10

39 3 0
                                    

Luha's POV






Thank God! UWIAN NA! Pinaka paborito kung oras maliban sa recess at lunch. Kasama ko nga pala ngayon si Donnix, siya iyong kaibigan ko din. Ang dami-dami king kaibigan.

Magbunyi!

"Anong oras 'yung laban?" Tanong niya pero hindi ko siya sinagot dahil busy ako kakatext kay Trunxx. Hehe hiningi niya kasi kanina ang number ko kaha ayon ako itong si pabebe binigay agad.

Sayang eh. Gusto ko 'yung batang 'yun. Ang cute cute.

"Ano ba?!" Malakas na singhal ko sa kaniya. Bigla ba naman akong pitikin sa tenga. Parang kinagat ng siyam na bubuyog ang tenga ko. Ang sakit!

"Lutang ka eh. Anong oras 'yung laban mo? Kanina pa kita tinatanong, lintek ka." Singhal niya din kaya napanguso naman ako saka napabuntong-hininga at umayos na.

"8:45 pm mamaya. D'on na lang tayo magkita-kita. Bawal ang hindi manood. Papatayin." Nakangising saad ko pa saka sumakay na sa motor ko at pinaharurot iyon papuntang bahay.

"Ate king pangit na mukhang tuko? I'm hommeee?" Sigaw ko at ilang sandali lang ay agad kung naramdaman ang ba aura na nasa likod at hindi nga ako nagkamali dahil agad na nag-init ang batok ko matapos niya akong batokan ng hard.

"Magbihis ka na at mag-jo-jogging pa tayo. Isang oras siguro okay na." Tumango naman ako sa sinabi niya saka naglakad na paalis sa kinaruruunan namin at dumeritso na sa loob saka inihagis sa kama ang bag ko saka nagbihis na.

Makaraan ang ilang minuto na pagbibihis ay agad na akong bumalik kay Ate na sa baba at naghihintay.

"Tara na. Ang bagal mo." Sabi pa niya ay bigla na lang tumakbo kaya naiwan naman ako pero nailing na lang saka agad ding sumunod at humabol sa kaniya.

"Oh, kamusta first day mo? Dean's agad?" Tanong pa niya habang tumatakbo kami.

"Ayos naman. Daming transferee na gwapo na sarap asawahin---"

"Aray!" Binutakan na naman ako ng kigwa! "Oo na. Lintek na 'yan. Ayos lang ang first day ko. Hindi napunta sa Dean's Office para magkape. Masaya ka na?" Pasinghal na sagot ko sa kaniya habang hinihimas ang batok ko.

"Gwapo gwapo! Anong mapapala mo diyan? Mag-aral ka nga ng mabuti at hindi 'yang  gwapo gwapo ang inaatupag mo." Panenermon pa ni lola.

"Si Ate naman minsan na nga lang akong makapaghanap ng gwapo sa school weh." Nakangusong saad ko pa habang yumatakbo pa rin. Magsisimula na akong hingalin pero bawal huminto. Isang oras dapat!

Ewan, ang dami namang gwapo sa school dati pero wala talaga akong pake. Pero ngayon meron na hehe. Ngayon ko lang naappreciate.

Wow! Parang kagandahan naman ako oh.

"Ikaw talaga! Hayyy. Basta huwag mong pababayaan ang pag-aaral mo. Dahil kung hindi ay ako mismo ang papatay sayo. Tatadtadin ko 'yang puso mo at ipapakain sa mga lalaki mo." Ang harsh talaga ng kingina eh.

"Oo na. Ang daming dada eh." Iyon na lang ang sinabi ko.

"Huwag na huwag kang magtitiwala kung kani-kanino baka mamaya eh maulit na naman iyong nangyari dati."  Paalala niya pa sa akin.

Bahala siya diyan. Mababait naman sina Trunxx eh. Well, minsan hindi pero mabait pa rin hehe.

May nakaibigan rin kasi ako dati pero ginamit lang si self. Nang matapos eh wala ng kwenta si self sa kanila kaya iniwan na nila. Awts! Iyak ka self!

"Oo na. Oo na. Putak ka ng putak diyan baka mapagkamalan kang manok ng mga nakakakita. Ang pangit mo pa naman." Saad ko saka tumakbo ng mabilis para makalayo sa kaniya.

"Halika ka nga rito at kukutusan kkta ng sampu!" Sigaw niya at bigla na lang tumakbo ng mabilis dahilan para magulat pa ako pero agad ring tumakbo ng mas mabilis.

"Ate tama na HAHAHAHA. Sabi ko nga maganda ka eh. Magandang tsanak! HAHHAHAHA. Asa pa boy!" Sigaw ko pa saka tumakbo agad papasok sa isang 7/11 ng makita ko ito. Habang nasa loob ay agad naman akong dumeritso sa mga drinks at naghanap ng pwedeng inumin. Nauuhaw na kasi ako.

Habang namimili ng iinumin ay bigla ko na lang naramdaman na parang may matang nakamasid sa akin kaya pasimple ko namang tiningnan kung sino at ang mga estudyante lang pala sa school namin. Wagas makatingin sarap dukutin ang mga eyeballs nila.

Bigla namang may pumasok sa pinto kaya napatingin ako kung sino iyon dahil baka si ate na pero laking gulat ko ng makita si Trunxx na naka-headphone pa at shades. Wews.

Pero ang gaan ng loob ko sa batang tsanak na 'yan. He's just 15 years old while I am 17 years old. Siya ang pinakabata sa section namin ngayong taon.

Maybe he's that smart.

Parang si bunso, my younger brother. He died. Sabi ni Erpats ay namatay daw noong bata pa ito. Hindi ko na maalala ang mga nangyari ng bata ako eh. Siguro dahil masyado pa nga akong bata nun or sadyang wala lang talaga akong maalala. Ay, ewan.

"Trunxx? Hey." Tawah ko sa kaniya saka wagayway ng kamay ko.

"Ey! Luha? Ikaw ba 'yan?" Tanong pa nito habang nakatingin sa kabuuan ko.

"Of course. Wala ng iba." Sagot ko naman sa kaniya.

"Bakit ka pala nandito?" Takang tanong nito.

"Bawal ba ako dito?" Natatawang tanong ko.

"Hindi naman."

"By the way, malapit ka lang ba dito? I mean dito ka ba nakatira?" Tanong ko sa kaniya ulit.

"Ah yeah, malapit lang dito. Bakit ka nga pala nandito? Malapit lang din ba bahay mo?"

"Ah oo! Doon kami sa kabilang street, nag-jogging lanh kami ni Ate kaya napunta kami dito."

"Ah ganoon na? May bibilhin ka ba?" Natawa naman ako sa tanong niya.

"Hindi ba halata? Malamang! Oo, bibili ako ng pwedeng mainom. Nauuhaw na kasi ako." Pakita ko pa sa binili ko.

"Ah sige, hintayin mo'ko. May kukunin lang ako. Sabay na tayong lumabas." Tumango lang ako saka sinundan siya ng tingin at ng hindi na makita ay agad akong kumuha ng burger. Gutom na ako eh.

"Hey, Tara na." Nakita ko pa siyang may dalang mga chips at drinks. Sumunod naman ako sa kaniya papuntang cashier habang kumukuha ng pera sa wallet.

Berlu, pakisabi kay Daddy na nagpunta ako dito ah." Dinig ko pang sabi niya at senenyasan pa akong sumunod sa kaniya pero hindi ako umalis dahil hindi pa ako nakakapagbayad.

"HAHAHA don't bother. Libre ko na sauo 'yan Luha. Don't worry sa amin 'tong store." Wow yayamanin pala 'tong tsanak na 'to. Well, halata naman. Damit pa lang tatak Chanel na.

"Ah hehe. Salamat naman at nakatisod din mg libre." Tinawanan lang naman ako ng kigwa.

Ang cute niya! Parang bata talaga. Baby face ampuche! Sarap sakalin---este yakapin pala.

Paglabas namin ng store ay nagpaalam na siya sa akin at tamang-tama naman na nakita ko si Ate kaya pinuntahan ko na siya agad.

"Ate--arayyy! Ang sakit nun ah!" Singhal ko sa kamiya habang kinakamot ang ulo matapos niya akong kutusan. Ang sakit! Naalog ata ang maliit kung utak

"Kanina pa kota hinahanap na hayop ka! Saan ka ba kasi nagpunta?" Sigaw niya pa sa akin.

"Diyan lang. Bumili ng makakain at drinks. Gutom na ako eh." Nakangusong sagot ko at kumagat na sa burger ko.

"Win the game or else I will kick your ass."

"Pft. Don't threaten me like that Ate. I always win my game. Wala sa pagkatao ko ang pagkatalo."

"Tsk. Yabang."

"Honest langs." Natatawang sagot ko pa.

UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon