Luha's POV
It's already 5PM rightnow. Kakatapos lang namin na magpunta ng mall para ipasyal ang pamilya ni Mint. Kami na lang ni Trunxx ang sumama sa kanila dahil ang iba ay nauna ng umuwi dahil hinahanap na sa kanila at may mga lakad pa.
Lahat ng gusto at kailangan nila ay binili ko para sa kanila. Panay ang tanggi nila pero sa huli ay wala ring nagawa. Kita ko ang saya sa mga mukha nila kaya alam ko na worth it ang gastos at effort ko.
Bawat store na mapuntahan namin ay may salesman na kaming kasama paglabas para magdala ng mga pinamili. Halos ilang store din ang napuntahan namin bago tuluyang natapos ang pamimili.
Sinigurado ko na kompleto ang pinamili namin. Mula sa pagkain hanggang sa mga gamit ay binilhan ko sila. Mga laruan ng mga bata at school supplies ni Mint. Binilhan ko rin sila ng gamot.
I own the whole mall even the tings inside it so walang problema. Puwede ko'ng kunin lahat ng gusto ko.
Hindi naman 'yon makakabawas sa kayamanan ko.
Nang matapos na ay napagdesisyonan na namin na iuwi ang magpamilya. Sobrang saya talaga nila. Kitang-kita sa mga mata nila.
Binigyan ko rin si tito ng isang Jack Daniels mula sa collection ko dahil mahilig din ito sa mga alak.
Halos lumuhod na ang mga ito sa pagpapasalamat sa akin dahil sa mga ibinigay ko. Sa materyal na mga bagay na iyon ay nakapagpasaya ako.
Ang daming kayang gawin ng pera.
"Are you tired?" Tanong ni Levis nang makarating kami.
Tinitigan ko siya at nakita ko kung paano ito natigilan. Bumuntong-hininga lang ako at naupo sa sofa. "Yeah." It's a lie.
I don't feel tired at all.
"How about you? Are you tired?" Sunod na tinanong ni Levis ang kasama ko.
"Yeah." Basta na lang yumakap ang bata sa kaniya.
Nagkatinginan kami pero nagkibit-balikat lang ako at ipinikit ang mga mata.
"What should I do with him?"
Iminulat ko ang mga mata at senenyasan ito na ibigay ang bata sa akin. Pinaupo niya ito sa tabi ko at agad namang sumandal ang ulo ni Trunxx sa balikat ko. Hinayaan ko lang na ganoon ang posisyon namin.
"Are you okay in that position? Baka mangalay ka."
"I'm fine. Just let him rest."
"He rest on my shoulder so that you can rest properly."
"Then do it."
Hindi na ako nagmulat pa. Hinayaan ko lang ito na gawin ang dapat niyang gawin. Ilang sandali lang ay naramdaman ko ng gumaan ang balikat ko. Lihim na lamang akong napangiti at mas pinili na umidlip na muna.
Pero hindi ko namalayan na tuluyan na pala akong nakatulog. Nagising na lang ako nang may marinig na sumisigaw. Pagmulat ko ay nilingon ko kaagad ang katabi at napakunot ang noo nang makitang patuloy na ginigising ni Levis ang kapatid ko.
"What's happening?"
"He must be dreaming. He keeps on shouting. Kahit pilit ko ay hindi siya magising." Patuloy ito sa pagtapik sa pisngi ng kapatid ko pero nananatiling nakapikit pa rin ito.
"Trunxx? Wake up, Trunxx." Sinubukan ko na gisingin din ito wala ring talab. Patuloy ito sa pagsigaw ng huwag siyang iiwan. Ewan ko kung ano ang ibig niyang sabihin pero iyon ang paulit-ulit niyang sinasabi.
Puno na ito ng pawis at nagsimula na rin siyang umiyak. Ang hihpit ng kapit niya sa braso ni Levis ngayon na hindi na siya mabitawan.
"Gisingin mo. Pilitin mo na magising siya. Kukuha ako ng tubig."
BINABASA MO ANG
UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...
TienerfictieTears Meyreal Santiago, a girl who is hiding her true self. Ang babaeng masyadong maraming sekreto. Ang babaeng parang isang malaking misteryo. Isang babaeng hindi mo pwedeng apihin dahil ikaw lang din ang masasaktan sa huli. A girl who is bored in...