Luha's POV
Hay... Naalala ko na naman si Mommy at ang Bunso kung kapatid na hindi kona matandaan---nakilala ko lang sila dahil palagi silang kinukwento ni Daddy. At kung paano sila nawala...
Akala ko ako na ang pinakamalungkot na tao pero mali ata ako. Madaming maungkot na tao sa mundo pero tinatago lang nila iyon. Tsk! Kung pwede lang ibalik ang dati.
Bigla naman akong hinila ni Renzo papunta sa kung saan at nagpatianod lang naman ako. Napatigil ako sa pag-iisip ng punasan niya ang pisngi ko."Anong---"
"Umiiyak ka."pinunasan naman ulit nito ang luha ko.
Shit! Parang winawarak ang puso ko ngayon. Tuweng naaalala ko ang mga kwento ni Daddy tungkol sa Mommy at kapatid ko.
Ang sakit lang dahil hindi ko sila maalala. Bakit hindi?
Sa pictures at kwento ko lang nakilala ang mga taong 'yon. Bakit gano'n?
Nanigas ako ng bigla na lang akong yinakap ni Renzo. Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo at nagslow motion ang lahat.
"Iiyak mo lang 'yan. Andito lang ako." Bigla na lang naman tumulo ang mga luha ko. Ewan ko pero parang may sariling isip ang kamay ko para yumakap din kay Renzo. Pero parang ang gaan ng pakiramdam ko sa kaniya na hindi ko maipaliwag.
____________________________
Trunxx's POV
Nakita kung bumalik na sina Tears at Renzo at namumula ang mata ni Tears. Umiyak ba siya?
"Saan kayo pumunta?"
"Ah... Diyan lang." Sagot naman ni Luha saka kumain.
"Saang diyan ba?" Pangungulit ko pa.
"Diyan lang. Nagpahangin hehe." Nagpahangin?
"Saan naman kayo nagpahangin?"
"Diyan lang."
"Saan nga?"
"Ang kulit naman. Sinabing diyan lang--doon sa may likod."
"Ano namang nangyari?" Tanong ko pa ulit.
"Dapat ba may mangyari talaga?"inosenteng tanong naman ni Luha.
"Malay ko ba kung may nangyari nga."
"Oo, may nangyari." Seryusong sagot nito dahilan para kabahan naman ako.
"A-Ano naman ang nangyari?"
"Nag-usap kami."
"Eh? Ano naman ang pinag-usapan niyo ni Renzo?"
"Wala naman masyado." Sagot na naman nito at nagkibit-balikat. Napakamot na lang ako ng ulo.
"Ang gulo-gulo mong kausap, Luha." Sumasakit ang ulo sa kaniya.
"Pangit na nga tapos magulo pang kausap." Tatawa tawa namang saad ni Renzo.
"Ikaw! Kitang Gray Hair, ang sama-sama mo sa akin!" Tinawanan lang naman siya ni Ren ulit.
"Hm?"nanunuksong ungot naman ni Renzo
"Sana multuhin ka ni Madam Auring!" Nakakatawa talaga si Ate Luha. Bumubulong pa ito na parang baliw habang kumakain.
Dahil kay Ate ay nakakatawa na ulit ako kagaya noon. Dahil sa kaniya ay sumigla na ulit yung buhay ko.
Sana hindi na siya umalis at iwan ako kagaya ng ginawa ni Mommy. Sana hindi niya ako iwan.
____________________________
Third person's POV
Habang masayang nagtatawanan ang magbabarkada ay hindi nila alam na may nakamasid na pala sa kanila. Lihim niya na kinamumuhian ang babae dahil lang sa mahal niya ang lalaking kasama ng babae ngayon.
Napumo ng galit at inggit ang puso ng dalaga kaya nakalimutan niya ang nagawa ng babaeng iyon sa kaniya. Ang tanging iniisip niya lang ay kung paano makukuha ang loob ng lalaki.
Habang tumatagal ay mas lalong lumalalim ang inggit niya sa babae at 'yon ang naging dahilan para lihim niyang kamuhian ang babae na wala namang ginagawang masama sa kaniya.
At dahil hindi niya na matiis na tingnan na masaya ang lalaki sa piling ng babae ay mas pinili niya na lang na iwan ang mga ito at magplano kung ano ang gagawin niya para makuha ang lalaki...
Kapag nagsimula ng mabuo ang galit sa loob mo ay nag-iiba na ang pag-iisip mo. Gusto mo na lang gawin ang masasamang bagay na pumapasok sa isipan mo.
Pero paano kaya kung maisipan nitong saktan ang taong malapit sa babae. Para mas lalo itong magdusa. Para magdusa rin ito kapag nakitang nagdudusa ang taong mahalaga sa kaniya.
Kahit ano ay gagawin niya. Kahit pa may masaktan siya ay wala na siyang pakialam. Kahit pa madamay ang taong walang kasalanan. Kaya ba talagang manakit ng isang tao para lang sa pag-ibig? Kaya ka ba talagang baguhin ng pagmamahal?
Saan aabot ang inggit nito? Saan siya dadalhin ng inggit na namumuo sa pagkatao nito? Anong gagawin niya kapag nabuhay na Ang inggit sa puso niya at may masaktan na siyang ibang tao? Mandadamay ng inosente at nagkukunwaring Santo.
Anong mangyayari kapag nagsimula ng magpakita ang demonyo? Ang demonyo sa katawan ng anghel. Ang demonyong manghuhusga sa mga nagkakasala...
![](https://img.wattpad.com/cover/249078295-288-k441234.jpg)
BINABASA MO ANG
UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...
Teen FictionTears Meyreal Santiago, a girl who is hiding her true self. Ang babaeng masyadong maraming sekreto. Ang babaeng parang isang malaking misteryo. Isang babaeng hindi mo pwedeng apihin dahil ikaw lang din ang masasaktan sa huli. A girl who is bored in...