50

21 3 0
                                    

Luha's POV

Limang minuto nalang at matatapos na yung panghuling klase namin ngayon at dahil sa balak nga naming doon kumain kina Mint paninindigan talaga namin 'yon. Minsan na nga lang kami makabibisita sa bahay ng iba kaya bawal palagpasin 'to. Never in my life na makapunta sa squatter so i dont know how it looks like kaya excited na akong makita kung anong klaseng lugar iyon.

I want to explore everything.

Makaraan pa ang ilang sandali ay tumunog na ang bell na hudyat na  uwian na. Tumayo na ako at isinabit ang strap ng bag sa balikat. Napunta ang paningin ko sa mga kaibigan at tapos na rin ang mga ito.

"Have you already tried going to a place like that before, ate?" Tanong ni Trunxx habang naglalakad kami palabas ng room.

"No, I haven't tried. I'm also curious what it looks like."

"Based on what I've heard it's a place where poor people live." Trivon interject.

"That's—"

Hindi ko natapos ang sasabihin nang bigla na lang akong bungguin ng isang estudyante. Naghahabulan sila ng kasama niya at mukhang hindi ako nakita. Nalaglag sa sahig ang bag ko dahil ang kanang balikat ko kung nasaan nakasabit ang strap ng bag ko ang nabunggo niya.

"I-I'm sorry, Tears." Hingi kaagd nito ng paumahin.

"That's fine. You can go." Senenyasan ko ito na umalis na saka dinampot na ang bag ko at isinabit ulit sa balikat at nagpatuloy sa paglalakad.

"Bili ka na ng bago, ate. Madumihan na ang Chanel mo." Biro ni bunso na nakasunod sa akin.

"It's fine. Magagamit pa naman, eh." Sagot ko lang.

"Ikaw ang klase ng mayaman na hindi maarte, Tears." Natatawang sabi pa Trivon.

"Halos maging lalaki na nga sa pagiging hindi maarte, eh." Narinig ko namang bulong ni Renzo.

"Oo na alam kung humahanga kayo sa akin pero huwag niyo ng iparinig, okay? Lalaki na naman ulo ko niyan, eh."

Lihim na lang akong natawa nang marinig ang sunod-sunod na reklamo nilang tatlo. Hindi sumasang-ayon sa sinabi ko.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at tinawagan si Donnix at tinanong kung nasaan ito.

"Andito kami sa main gate. Bilisan niyo kanina pa kami naghihintay. Si Sev kunot na kunot na ang noo rito natatakot na ang mga estudyante sa kaniya."

"Papunta na kami. Pakainin mo para kumalma parang hindi mo naman kilala ang isang 'yan."

Pinatay ko na ang tawag at sinabihan ang mga kasama na dumeritso na sa main gate.

Nang makitang kompleto na kaming lahat ay pumunta na kami sa kaniya-kaniya naming sasakyan. Si Mint ay sa akin sumakay at nauna kaming umalis. Nakasunod naman sa akin ang dalawang babae at sa likod nila ay ang mga lalaking may kaniya-kaniya sasakyan na dala.

Mga big-time. Tss.

Sinasabi ni Mint sa akin kung saan dadaanan kaya naging swabe lang ang biyahe. Medyo malayo-layo ang bahay nila mula sa school. Pero ang kuwento nito ay araw-araw niyang nilalakad ang iyon para lang makapag-aral. Minsan lamang ito makasakay kapag mayroon siyang pera.

That's life. It's unfair. Mayroong mga tao na hindi na kailangan gawin iyon para lang makapag-aral. And that's us. At mayroon namang mga tao na kailangan pang maghirap para lang makapag-aral. And that's Mint.

Pumasok pa kami sa isang papasok na daan at dook tuluyang bumungad sa paningin ko kung anong klase ng lugar ang squatter. Magkakadikit-dikit sng mga bahay. Maliliit lamang ang mga ito na halos mas malaki pa nga ang bodega ko. Halatang mahirap talaga ang pamumuhay nila. Ibang-iba sa buhay na kinagisnan ko ang buhay na nakikita ko rito. Marami rin ang tao na nakatira rito. Ang iba sa nakikita ko eh tiglima ang mga anak.

UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon