49

24 3 0
                                    

Luha's POV

It's been a week since nagsimulang sumama si Mintchie sa amin. Ako ang nagsabi sa kaniya na sumama dahil parati na lang itong inaaway ng ibang estudyante kapag nag-iisa. She's so weak and fragile.

"Eat some, wife." Tinunghayan ako ng katabi ng biscuit na kinain ko naman kaagad.

"Thanks, hubby."

We're already getting comfortable with the callsigns. Sa totoo ay parang wala lang din sa amin iyon.

"You should also eat some, sweety. Pumapayat ka na."

"At kailan pa ako tumaba. I'm fine, sweety.  Don't worry about me."

Donnix and Trivon ay also comfortable with it. They're calling each other like that with no awkwardness.

"Ang sweet niyo naman po." Natutuwang saad ni Mint habang nakatingin sa amin.

Nagkatinginan naman kami at nagkibit-balikat.

"Pero bakit po si Ate Seven walang pares?" Inosenteng tanong ni Mint at doon ako natawa.

"Naiwan sa bahay ang pares niya, Mint. Kaya ayan at bad mood."

"Even he's here my mood will stay the same." Seven answered like she was bored.

"Isang linggo na lang pala at magsisimula na ang Sportfest natin." Si Trivon ang nag-open ng topic.

"Limang school daw ang dadalo kasama na doon ang school natin." Saad ni Trunxx.

"At lahat ng mga school ay mga kilala talaga." Saad din ni Mint. "Magagaling din daw ang mga players this year."

"Anong sasalihan niyong sports, sweety?" Tanong ni Trivon sa katabi.

"Swimming. Magkasama kami ni Sev."

"Kailan daw ba ang pilian ng sports and clubs?" Tanong ni trunxx habang kumakain.

"Bukas na." Ako ang sumagot.

Natapos na ang recess at balak na sana naming bumalik sa classroom ng bigla na lang tumunog ang speaker.

"Calling the attention of Ms. Santiago, Mr. Sixvy, Mr. Ortega, Mr. Aragon, and Ms. Corpuz. Kindly go to the Dean's office now."

Tss. Ang tagal ng nangyari ngayon lang nagsumbong. Mas delay pa 'to kesa sa WiFi ng school, eh.

"Tara na nga. Sayang sa oras, eh." Nauna na akong maglakad at ramdam ko naman na nakasunod sa akin ang mga kasama. Malayo ang Dean's mula sa cafeteria dahil nasa pangalawang building pa iyon.

"Bakit kayo sumama?" Tanong ko sa dalawa na sumabay sa akin.

"Magkakape." Simpleng sagot ng mga ito.

Ginawang coffee shop ang Dean's office. Tindi din ng dalawang 'to, eh.

Makaraan ang ilang sandali ay nakarating na rin kami. Hindi na ako kumatok. Binuksan ko ang pinto at agad na pumasok.

"What is it, Dean?" Tanong ko.

Tumungo muna ito sa amin bago kami esenenyas sa sofa sa kabilang room kung nasaan may dalawang tao na nakatalikod. At parehong pamilyar sa akin.

Dahil glass lang naman ang pagitan ng dalawang kuwarto ay kita kung sino ang tao sa parehong kuwarto.

"They're here to talk about your fight with one of the students." Imporma ng dean.

"I guess so. Take care of the others. Don't let them enter." Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at pumunta na sa sofa. At tama nga ang hinala ko. It's the one and only. Milky.  Ang pambansang panis na gatas.

UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon