Luha's POVTatlong araw din akong hindi nakapasok sa school. Wews. Bakasyon na amputcha. Pero masama talaga ang pakiramdam ko ng nakaraan kaya mas pinili kung magpahinga.
Ngayon balak ko ng pumasok ulit. Miss ko na mga kaibigan kung adik HAHAHA. Unang-una sa adik squad si Trunxx kasi palaging sabog ang batang 'yon. Sunod si Renzo at Trivon. Hindi ko rin makakalimotan ang mga balimbing kung kaibigang sina Donnix at Sevenray.
Balimbing ang hayop HAHAHAHA.Dahil balak ko ng pumasok... dali-dali na akong naligo at nagbihis. Pagkatapos nun ay bumaba na ako para makapagpaalam kay ate.
"Ate, alis na ako." Paalam ko saka itinaas lang ang kamay.
"Ingat ka, Sunny. Huwag makikipagbasag-ulo." Paalala niya pa at ibinalik ang paningin sa laptop niya.Natatamad ako ngayon kaya magmomotor na lang ako papuntang school. Ikang minuto lang ang nakakaraan ay narating ko na ang school. Hindi naman kasi kalayuan ang school mula sa bahay.
Dumeritso na ako papunta sa room dahil na-miss ko yung mga hakdog.
"Mabuti at nakapasok ka na ulit." Bungad ni Trivon pero nagkunwari lang ako na walang narinig.
"Hey Ate! I miss you." Biglang sigaw ng makulit na bata perp dedma pa rin ako.
"Tss. Pangit na bungol pa." Narinig ko namang saad ni Renzo kaya gusto ko siyang kutusan pero pinili kung dedmahin siya kagaya rin ng ginawa ko sa dalawang nauna.
Tiningnan ko lang sila na para bang hindi ko sila kilala... na para bang nagtataka ako kung sino sila.
"Sino kayo?" Kunwaring inosenteng tanong ko.
"Ate naman eh. Babatokan kita kapag hindi ka tumigil." Sabi ni Trunxx pero nagkunwari pa rin ako na hindi talaga siya kilala.
"Hey, Tears. Huwag kang magbiro ng ganiyan, na-miss ka pa naman ni Trunxx." Natatawang saad ni Trivon.
"A-Ah... Hindi ko po talaga kayo kilala. Tsaka bakit niyo ako kilala?" Sabi ko habang nagkukunwaring nagtataka pa.
Pwede na talaga akong maging artista nito hehe.
"Ate, anong nangyari sayo? Naging alien ka na ba? Sinapian ka ba ni Kriselda? Sabihin mo, ate!" Putek! Kung hindi lang talaga ako nang-ti-trip ay nakutusan ko na 'to.
"Huwag niyo akong hawakan, hindi ko kayo kilala." Saad ko pa.
"Ate naman..." Nakita ko kung paano lumungkot ang mga mata nito at ang ekspresiyon niya dahilan para mapangiwi naman ako.
Napasobra ata ako...
Huwag muna! Nang-ti-trip pa ako eh!
"H-Hindi ko talaga kayo kilala." Halos pabulong na lang ang pagkakasabi ko nun.
"One lie and I will kiss you." Natigilan naman ako dahil sa sinabi nito.
"Wala namang ganiyanan, kingina." Saad ko.
"Gusto mo naman." Ehe enebe. Shat tap ka lang bebe ko.
"Oy, kapal ng mukha mo Renzo parang pader." Saad ko.
"Kilala mo na ako ulit?" Nakangising tanong niya pero inirapan ko lang siya.
Atitod.
"Napaka---"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla na lang akong yakapin ni Trunxx. Sa una ay nagulat pa ako pero agad din na nagsisi ng makita ang malungkot na eskpresiyon ni Trunxx.
Nang-ti-trip lang ako eh. Pisteng trip na 'yon.
"Ayos ka lang?" Tanong ko sa kaniya habang hinahagod abg likod niya.
BINABASA MO ANG
UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...
Novela JuvenilTears Meyreal Santiago, a girl who is hiding her true self. Ang babaeng masyadong maraming sekreto. Ang babaeng parang isang malaking misteryo. Isang babaeng hindi mo pwedeng apihin dahil ikaw lang din ang masasaktan sa huli. A girl who is bored in...