Luha's POV
Andito na ako ngayon sa may gate at balak ko na sanang pumunta sa may flagpole banda ng may narinig akong nagtitiliang mga butiki---I mean mga babaeng mukhang butiki. Pft. Paano ba naman...halos ginawang drawing boom iyong mukha eh. Basta huwag niyo ng pahirapan sarili niyo. Isipin niyo na lang na mukha silang butiking nakamake up. So back to the topic hehe. Ayon nga dahil hindi naman ako tsismosa, slight lang. Agad na akong pumunta doon sa mga nagtitilian at ng makarating na doon. Singit here, singit there ang ginawa ko. Putekkk! Sana worth it sa pawis ko 'to.
"Kyaaa! Ang gwapo!"
"Wahhhh! Wala kang jowa---joke hehe. Sila ba iyong transferee?!"
"Take out ko na 'yung isa---aray! Sino bumato sa akin ng pusa?!
"Trivon akin la na lang baby lobesss!"
"Kahit si Ttunxx na lang akin."
GG doon sa binato daw ng pusa. Pucthaaa kahabag-habag men!
Sigawan ng mga mukhang butiking bundat dito sa unahan na dinaig pa fans ng BTS. At dahil hindi nga ako tsismosa, slight lang. Pinilit ko talagang makapunta sa harap at ng makapunta na nga ako ay agad ko munang inayos ang nagusot kung damit. At ng tumaas ang tingin ko ay agad na nagtagpo ang mga mata namin ng lalaking may gray ang buhok. Parang nagslow motion ang lahat sa paningin ko at tanging sa kaniya natutok ang mga mata ko.
Putcha! Ang lakas bigla ng tibok ng puso ko.
Makaraan ang ilang sandali ay bigla na lang nitong ibinalik ang tingin sa daan kaya parang huminahon naman si heart ko kahit papaano. Shyt na malagkit!
Parang mapapa-omamamayy! Omamamayy ako don ah. Hayp na yarn!
"Putek! Ang gwapo niya." Bulong ko sa sarili pero napansin ko bigla na hindi kang pala siya iyong gwapo. Kasi pati ang mga kasama niya ay biniyayaan din ng napakagwapong mukha. Takte! Madami na ata akong magiging inspiration nito. Tapos ang cute din nung medyo maliit ang height.
Nang matapos na akong magpaka-fans doon ay agad na akong pumunta sa may flagpole banda kasi nga may flag kami malamang enebe.
Pero putek! Hindi ko alam section namin takteng yarn huhuhu. Kaya ayon at hanap dito at hanap doon ang ginawa ko. Hanggang sa mahanap ko na nha, akala niyo ah. May mata 'to! Akala niyo wala? Akala ko rin.
"Sun Catchers." Basa ko sa pangalan ng section namin at dahil nga nagmamadali ako hindi ko namalayan ang taong biglang bumunggo sa akin kaya boom panes! Napaupo si neneng sa sahig.
Sinamaan ko naman ng tingin ang nakabunggo sa akin pero wala na. Pero....pero nakita ko pa siyang nakatayo sa harapan ko kani-kanina lang eh?
Waahhhh! Baka multo 'yun. Takte! I'm scared so don't go away and the day bleeds into nightfall and you're not here. Taena napakanta na tuloy ako ng mashup dahil sa bumunggo sa akin.
Dahil walang nagsorry. Edi, wala!
Dumeritso na ako sa section ko at doon nagpakalutang. Bahala na 'yung flag na 'yan. Siya mag-adjust! Kitang nag-iisip ako dito eh.
Nakaapak ako ng tae--este tao pala.
"Oy! Sorry." Lutang na sambit ko.
"Ayos lang." Sabi ng anghel---nasa langit na ba ako? Patay na ba si me? Is me dead? Dead is me? Is dead me? Putchaa tagalog na nga lang. Patay na ba ako?
"Ayos ka lang?" Natatawang tanong nito pero nanatili lang akong nakatanga sa kaniya.
"Hey? Are you okay?" Ulit na tanong nito at tinapik ang pisngi ko dahilan para magulat naman ako.
"Ay anghel ka!" Sigaw ko at sinamaan ko siya ng tingin pero ng makita ang nukha nito---ackkk! Nagbigti ako. Charot.
Ang gwapo! Pwede ng anakan.
Daming gwapong transeferees ata ngayon. Mukhang mag-eenjoy ako ngayong school year ah.
"Miss? Are you really okay? Kanina ka pa nakatulala." Tanong nito kaya si Ate niyong maharot kinilig naman.
"Ah...oo." Nakangiting sagot ko naman.
"Cute, eh?" Cute? Ako? Witiwiw awawaw.
"Thanks?"
"By the way, I'm Trivon. Nice to meet you." Sabay abot ng kamay nito na makinis at maputi. Maputi pa kesa sa kamay ko. Takte ano kaya sabon nito? Kojic? Papaya soap? Tanga self! May papaya din na kojic eh. Minsan talaga nagiging hubu talaga ako.
"Luha. Nice to meet you too." Nakangiting sagot ko at tinanggap ang kamay nito.
Dininig ang aking dasal hohoho! Daming wafuuu jusko marimar.
Dininig ang aking dasal ho ho ho!
Daming gwapo. Jusko marimar. Pero...ano kaya pangalan ng lalaking grey ang buhok. Kasi he makes my meow meow beat so fast eh.
BINABASA MO ANG
UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...
Teen FictionTears Meyreal Santiago, a girl who is hiding her true self. Ang babaeng masyadong maraming sekreto. Ang babaeng parang isang malaking misteryo. Isang babaeng hindi mo pwedeng apihin dahil ikaw lang din ang masasaktan sa huli. A girl who is bored in...