Luha's POV
Napakabait talaga nitong bunso ko. Aba't pinagluto talaga ako. Napakaswerte ng magiging jowa ni Trunxx sa future.
"Wow!" Napa-wow na lang ako habang nakatingin sa mga pagkain na nasa hapagkainan. "Ikaw ang nagluto ng lahat ng 'to?"
"Yeah. Hindi mo ba nagustuhan?" Dahan-dahang tanong niya
"Gusto. You didn't know but I'm really into Spanish delicacies." Saad ko habang ang paningin ay nasa pagkain na nasa hapag."Mabuti naman." Narinig ko pa kung paano siya nakahinga ng maluwag.
Paano niya kaya nalaman kung paano lutuin ang pagkaing kagaya nito?
"Kain na tayo. Gusto kung tikman yung niluto mo." Umupo na ako sa isang upuan at nagsimula ng kumuha ng pagkain. "Tikman ko." Nakangiting saad ko at sumubo at napakunot ang noo at sumubo ulit."How's the taste?"
"Good." Sagot ko at nag-thumbs up para nagpatuloy sa pagsubo. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil puno na ang bibig ko. Habang si Trunxx naman ay tahimik lang habang kumakain pero nakatingin rin sa akin. Tanging mga kubyertos lang namin ang gumagawa ng ingay.
Pero maya-maya ay napadighay naman ako ng malakas kaya natawa naman si Trunxx. "Sensiya. Ang sarap ng niluto mo eh. Nabusog talaga ako." Halos umabot ata hanggang Mars ang dighay ko. Hayop na 'yan."HAHAHA ang cute mo." He cute raw ako. Magpapa-fiesta na ba ako?
"Mas cute ka, Bunso." Bawi ko naman.
"Alam ko." Ito yung confident na tinatawag.
"Edi ikaw na cute. Atleast ako maganda naman." Mahangin din kaya ako. Hindi ako magpapatalo, no."I'm not cute because I'm handsome, Ate. Tapos ikaw," Tumigil pa siya at tiningnan ako at napatango-tango.
"Sabihin mo bunso. Dali, sabihin mo." Excited na saad ko.
"Hindi ka maganda kasi..." Binitin niya na naman ang sasabihin dahilan para mas lalo naman akong na-excite kung ano ang idudugtong niya. Baka sabihin niya na hindi ako maganda dahil diyosa ako. Ror. HAHAHAHA. "Kasi hindi naman talaga." Dugtong niya at saka humagalpak ng tawa dahilan para napanguso naman ako.
"Ang sama mo." Tumahan naman siya pero natatawa pa rin paminsan-minsan.
"Joke lang, Tears. Maganda ka kaya, mukhang si Dora." Dora? Dora talaga?
"Ang haba na pala ng buhok ni Dora." Saad ko at inirapan siya."Dora the dog ka kasi. Bagong-bago 'yon." Humalakhak na naman siya. Para siyang dwarf na masaya.
"Abuso ka na ah." Nakangusong singhal ko sa kaniya pero tinawanan lang ako ng baliw. Pinabayaan ko lang naman siyang magsaya. Nababaliw na ata ang batang 'to. "Happy?" Tanong ko.
"Toothpaste o Mani?" Napa-face palm na lang ako at pinigilan ang sarili na matawa rin.
"Share." Seryusong saad ko para sana patigilin na siya pero ang kulit talaga.
"Share my handsome face, delete your pangit face." Waaaah! Tabang. Pinapatay na ako ni Trunxx!
"Ang sama mo sa akin ah! Doon ka matutulog sa labas." Sabi ko at nakaturo na sa labas pero tinawanan niya lang ako.
"Nakakatawa ka talaga, Ate. Ang epic ng mukha mo." Kunin ko kaya mga ngipin nito. Tingnan natin kung makatawa pa siya.
"Maganda pa rin kaya ako kahit epic ang mukha ko." Saad ko pa.
"Thanks. Dahil sa'yo ay nakakatawa na ulit ako." Napangiwi naman ako.
"Bakit dahil sa akin? Hawak ko ba 'yang bibig mo. Tsaka ano ako, joker?" Tinawanan niya lang naman ulit ako.
"Hindi kasi 'yon, Ate. I mean...dahil sa'yo natuto na ulit akong maging masaya." Nagtaka naman ako sa sinabi niya.
"Hindi naman kita tinuruan ah?"
BINABASA MO ANG
UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...
Fiksi RemajaTears Meyreal Santiago, a girl who is hiding her true self. Ang babaeng masyadong maraming sekreto. Ang babaeng parang isang malaking misteryo. Isang babaeng hindi mo pwedeng apihin dahil ikaw lang din ang masasaktan sa huli. A girl who is bored in...