"Bakit sa katawan mo pinunterya?!" Singhal ko kay Donnix habang nakakunot ang noo.Hindi gawain ni Donnix ang sumablay.
"Nabahing ako." Napailing na lang ako at agad na sinarado na ang bintana ng makitang tumingin sa gawi namin ang mga tuta ni Retoraadoo.
"Sa dami ng pisteng oras ngayon ka pa talaga nabahing. Tangina lang talaga. Tara na!" Usal ko at inayos na ang sniper ko at nilagay sa sisidlan ng gitara atsaka inayos ang sarili. Nang makitang maayos na rin si Donnix ay agad ko ng binuksan ang pinto atsaka na naglakad.
"Ang malas naman! Wasak na sana ang utak ng putanginang 'yun." Dinig kung bulong ni Donnix na nasa likuran ko.
Tsk! Dapat ngayon na namin tatapusin ang buhay niya.
Nakita ko naman si Seven na nakashades pa habang papunta na sa amin. "Nice job Nix."
"Fuck you!"
"Tara na kailangan pa natin siyang habulin at ligpitin. Baka saang bansa na naman magtago ang gago 'yun." Sambit ko saka pumasok sa elevator.
It's a fucking top mission. Dapat ay walang problema na matapos namin ito.
Sinundan namin ang kotse ni Retoraadoo pero mas pinili kung dumaan sa kabilang gawi ng daan at mas binilisan ang pagpapatakbo ng motor ko.
Nauna na akong nakarating sa lugar at makailang sandali lang ay nakita ko na ang humaharurot na sasakyan kaya pinaulanan ko naman agad ng bala ang mga nasa loob niyon. Habang nasa kabilang parte naman sina Donnix at pinapaulanan na rin ng bala ang mga kalaban.
Sumalpok ang dalawang kotse pero ang natitira ay nagpatuloy lang at bumibilis pa ang takbo. Inasinta ko namang patamaan ang kotse ni Retoraadoo pero ang putangina bulletproof pala. Binabaril na din ako ng mga kalaban pero naiiwasan ko lang ang mga iyon.
Inasinta ko ang gulong ng sinasakyan ni Retoraadoo at natamaan ito dahilan para tumirik at pumasok sa gubat ang kotse. Bumaba naman ako sa motor ko at agad silang sinundan pero isang putok ang umalingawngaw kaya agad naman akong napatago sa puno. Bigla namang nahagip ng mga mata ko ang pulang mantsa na nasa damit ko. Tsk!
Hindi ko na pinansin iyon at kumuha na ng bomba at inihagis sa tinataguan ng mga tuta ni Retoradoo na nabuhay pa pala. Tumakbo agad ako saka pinagbabaril ang mga taong humaharang sa daan.
Pero wala doon ai Retoraadoo. Hinanap ko naman ito sa loob ng sasakyan pero wala din siya doon pero bigla kung nakita ang mga patak ng dugo kaya napangisi ako saka sinundan iyon.
Nakita ko itong tumatakbo sa gitna ng kagubatan kaya agad naman akong sumunod papunta sa kaniya pero bigla na lang itong nagpaputok at ng humarap ito ay agad akong nagulat ng hindi siya si Retoraadoo.
Nasa likod!
Bigla akong humarap at tama nga ako. Nakatutok ang baril nito sa akin at ganoon na rin ako sa kaniya. Pero nakatutok pa ang isa kung baril doon sa isang lalaki rin na napagkamalan kung siya. Nakita kung bigla na lang itong humugot din ng baril kaya inunahan ko na siya putok saka agad ding pinaulanan ng bala si Retoraadoo pero bumawi din ang putangina.
Nagtago ako sa puno at napadaing ng maramdamang natamaan ulit ako.
Fuck!
Papatayin pa ata ako, ah.
![](https://img.wattpad.com/cover/249078295-288-k441234.jpg)
BINABASA MO ANG
UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...
Novela JuvenilTears Meyreal Santiago, a girl who is hiding her true self. Ang babaeng masyadong maraming sekreto. Ang babaeng parang isang malaking misteryo. Isang babaeng hindi mo pwedeng apihin dahil ikaw lang din ang masasaktan sa huli. A girl who is bored in...