Luha's POV
"Sunog!"
Isang malakas na sigaw dahilan para agad naman akong mabangon. "Kinginang sunog 'yan. Anong karapatan niya putulin ang tulog ko." Saad ko at hinagilap kung saan ang nasusunog pero ang nakita ko lang ay ang ilang kasamahan na tawang-tawa habang nakatingin sa akin."Bumangon ka na kasi. It's already 10 AM in the morning." Saad ni Renzo dahilan para mapakunot ang noo ko.
"Eh, ano naman? Gabi na tayong natulog kaya natural lang na late na akong magising." Bumalik ako sa pagkakahiga at ipinikit ulit ang mga mata ko.
"Babangon ka o hahalikan kita buong araw." Saad nito dahilan para agad naman akong tumayo.
"Sino bang nagsabi na inaantok pa ako? Hindi ako inaantok. Mabangis ako kaya hindi ako inaantok." Dali-daling saad ko, parang nag-ra-rap lang.
"Edi ngayon lang." Humakbang pa ito palapit sa akin dahilan para agad ko naman siyang samaan ng tingin.
"Paduduguin ko 'yang nguso mo kapag lumapit ka." Pagbabanta ko sa kaniya at pinanlakihan pa ito ng mga mata.
"Gamit ba 'yang labi mo? Deal." Nakangising tanong nito dahilan para samaan ko na ito ng tingin.
"Ang aga-aga naglalampungan na kaagad." Saad ni Trunxx na kasama rin naman pala.
"Nasaan sina Donnix at Aprebon?" Tanong ko at humikab.
"Nasa baba at naglalampungan din." Natatawang sagot Trunxx.
"Tara na sa baba... wifey." Bigla na lang hinawakan ni Renzo ang kamay ko matapos sabihin iyon dahilan para panlakihan ko naman ito ng mga mata.
Tangina?!
"Love birds." Parinig ni Trunxx at nauna ng bumaba.
Napakurap-kurap na lang ako at agad na nahilot ang sentido nang tuluyang maalala ang nangyari kagabi.
Flashback...
"May dare ako sa inyo." Sigaw ni Trunxx dahilan para mapunta sa kaniya ang atensiyon naming lahat.
"Ano naman 'yon?' Tanong ko at tinaasan pa siya ng kilay.
Baka anong kalokohan na naman ang maisip ng batang adik na 'to.
"Magbibigay ako ng gawain tapos kailangan niyong gawin 'yon. Kapag hindi kayo sumunod ay may parusa."
"Paano kapag ayaw naming sumali?" Pagtatanong ko pa ulit.
"May parusa rin." Mabilis na sagot nito.
"Wala kaming pagpipilian? Hingi makatarungan. Unfair. Ayaw ko." Saad ni Turks kaya napatango-tango naman ako bilang pagsang-ayon.
"Ang killjoy naman. Sige na kasi."
"Ano ba kasi 'yan?" Kunot-noong tanong ko sa kaniya.
"Falling game!" Masayang asik nito habang may nakakalokong ngisi sa mga labi.
Masama ang kutob ko rito...
"Sino naman ang mga kasali?" Tanong ni Donnix na katabi ni Trivon.
Kailan pa naging close ang dalawang 'to?
"Ren, Turks, Trivon, Seven, Ate Tears, and you. Wala kaming kapareha ni Levis so hindi kami kasali." Ang unfair ng batang kumag na 'to, ah. Sila hindi kasali? Hindi puwede 'yon.
"Ano bang gagawin sa falling game na 'yan?" Tanong ko dahil wala akong kaalam-alam tungkol sa bagay na iyon.
"Just... don't fall in love with your partner. That's all you need to do. If one of you... fall for his or her partner then there will some consequences. First, siya o sila ang manlilibre sa buong tropa in one month. One whole month. Ofcourse after we know the truth though. And second, you'll date. You and your partner will started dating... if you two fall for each other. At hindi puwede na hindi kayo magkibuan o magpansinan ng partner niyo kasi ano pang silbi ng falling game kung gano'n lang din naman, hindi ba? Kaya kailangan na makipag-cooperate sa isa't-isa. Kapag hindi naman nakipag-coopeate ay may consequences din. A kiss. Your partner is allowed to kiss you anytime she/he likes. It's just simple, right? The one who fall in love will be the one who lose in this game. So if I were you, I'll start flirting with my partner." Matapos magpaliwanag ay humalakhak ang batang baliw na para bang masayang-masaya talaga ito.
BINABASA MO ANG
UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...
Fiksi RemajaTears Meyreal Santiago, a girl who is hiding her true self. Ang babaeng masyadong maraming sekreto. Ang babaeng parang isang malaking misteryo. Isang babaeng hindi mo pwedeng apihin dahil ikaw lang din ang masasaktan sa huli. A girl who is bored in...