Luha's POV
Nakauwi na ako galing school at dumeritso na agad ako sa kwarto ko at sumigaw sa unan.
"Waaaah! Ang puso ko parang tumatalon. Papa Jesus ang puso ko. Waaaaah! Takte kinikilig ako mga men!"Habang inaalala kanina ang sa cafeteria. Shit. Kinikilig ako, punyemas! Bakit ganito kapag kasama ko si Renzo. Parang ang gaan-gaan ng loob ko. Ahe ahehe ahehehe.
Nagyakap kami kanina. Aweeee! Nagyakapa kami hehehehehe.Puso huminahon ka! Baka masaktan ka lang kapag nalaman mong ikaw lang pala ang nag-eexpect.
Pafall naman kasi si Renzo eh. May payakap-yakap pa siya. Baliw rin naman ako eh. May pa-emote-emote pa akong nalalaman kanina.
Bigla na lang may kumatok sa pintuan kaya napasigaw naman ako dahil sa gulat. "Ay, Renzo ka!" Takte na 'yan! Bibig maghunos dili ka. Huwag kang say ng say. Lalo ka kapag siya na ang kaharap mo.
Agad naman akong tumayo at binuksan ang pinto at nakita si ate "Oh, Bakit?" Kunot-noong ko sa kaniya.
"May bisita ka sa labas, Sunny. Paki-asikaso na lang muna dahil busy talaga ako. Doon na muna ako sa kwarto ko. Huwag mo akong iisturbuhin, maliwanag?" Saad nito habang ang mga mata ay nasa laptop na hawak.
"Sige, ate. Ako na bahala. Huwag mong kalimutan na magpahinga. Nagmumukha ka ng bangkay diyan dahil sa kaputlaan mo." Sabi ko sa kaniya at tuluyan ng bumaba para tingnan kung sino ang bisita na tinutukoy ni Ate. Wala naman akong inaasahang bisita, ah? Binuksan ko pa rin naman ang gate para tingnan ko kung sino at nakita si Bunso."Hey, Ate!" Bati nito.
"Ey, ano ang ginagawa mo dito? Paano mo pala nalaman ang bahay ko?" Tanong ko sa kaniya.
"Ate hindi mo na ba naaalala? Nasa ikalawang village lang ako nakatira. Tsaka kapag naka-motor ka minsan ay nakasunod lang ako sayo tuweng uuwi. Nakikita ko na dito ka tumitigil kaya naisip ko na dito ka nakatira. Wala akong kasama sa bahay eh. Umalis si Daddy kasi may trabaho raw. Kaya dito muna ako! Pwede ba? Pwede ba?" Tanong nito. Pinapasok ko naman siya muna sa gate dah kanina pa siya nakatayo doon.
"Gano'n ba? Sige, ayos lang. Walang problema." Sagot ko naman."Ate, ito na ba talaga yung bahay niyo?" Tanong niya habang nagpapalinga-linga pa sa paligid.
"Ah... Hindi. Medyo malayo dito yung totoo naming bahay. Binili lang namin 'to dahil malapit 'to sa school. Hindi hassle kapag dito kami nanggaling dahil malapit lang ang school dito." Sagot ko.
"Ah... Gano'n ba?"
"Hm. Tara sa loob." Aya ko sa kaniya.
"Wews! Akala ko maliit lang yung bahay niyo mula sa labas pero malaki pala kapag nasa loob ka na." Saad nito kaya ngumiwi lang naman ako saka nagkibit-balikat.
"Talaga?" Tanong ko sa kaniya.
"Oo. Tsaka ang mamahal din ng mga gamit niyo dito."
"Hindi naman."
"Pahumble ka pa, Ate."
"Luh, hindi kaya." Natatawang sabi ko.
"Mag-isa ka lang ba dito ngayon?"
"Hindi naman. May kapatid ako na nandito kaso busy eh. Ayaw nga magpa-isturbo." Sabi ko sa kaniya sabay abot ng isang basong juice.
"Ate yung Chuckie ang gusto ko. Yung ayon oh. Sabay turo ng Chuckie na nasa ibabaw ng red. Naalala ko naman ang bunso kung kapatid.
"May nagmamay-ari na kasi niyan, Trunxx." Sabi ko pero ngumuso naman ito.
"Sige na Ate. Isa lang." Pamimilit pa nito.
BINABASA MO ANG
UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...
Teen FictionTears Meyreal Santiago, a girl who is hiding her true self. Ang babaeng masyadong maraming sekreto. Ang babaeng parang isang malaking misteryo. Isang babaeng hindi mo pwedeng apihin dahil ikaw lang din ang masasaktan sa huli. A girl who is bored in...