Trunxx's POV
"Stop it if I were you." Biglang saad ni Ate kaya napalingon naman ako sa gawi niya pero agad na natigilan ng makita ang lalaki na balak sana akong pukpokin ng dospordos.
Teka...parang pamilyar na ang scene na 'to. It's like deja vu...
Could it be...si Ate ang babaeng tumulong sa akin?! Bakit hindi ko naisip kaagad 'yon! Matagal ko na siyang nakasama pero kung hindi pa nangyari 'to ay hindi ko pa mare-realize.
"I-Ikaw yung babae?!" Ang kaninang mga mata na puno ng galit ng mga lalaki ay napalitan ng takot na kagayang-kagaya noon. Pero bakit gano'n na lang sila kung makapag-react. Dahil ba kilala nila si Ate? Na kaya silang labanan at saktan ni Ate. Parati rin naman akong laman ng away at mga gulo noon pero hindi ko nakita na ganito mag-react ang mga kalaban ko noon na halos bugbugin ko na hanggang sa hindi makahinga.
Bakit ganito na lang ang takot nila kay Tears? Dahil ba alam nilang kaya nitong pumatay ng tao...
"Umalis na kayo." Utos sa kanila ni Tears. Agad namang nagsitakbuhan palayo ang mga lalaki hanggang sa hindi ko na sila makita pa.
Bigla ko namang naalala ang lalaki. "Yung lalaki, Tears." Saad ko at agad na hinanap ang lalaki at nakita ko ito sa isang gilid at pinapahid ang dugo na nasa labi niya.
"Ayos ka lang?" Tanong ko sa lalaki. Tumango naman ito.
"Thanks for saving me." Pasasalamat nito at napunta ang paningin kay Tears.
Magkakilala ba sila? Bakit gano'n na lang siya kung tumingin kay Tears.
"Tss." Tumalikod na lang bigla si Ate at nagsimulang maglakad pero agad din na napatigil nang magsalita ang lalaki.
Napatitig naman ako sa lalaki at napakunot ang noo dahil parang kamukha nito si Renzo. Teka, si Renzo ba 'to?! Bakit kamukhang-kamukha?! Pero kung si Renzo ang lalaking 'to tiyan na kaya niyang patumbahin lahat ng lalaking 'yon.
Sino ang lalaking 'to...
"Hanggang ngayon hindi mo pa rin ba ako matandaan?" Tanong ng lalaki at ramdam ko sa boses nito ang lungkot.
Lumingon si Tears at tinitigan ang lalaki ng ilang sandali. "Hindi." Simpleng sagot niya.
"Tears naman eh. I'm Kenzo! Bakit hindi mo na ako maalala? Anong nangyari sa'yo?" Ramdam na ramdam ko ang lungkot sa boses niya.
Sino ba siya sa buhay ni Tears? Bakit siya nagkakaganito...
"Hindi kita kilala. Huwag mo na akong sundan pa. Makatikim ka na kapag inubos mo ang pasensiya ko."
Sinusundan niya si Tears... Stalking ba siya?
"Kaibigan mo lang pala ako noon kaya siguro ang dali lang para sa'yo na kalimotan ako, tama ba ako, Meyreal?" Biglang sigaw ng lalaki habang deritsong nakatingin kay Ate pero natigilan naman kaming dalawa nang makitang napaluhod bigla si Tears habang sapo-sapo ang ulo.
"Ate!" Sigaw ko at balak na sanang lapitan si Tears ng bigla na lang akong pigilan ng lalaki.
"Bakit Ate ang tawag mo kay Meyreal? Her brother died long time ago---"
"Arghh!" Bigla na lang napasigaw si Tears kaya hindi ko na sinagot pa ang tanong ni Kenzo at dali-dali ng pinuntahan si Tears at tinulungan siyang tumayo. Maya-maya ay kumalma naman ito pero agad na napunta kay Kenzo ang paningin niya.
"What did you just called me earlier?" Tanong ni Ate.
"Tears? Meyreal? B-Bakit? May problema ba?" Sunod-sunod na tanong ni Kenzo pero natahimik lang si Tears.
BINABASA MO ANG
UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...
Teen FictionTears Meyreal Santiago, a girl who is hiding her true self. Ang babaeng masyadong maraming sekreto. Ang babaeng parang isang malaking misteryo. Isang babaeng hindi mo pwedeng apihin dahil ikaw lang din ang masasaktan sa huli. A girl who is bored in...
![UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...](https://img.wattpad.com/cover/249078295-64-k441234.jpg)