto mo, matulog ka din. Kitang inaantok ako eh. Huwag kang mang---aray!" Napabangon ako dahil sa isang malakas na bigwas ni Ate.

"Ikaw bata ka sumasagot ka na, ah!" Sigaw niya.

Malamang I have mouth. My ate didn't use her utak at all. I'm so disappointed at her. I don't have an ate that is bobo. I think she is ampon.

...

...

...

"Oh, bakit hindi ka sumagot? Sumagot ka! Kinakausap ka usap pa kita!" Sigaw niya na naman.

Oh diba, she's so weird. I'm kinda nalilito na sa kaniya. She said that hindi dapat ako magtalk and when I didn't talk she is galit. Why is that, no?

"Sabi mo huwag sumagot, diba---"

"Abat! Sumasagot-sagot ka na, ah?! Ano may ipagmamalaki ka na ba? Wala ka nga maski jowa eh. Tapos pader ka pa na nasobrahan sa pagkaflat." Saad niya pa.

It's kinda masakit what she said. I want to putol her leeg and pakain her ulo too my bulldog named momoy. But my isip is kinda bago na so I just irap her and buntong-hininga.

"Tama na nga 'yan, Ate. Ang ingay-ingay mo. Parang manok na putak ng putak eh.," Nakangusong saad ko saka umiwas ng balak sana ako nitong bigwasan na naman.

"Ikaw, maligo at magbihis ka na nga. Akala ko ba first day of school mo ngayon?" Kunot noong tanong niya.

"Yeah. Wala akong gana. Inaantok ako." Saad ko saka nahiga ulit sa kama ko.

"Tss. Tumayo ka na diyan at magsimula ng mag-ayos. First day na first day tapos wala kang gana. Estudyante ka pa ba?"

"Ewan ko nga eh. Gusto ko na lang maging patatas." Saad ko saka malakas na bumuntong-hininga.

"Kung pwede lang kitang gawing patatas ay ginawa ko na kapatid. Mag-ayos ka na nga diyan. Nakakasawa ng tingnan ang mukha mo." Saad niya pa.

"Wow! Parang 'yung mukha mo hindi nakakasawang tingnan, ah? Ako gusto kung maging patatas pero ikaw mukha ka na talagang patatas. Simula pa noon hanggang ngayon Ate. No lies talaga 'yan--arayyy!" Sigaw ko nang batuhin ako nito ng unan. Sama-sama ng ugali.

"Magbihis ka na nga. Pinapainit mo ang ulo ko eh. Baka ipatapon pa kita mamaya sa pasig river kapag ako nainis sayo. Magbihis ka na at maghahanda na ako ng pagkain." Saad niya pa at tuluyan ng umalis.

Napabuntong-hininga naman ako saka tumayo at nababagot na hinubad ang lahat ng damit ko hanggang sa wala ng matira at ishinoot iyon sa basket ng mga labahin ko saka pumasok sa loob na ng banyo para maligo.

Hinayaan ko munang mapuno ng tubig ang bathtub saka tuluyang lumusong doon at inilublob ang sarili. "Ahhh! This feels good." Saad ko at saka sinabon na ang katawan ko.

Hindi ako nagmadaling matapos. First day of school kaya kahit malate is just fine. Maraming keneme keneme pa silang nalalaman eh. At wala pa namang masyadong klase na magaganap. Sadyang pagpapakilala lang at usap-usap ganun. Kung may klase man ay iilang subs lang iyon.

Pakanta-kanta pa ako habang naliligo. Sinasabon ng maigi ang sarili. Ganoon lang ang ginawa ko hanggang sa tuluyan ng matapos.

Nagsuot ako ng bathrobe saka lumabas na ng banyo at tinuyo ang buhok ko saka dumeritso sa closet at kinuha na ang susuotin ko.

Pumunta na rin ako sa salamin at sinuklay ang buhok ko ng ilang sandali at ng makitang maayos na ay agad ko ng sinuot ang sapatos ko saka kinuha ang bag, cellphone at earphones ko saka bumaba na.

"Ang tagal mo naman. Nagparty-party ka pa ba sa kwarto mo?" Tanong niya at inilapag ang sinangag

"Huwag ka na ngang magsalita. Baka mawalan ako ng ganang kumain." Saad ko. Agad naman itong natahimik.

Kumuha ako ng maraming sinangag at tusino saka nagsimula ng kumain at napatango-tango saka nagpatuloy-tuloy sa pagsubo saka kumuha rin ng hotdog. Makaraan lang ang ilang sandali ay naubos ko na iyon kaya kumuha ulit ako ng sinangag at naglagay sa plato ko at maganang kumain ulit habang may tuhog-tuhog na tusino at hotdog sa tinidor.

This is the best. Pagkain is my heaven.

Nang tuluyang maubos ay kumuha naman ako ng tinapay at nilagyan iyon ng palaman saka kumain.

"Don't do so much trouble, Tears." Saad ni Ate. Tumaas naman ang sulok ng labi ko saka nagkibit-balikat.

"Tingnan natin." Sagot ko saka isinubo ang tinapay saka kumuha ulit ng isa pa at nilagyan iyon ng madaming palaman. Uminom muna ako ng tubig saka kumagat sa tinapay na hawak.

"Ang takaw mo." Naiiling na saad nito pero ngumiti lang ako saka nginuya na ang tinapay na nasa bibig saka tumayo at pumunta sa ref saka kumuha ng Moo saka kumuha pa ulit ng tinapay at nilagyan ng palaman.

"Alis na ako." Saad ko at naglakad na pero napatigil rin at humarap sa kaniya. "Naibigay mo na ang credit card ko, right?" Tanong ko sa kaniya.

"Yeah. Ang hirap mo. Ang kunti-kunti ng pera mo." Asik niya pero nagkibit-balikat naman ako.

"I can buy hundreds of expensive car by that money, Ate." Sagot ko pa saka tinusok ang Moo ko para makainom saka ngumiti.

"Stop joking." Saad niya saka bumuntong-hininga.

"Tss. Alis na nga ako." Saad ko saka nagsalpak ng earphones sa tenga saka kinain ang tinapay ko.

Maybe I should eat alot. I think I'm payat na eh. I need more calories. I need more to eat. I need something good.

Ano kayang kakainin ko mamaya? Hm... Burger? Chicken? Parang ayaw ko na ng nga ganun. Hm... Tingnan natin kung anong masasarap na kainin mamaya sa cafeteria. Total first day siguradong maraming pagkain doon hehe.

UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon