Someone's POV
Nagmamasid lang ako kung ano ang nagaganap sa school na ito at sa hindi sinasadyang pagkatatalon nahagip ng mata ko ang nagtarambolang mga estudyante. Meron limang lalaki at tatlong babae na siyang pinapalibutan ng lima.
Pero bakit ganoon...
Wala man lang akong makitang takot.
Wala maski ang reaksiyon ang nga mukha nila. Bored lang silang nakatangin sa mga lalaki na tila ba nabbagot.
Hindi ko namalayan sumugod na pala ang mga lalaki sa tatlong babae at sa isang kisap mata lang ko ay nakita ko na lang na bumulagta na sa lupa ang mga lalaki.
What the---
Anong nangyari?! Bakit hindi ko man lang nakita ang ginawa nila para mapabagsak ang nga lalaking iyon.
"Lumabas na kayo o kami pa ang gusto niyong sumundo riyan sa inyo!" Biglang sigaw ng babaeng nasa gitna. Medyo pagalit at naiinis na ang tono nito.
Nadinig lahat ng balahibo ko dahil roon.
Ilang sandali lang ang lumipas ay bigla na lang may lumabas na nakakaraming lalaki mula sa kadiliman na may dala-dalang dospordos at tubo na ikinagulat ko.
Kelan pa sila nandodoon? Bakit hindi ko man lang namatyagan?! Shit!
Akala ko ay iyong lima at silang tatlo lang ang naririto talaga.
I was wrong.
"Tsk. Let's finish this." Sambit ng babaeng nasa kanan. Hindi galit ang boses nito. Hindi iyon pasigaw pero ang tindi ng epekto.
Namalayan ko na lang ay pinagpapawisan na ako dahil sa pagtatago at panonood.
Bakit ganito? Kapag nagsalita sila ay dapat na sundin mo. Dapat na lumuhod ka at bigyan sila ng galang. Iyon ang nararamdaman ko base sa aura nila ngayon.
Nakakatakot sila...
Sumugod bigla ang mga lakaking may hawak na dospordos at sinugod ang mga babae pero parang naglalaro lang ang mga ito habang iniiwasan at binubogbog ang mga lalaki.
Naglalaro na parang itinataya ang buhay. Ang sino mang mahawakan nila at matalo ay siyang mamamatay.
Nanindig ang balihibo ko ulit dahil sa sariling naisip.
Walong minuto lang ang makalipas ay nag-iisa na lang ang natitira sa kaninang sobrang daming lalaki. Iyon ata ang leader. Andoon lang ito nakatayo habang nanginginig dahil sa takot. Parang bang napuno bigla ng takot ang pagkatao nito. Habang ang mga babae naman ay ganoon pa rin. Walang reaksiyon at animoy walang ginawa. Maski pawis ay hindi ko nakita sa kanila. Tanging nakatingin lang ang mga babae sa lalaki na para bang walang kwentang bagay iyon.
"Sino ang nag-utos sa inyo?" Biglang tanong ng babaeng nasa gitna habang sumisindi ng sigarilyo.
"..."
"Huwag mo ng subukan na magsalita na hindi ko magugustuhan. May kalulugaran ka kapag nagkataon." Sambit pa ng babae dahilan para mas lalong manginig ang lalaki.
"Ase..."
"Hm. You can go. Sabihin mo sa kaniya na magsimula ng magtago. Mali siya ng binangga."
Agad na kumaripas ng takbo ang lalaki hanggang sa hindi ko na nakita pa.
"You heard it?"
Nanlaki ang mga mata ko at biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Bakit niya nalaman na nandito ako? Ako ba ang tinutukoy niya? Malamang! Shit.
BINABASA MO ANG
UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...
Novela JuvenilTears Meyreal Santiago, a girl who is hiding her true self. Ang babaeng masyadong maraming sekreto. Ang babaeng parang isang malaking misteryo. Isang babaeng hindi mo pwedeng apihin dahil ikaw lang din ang masasaktan sa huli. A girl who is bored in...