renzo's POVSobrang dilim na ng paligid at tanging street lights nalang ang nagpapaliwanag rito. Makikita ko ding nakasunod na saakin ang iba naming mga kaibigan.
Mas binilisan kopa ang pagpapatakbo dahil wala naman ng masyadong sasakyang dumadaan.
Hindi ko alam pero hindi nawawala ang takot sa puso ko mula nung mabasag ko ang frame.
Nangangatal at hindi na ako mapakali, gusto ko ng makita ang Sunset ko.
Nasa isang daan na ako at nasa gilid lang nito ay isang bangin. Patuloy lang ako sa pagmamaneho pero medyo binagalan ko na ng unti ang pagpapatakbo.
Medyo mahaba-habang daan ito at may mga pakurba-kurba kaya kailangan mong mag-ingat baka biglang may sumulpot sa harapan mo na mga malalaking sasakyan.
Nasa kalagitnaan na ako ng daan ng biglang akong may nakitang pamilyar na kotse. Linamon ako ng takot ng makitang nasa gilid na ito ng bangin at pilit silang dinubundol ng karo ng patay.
Binilisan ko ang pagmamaneho ko papunta roon pero hindi ako makalapit dahil binabaril ako ng mga tao.
"𝗪𝗶𝗳𝗲!!!!"sigaw ko mula sa malayo. Tumutulo na yung luha ko at hindi kona alam pero parang iba ang pakiramdam ko.
Isang malakas na pagsalpok ang narinig ko kaya mapatigil ako sa pagmamaneho. Napatulala nalang ako habang tumutulo ang luha ko sa komusiyon sa harap ko. Parang bumagal ang lahat ng makita ko ko kung paano igitgit ng isang karo ang kotse ni Wifey pero nahulog ang karo dahil nakaliko ang kotse ni Wifey pero hindi niya nakita ang isa pang karo kaya nabundol siya nito.
"𝗛𝘂𝘄𝗮𝗴𝗴𝗴!"sigaw ko pero kasabay nun ay nahulog ng magkasabay ay karo at kotse ng babaeng mahal ko. Hindi na ako matigil sa pag-iyak. Itinigil ko agad ang kotse ko sa harap ng bangin at kitang kita ko kung paano sumabog ang kotse niya. Parang sinasakal ang puso ko habang tinitingnan ang pagsabog. "𝗪𝗶𝗳𝗲𝗲𝗲𝗲𝗲!" sigaw ko pero wala akong nakuhang sagot kundi ang mga pagsabog ng kotse niya. Hindi na natigil ang pag-iyak ko. "𝗪𝗶𝗳𝗲𝗲𝗲𝗲!"sigaw ko at nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa luha ko na hindi na matigil at namamaos na ako pero hindi ako natigil sa pagsigaw.
"𝗪𝗶𝗳𝗲𝗲𝗲𝗲𝗲!"sigaw ko habang nililibot ng tingin sa harapan ko at nagbabasakaling hindi siya nasama sa pagsabog pero ang tanging nakikita ko ay nagraragasang tubig. May mga kamay na pumipigil at inilalayo ako sa gilid ng bangin pero nagpupumiglas ako. "𝗕𝗶𝘁𝗮𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗶𝘆𝗼 𝗮𝗸𝗼! 𝗛𝗮𝗵𝗮𝗻𝗮𝗽𝗶𝗻 𝗸𝗼𝗽𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗵𝗮𝗹 𝗸𝗼. 𝗔𝗻𝗱𝘂𝗻 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗶𝘆𝗮 𝘀𝗮 𝘁𝘂𝗯𝗶𝗴. 𝗕𝗶𝘁𝗮𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗶𝘆𝗼 𝗮𝗸𝗼!"
"𝗕𝗮𝗸𝗮 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗴𝗹𝗮𝗴 𝗸𝗮 𝗱𝘂𝗻 𝗥𝗲𝗻𝘇!." Suway ni Philip saakin pero hindi ako tumigil.
Hindi. Isa lang tong panaginip. Gisingin niyo na ako, gusto ko ng magising. Napakapangit ng panaginip na to. Gusto ko ng mayakap ang mahal ko.
"𝗡𝗮-𝗻𝗮𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗻𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗮𝗻𝗼 𝘀𝘂𝗺𝗮𝗯𝗼𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗼𝘁𝘀𝗲."sigaw niya saakin tsaka sinuntok ako kaya napaupo ako sa sahig.
Sinuntok ko ng sinuntok ang sarili ko at nagbabasakaling magising ako. Hindi kona mapigilan ang pag-agos ng luha ko.
"𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗻𝗴𝘂𝗻𝗴𝗼𝘁 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗼 𝗱𝗶𝗯𝗮? 𝗚𝗶𝘀𝗶𝗻𝗴𝗶𝗻 𝗻𝗶𝘆𝗼 𝗮𝗸𝗼, 𝗴𝘂𝘀𝘁𝗼 𝗸𝗼 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹 𝗸𝗼. 𝗚𝘂𝘀𝘁𝗼 𝗸𝗼 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮 𝘀𝗶 𝗦𝘂𝗻𝘀𝗲𝘁 𝗼𝗵. 𝗚𝗶𝘀𝗶𝗻𝗴𝗶𝗻 𝗻𝗶𝘆𝗼 𝗻𝗮 𝗮𝗸𝗼 𝗺𝗮𝗮𝘄𝗮 𝗸𝗮𝘆𝗼." Sigaw ko pero tahimik lang silang lahat at tanging naririnig ko ay ang serina ng pulis.
BINABASA MO ANG
UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...
Novela JuvenilTears Meyreal Santiago, a girl who is hiding her true self. Ang babaeng masyadong maraming sekreto. Ang babaeng parang isang malaking misteryo. Isang babaeng hindi mo pwedeng apihin dahil ikaw lang din ang masasaktan sa huli. A girl who is bored in...