Luha's POV
Ilang buwan na rin pala ang lumipas simula ng magsimula ang pasukan at ang saya palagi ng araw ko dahil may mga kaibigan akong laging nakakausap at kasamang tumawa pero dahil dahil doon ay napapalipit din ang loob ko sa kanila.
Sana nga hindi sila magbago kapag nakilala na nila ako. Sana nga... Dahil ngayon pa lang gusto ko na silang makasama lagi at ayaw ko na umabot sa puntong pakakawalan ko na sila.
Ayaw ko...
Sa mga nakaraang araw mas lalo kaming nagiging close ni na Trunxx, Trivon at syempre si Renzo. Unti-unti na silang nakakapasok sa harang na ginawa ko..
Nang mga nakaraan napapansin ko na rin na napapadalas na ang pag sakit ng ulo ko at ang paglabas na ang mga ala-ala. Palagi kung nakikita ang mga batang yun, isang lalaki at babae. Nababaliw na ata talaga ako.
_____________________________
Someone's POV
"Ahhh! Ang sakit!" Sigaw ko habang hinihilot ang ulo ko. Sobrang sakit! "Argh! Ang sakit!" Nangyayari na naman eh. Palagi na lang sumasakit yung ulo ko at may mga ala-ala na bumabalik na hindi ko naman matandaan.
Kagaya noong nakaraang linggo...
Balak ko na sanang matulog ng biglang nagpintig ang ulo ko na parang mabibiyak.
Tapos biglang may pumasok na ala-ala...
Isang lalaki at isang babae... Tinitingnan lang ng lalaki ang bababeng bata na nanghuhuli ng paru-paru pero ang batang babae ay walang mahuli maski isa kaya nakabusaot ito. Ang batang lalaki naman ay tawang-tawa lang habang pinagmamasdan ang babae na halos maging bruha na dahil sabog na yung buhok niya at may dumi na rin ang damit.
"Hey, tama na 'yan. Mukha ka ng tsanak oh." Sabi ng batang lalaki sa batang babae na umiiyak na. "Stop crying already. Ang pangit-pangit mo na oh." Pero mas lalo lang lumakas ang iyak ng batang babae. "Kapag hindi ka tumigil ay hahalikan talaga kita." Pagbabanta pa ng batang lalaki dahilan para tuluyang tumigil sa pag-iyak ang babae.
"Sabi ni daddy, only big lang ang pwedeng gumawa nun." Sabi naman ng batang babae.
"I'm big na at dahil doon pwede na kitang halikan. Pwede na nga rin kitang pakasalana eh kaso ang bantot mo na at may mga sipon ka pa ngayon kaya huwag muna. Gusto ko kapag ikinasal tayo ikaw ang pinakamagandang babae." Sabi ng lalaki at binuhat ang babae papunta sa puno ng Narra.
"Always remember Sunset. Ikaw lang ang una't huling babaeng iibigin ko, okay?"
"A-Ako rin. Ako rin. Gusto rin kita hehe." Sabi naman ng babae.
"At itong puno na 'to ang magiging simbolo ng pagmamahalan natin. Basta kung gusto mo na akong mahalin at samahan habang buhay ay pumunta ka lang dito sa punong 'to."
"Wala kong maintindihan hehe." Sabi ng batang babae at ngumiti lang naman ang batang lalaki.
Doon natapos ang ala-alang iyon...
Balak ko na sanang tumayo pero bigla na lang ulit nagpintig ang ulo ko at kinain na naman ako ng sakit dahilan para mapasigaw ako. Pero maya-maya lang ay nawala na rin naman pero may ala-ala na namang lumabas.
Masayang pinagdidiwang ng ika-7 na kaarawan ng batang lalaki at nasa tabi nuya ang batang babae na takam na takam ng tikman ang cake.
Makaraan ang ilang sandali ay nagsalita ang batang lalaki at nakaharap ito sa ama at tiyo niya.
"Daddy and Tió, Promise me na kapag dumating na ang tamang time at nalimutan namin Ng isa't-isa... promise niyo na ipapaalala niyo kami sa isat-isa po, ah?" Saad pa nito saka tumingin sa katabi. "Sunset, alagaan mo yung sarili mo. Huwag kang papayag na saktan ka ng iba." Saad pa ng batang lalaki.
BINABASA MO ANG
UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...
Novela JuvenilTears Meyreal Santiago, a girl who is hiding her true self. Ang babaeng masyadong maraming sekreto. Ang babaeng parang isang malaking misteryo. Isang babaeng hindi mo pwedeng apihin dahil ikaw lang din ang masasaktan sa huli. A girl who is bored in...