Trivon's POV
"Hey little sis!"
Narinig kung sigaw ng isang babaeng kakapasok lang sa pintuan dahilan para mapunta naman doon ang tingin namin.
"Oh, bakit ka nandito? Akala ko nasa Singapore ka ngayon?" Tanong ni Tears.
"Mamayana nga 'yung flight ko eh. Andito ako dabil kukunin ko 'yung mga papeles at dederetso na ako sa Airport." Sagot ng babaeng maganda na nasa bente singko na ata ang edad pero bata pa ang mukha.
"Ganun ba? Sige, ingat ka dun baka hindi ka na makauwing humihinga." Saad ni Tears kaya napailing na lang ako. "Aw! Ate naman eh! Ang sakit, ah." Binatukan siya ng babae.
"Tarantado ka talaga---oh, kaibigan ba kayo ni Tears?" Bigla kami nitong napansin at tinanong habang nakangiti.
"Oo, mga kaibigan ko 'yan, D." Si Tears ang sumagot.
"Hi, I'm Devi." Magiliw na bati nito sabay lahad ng kamay at agad din naman naming tinanggap.
"Hi." Sabay naman na bati naming tatlo.
"Mabuti naman at nakahanap ka na ng kaibigan maliban doon sa dalawa, Sunny." Natatawang sabi ng babae. "By the way, you don't have to pay bills. Sagot ko na iyon dahil kaibigan pala kayo ni Sunny." Saad nito kaya nagkatinginan naman kaming tatlo saka umiling.
"H-Huwag na ho. Nakakahiya." Saad ko pero ngumiti lang ito.
"No. Don't worry, ako ang may-ari ng lugar na ito kaya wala lang iyon sa akin. Ang kaibigan ni Sunny ay kaibigan ko na rin." Saad nito kaya wala na kaming nagawa.
Sunny? Si Tears ba ang tinatawag niyang gano'n?
Sunny...
"Thank you, Miss. Devi." Pagpapasalamat na lang namin habang nahihiyang ngumiti.
"You're welcome. Oh, I really have to go. Baka malate ako sa flight ko mamaya. Till next time we meet, boys. Luha alis na ako. Huwag pasaway." Tuluyan na ngang umalis si Miss Devi. Halatang nagmamadali siya.
"Alis na rin tayo. 2 pm na mamaya." Aya ko sa kanila matapos tingnan ang oras sa relo. Lumabas na kami at kagaya kanina ay kay Trunxx pa rin sumakay si Tears
____________________________
Luha's POV
Nang makarating na kami sa school ay silang pumunta sa gym dahil doon daw ipapaliwanag ang mga rules at kung paano ka pipili ng group at sport keneme keneme nila.
At dahil sobrang bait ko, hindi ako pumunta doon. Hindi ako sumunod kanina kila Truxx. Pumunta muna ako dito sa room na bakante T honfi ginagamit. Pagpasok ko ay tyempong kakarating lang din nina Donnix at Sevenray.
"Ngayon lang ulit kayo pumasok?" Tanong ko sa kanila. Mga dalawang araw na kasi silang absent. Kaya wala akong kasama kung hindi iyong mga lalaki.
"Yeah, ngayon lang natapos yung mission ko." Sagot ni Seven.
"Same here." Saad naman ni Donnix.
"Mabuti naman at pumasok na kayo. May kasama na ulit ako. Miss ko pa naman kayo." Nakangising saad ko.
"Pakyu ka." Singhal ng dalawa.
"High blood talaga kayong dalawa." Natatawang sabi ko.
"Ayos na ba ang sugat mo? Hindi na bumuka?" Tanong ni Donnix.
"Yeah, ayos na. Hindi na bumuka dahil natahi naman. Hindi din sumasakit, wala akong nararamdaman. May nasuntok na nga 'to kanina eh." Pinaingay ko ang leeg ko saka tumingin kay Donnix na halatang hindi nagustuhan ang huling sinabi ko.
"Kapag 'yan bumuka..."
"Tss. Kunting sugat lang naman 'to. Hindi ako mamamatay sa ganito kaliit na sugat."
"You want candy?" Kinuha ni Donnix ang isang kaha ng sigarilyo at kumuha ng isa at inilahad sa akin.
"Ikaw lang 'yong ginagawang candy ang sigarilyo, gago." Natatawang saad ko at kumuha rin ng isang stick kay Donnix.
"Alam niyo bang madali kayong mamamatay dahil dito." Sabi naman ni Seven at kumuha rin ng isang stick. Oh diba, nangaral pero gusto rin naman.
"Parang may pakialam naman talaga ako. Hindi ako natatakot mamatay." Sinindihan na ni Donnix iyong kaniya at sinimulang humihit. "Oh, lighter." Abot nito sa akin kaya agad ko namang sinindihan ang hawak ko at saka humithit at ibinuga ang usok. Inabot ko rin kay Seven ang lighter para masindihan din nito ang kaniya.
"The best stress reliever." Tumango naman ako sa sinabi ni Donnix saka humithit pa at pinalabas sa ilong ang usok.
"I agree." Sang-ayon ko.
"Me too." Segunda ni Seven.
Yes, we smoke. Matagal-tagal na rin mga one minute. Choss. Nagsimula ata mula noong namatay yung Tatay ni Seven. Dahil sanggang dikit kaming tatlo ay ang bisyo ng isa ay naging bisyo na ng lahat. Iyon din ang oras na nagbago si Sevwn. Simula ng namatay kasi ang daddy niya ay naging cold na siya. Pero syempre sa iba lang, pero minsan hindi rin maiiwasan na madamay kami.
"May bago ka na pa lang kaibigan, huh?" Matapis ang mahabang katahimikan ay biglang nagtanong si Donnix.
"Pero alam mo naman ang posibilidad, diba? Pagnalaman na nila ang totoo..." Tanong din sa akin ni Seven habang sinisindihan ang panibagong stick.
"Yeah, I know. Pero doon ko nga masusukat ang tiwala at pagkatao nila, diba? Pag-umalis sila edi ihahatid ko. Kapag ayaw nila sa akin edi bahala na sila."
"We'll see then." Sabay hagis ni Donnix ng una niyang stick na ubos na at kumuha sa kaha ng panibago.
"Yeah." Kumuha rin ako ng panibagong stick at sinindihan iyon.
Matapos ang ilang sandali ay tumayo na ako saka nagpagpag ng damit. "Una na ako." Saad ko.
"Sabay na tayo. Pupunta ka sa gym, right?" Tanong ni Donnix kaya tumango naman ako.
"Geh, tara na." Aya ko sa kanila at nagsimula ng maglakad at binuksan ang pinto.
Habang naglalakad kami papuntang gym ay wala na akong nakikitang estudyante maliban sa iba na bumibili at mya officers na nagbabantay. Dahil medyo malayo ang gum dito sa pinanggalingan namin ay napilitan na lang kaming doon dumaan sa may mini gate.
"Saan kayo galing?" Striktang tanong ng babaeng nagbabantay.
"Tabi." Seryusong saad ko habang nakapamulsang nakatingin sa kaniya.
"Aba't wala kang galang---"
"Sabi ko, tabi." Ulit ko at sinipa ang gate dahilan oara bumukas ito. "Huwag kang humarang sa dadaanan ko, babae. Baka masaktan ka lang." Saad ko at nagpatuloy sa paglalakad.
"She's a transferee in our section. She doesn't know anything about us." Saad ni Donnix.
"I don't care. She's pissing me off." Bored na saad ko.
_____________________________
Trunxx's POV
Kanina pa nag-umpisa yung program pero hindi pa rin dumadating si Ate Luha. Saan naman kaya pumunta ang babaeng 'yon. Haysst bahala siya diyan.
Ilang minuto pa ang lumipas natahimik ata yung gymnasium kaya tiningnan ko kung sino ang dumating at sina...
Tears, Donnix at Seven pala. Nasa kanilang tatlo ang atensiyon ng lahat na nandito pati na ang nagsasalita sa stage.
Pero ilang minuto pa ay nakarating na sikang tatlo dito sa gawi namin. Nagpatuloy lang sa pagsasalita ang MC na nasa stage tungkol sa Interhigh na sa susunod namga buwan na gaganapin.
BINABASA MO ANG
UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...
أدب المراهقينTears Meyreal Santiago, a girl who is hiding her true self. Ang babaeng masyadong maraming sekreto. Ang babaeng parang isang malaking misteryo. Isang babaeng hindi mo pwedeng apihin dahil ikaw lang din ang masasaktan sa huli. A girl who is bored in...