88:INTERHIGH

18 0 0
                                    


luha's POV



"𝗕𝘆𝗲."paalam ng mga damuho na nagsikasakay na sa sasakyan nila para umuwi.

"𝗠𝗮𝘂𝗻𝗮 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝘆𝗼 𝗟𝗲𝘃𝗶𝘀 𝗮𝘁 𝗧𝗿𝘂𝗻𝘅𝘅 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝗵𝗮𝘆. 𝗕𝗶𝗯𝗶𝗹𝗶 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗺𝗶 𝗻𝗶 𝗧𝘂𝗿𝗸𝘀 𝗻𝗴 𝗚𝗿𝗼𝗰𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀."tumango naman ang mga ito saka sumakay na sa kaniya kaniya nilang kotse pero nararamdaman ko padin ang titig ni Renzo saakin pero nagkunwari lang akong hindi iyon nararamdaman.

"𝗨𝘂𝘄𝗶 𝗻𝗮 𝗱𝗶𝗻 𝗮𝗸𝗼."paalam ni Trivon saka sumakay sa kotse niya na sinundan din ni Renzo. Umalis na silang dalawa kaya apat nalang kaming natira.

"𝗣𝘂𝗻𝘁𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻."sabi ko saka sumakay na sa motor ko.

"𝗠𝗶𝗹𝗮𝗱𝘆, 𝘀𝗮𝗮𝗻 𝗱𝗮𝘄 𝗯𝗮?"tanong ni Turks ng makasakay sa kotse nito.

"𝗦𝗮 𝘀𝗶𝗿𝗮𝗻𝗴 𝗴𝘂𝘀𝗮𝗹𝗶 𝘀𝗮 𝗦𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗱𝗮𝘄."nagsindi aki ng sigarilyo saka binuhay ang makina ng motor ko."𝗧𝗮𝗿𝗮."pinaandar kona ang motor ko at tinahak ang sinabi ng babae.

Mabuti naman at may napala ang paglalandi namin sa mga babaeng yun.

"𝗘𝘀𝘁𝘂𝗱𝘆𝗮𝗻𝘁𝗲 𝗽𝗮 𝗱𝗮𝘄 𝘆𝘂𝗻𝗴 𝗥𝗱𝗮𝗴𝗻𝗲𝗹 𝗱𝗶𝗯𝗮?"tanong ni Donnix.

"𝗠𝗮𝗹𝗮𝘆 𝗺𝗼 𝗽𝗮-𝗶𝗻 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗹𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝘆𝘂𝗻. 𝗕𝗮𝗸𝗮 𝗺𝗮𝘆 𝗯𝗼𝘀𝘀 𝘁𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝗻𝗮 𝗵𝘂𝗺𝗮𝗵𝗮𝘄𝗮𝗸 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗶𝘆𝗮 𝗸𝗮𝘆𝗮 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗼𝗼𝗯."sagot naman ni Seven.

"𝗧𝘂𝗿𝗸𝘀 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗯𝗮𝘀 𝗸𝗮 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗯𝗮𝗻𝘁𝗮𝘆 𝗵𝗮𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝘀𝗮 𝗹𝗼𝗼𝗯 𝗸𝗮𝗺𝗶, 𝗯𝗮𝗻𝘁𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗺𝗼 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘆 𝗱𝗮𝗿𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻."may earpiece kaming apat kaya nariring namin ang isa't isa.

"𝗖𝗼𝗽𝘆 𝘁𝗵𝗮𝘁."

Mas binilisan pa namin ang pagpapatakbo dahil malayo layo ang lugar na iyon at habang palayo kami sa syudad nakakakita na ako ng mga gusali na hindi pa naayos meron ding maliliit na mga bahay hanggang sa lumiko kami sa isang daan at yung nakikita kona ay mga matataas na damo pero sa una lang yun dahil bigla nalang tumambbad ang isang sementadong gusali na ewan na luma na at giba giba na. Meron ding mga nakatambak na mga bato sa gilid ng lugar pero napansin ko yung mga kalansay na motor. Ibigsabihin may tao.

Ipinarada ko ang motor ko sa isang madilim at medo tagong banda ng hallway na siya ring ginawa ng tatlo bago bumaba.

"Mula sa 𝘒𝘢𝘩𝘢 ng motor namin kumuha kami ng tig-iisang baril saka sinukbit iyon. Naninigurado lang.

"𝗔𝗸𝗼 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮 𝗱𝗶𝘁𝗼 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗯𝗮𝘀. 𝗧𝗮𝘄𝗮𝗴𝗶𝗻 𝗻𝗶𝘆𝗼 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗸𝗼 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗴 𝗻𝗮𝗴𝗸𝗮𝗽𝗿𝗼𝗯𝗹𝗲𝗺𝗮."tumango lang naman kami kay Turks at nagsimula ng maglakad papunta din sa gusali.

Pagpasok na pagpasok namin agad naming nakita ang mga nagkalat na bote ng alak, mag yosi, at amoy droga din ang lugar. Tsk.

Naglakad kami papunta dun sa mga nagtatawanang mga boses na tiyak kung madami. Pagpasok na pagpasok sa isang kwarto agad na tumambad saamin ang mga lalaking abala sa panonood sa babaeng sumasayaw sa harap nila na halos kinulang sa tela ang damit. Naagaw din naman agad namin ang mga atensiyon nila ng biglang kumatok si Donnix.

UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon