Trivon's POV
Nagdidiscuss si Miss ngayon sa science at lahat naman kami ay tutok na tutok sa board at pakikinig sa kaniya pero bigla na lang kaming nagulat ng biglang may tumayo at ng tingnan kung sino ay agad kung nakita si Tears. Tears?
"Lumabas siya eh wala pang time for recess, ah?" Tanong ko sa sarili. Tsaka diba locked 'yung pinto? Eh bajit niya nabuksan?
"Sorry for Miss. Santiago. Nagutom siguro kaya lumabas." Nakangiting saad ni Miss ng makitang nagulat ako. Tumango na lang ako at siya naman ay tinuloy na ang pagdidiscuss at 'yung mga classmates naman namin ay parang wala lang. Baka walang strict rules dito kaya ganun?
Pft. Baka gawa-gawa lang nina Daddy ang sinabi mila na strict ang achool na 'to.
"Now, " Natinag naman ako sa pag-iisip ng marinig ang boses ni Miss. "I will ask some questions and by pair ang dapat na sumagot kaya maghanap na kayo ng partner niyo." Sabi ni Miss kaya ang mga classmates naman namin ay nagsilipatan ng upuan para makapag-usap sila ng mga kapareha nila. Balak ko na rin sanang humarap kay Renzo ng biglang....
"Pares tayo?" Tanong sa akin ni Trunxx habang nakangiti na parang bata. Pero paano si Renzo?
"Si Renzo---"
"I'm good." Putol ni Renzo sa sasabihin ko.
"Sabi ni Miss ay by pair, eh tamang-tama namang fifty tayo dito sa room, ah? Ay! Wala na pala si Tears." So bali forty-nine na lang kami ngayon dahil nga wala na si Tears.
"I can handle myself, Triv." Makahulugang saad ni Renzo kaya bumuntong-hininga na lang ako saka tumangi.
"Okay."
_____________________________________
Luha's POV
Tapos na akong bumili sa cafeteria kaya bumalik na lang ako sa roo. Kasj wala pa naman sina Seven doon sa cafeteria. At ng pabalik na sana ako sa room ay mau nadaanan akong parang nag-aaway sa gym. Dahil hindi namana ko tsismosa, pimunta na agad ako doon at may nagsasabunutan, awiiits. Charottts, hindi ko alam ang nagaganap eh ang dami kasing tao na nakaharang.
Hmm. Makatingin nga sandali...
"Awatin niyo sila."
"Oh tulungan niyo si Blythe!"
"Kawawa siya, oy!"
"Porket nerd ay ginaganiyan na nila."
"Kawawa naman."
"Mga bitch!"
Samo't-saring naririnig ko mula sa paligid ko. Ako naman ay nagpatuloy lang sa pagkain ng burger ko.
Nakakain na ako kanina sa cafeteria pero bitin eh kaya nagdala ako hehe.
Dahil narindi na ako sa pakikinig sa kanila ay naisipan ko ng pumunta sa gitna para makita kung ano ba talaga ang nangyayari at ng makapasok sa kumpol ng mga estudyante ay nakita ko kung ano ang ginagawa nila. Sinabuyan ba naman nila ng bulate ang damit ng nerd at 'yung eye glasses ng Blythe ay inapakan pa nila at hindu pa sila naawa kahit puno na ng sugat ang tuhod nito.
"Nakakawalang gana naman." Biglang saad ko at itinapon sa basurahan ang hamburger na kinakain.
Natahimik naman ang paligid pero hindi ko na muna sila pinansin at mas itinuon ang atensiyon ko sa Moo na hawak. Nang matusok na iyon ay simipsip pa muna bago tumingin sa kanila. "Anong nangyayari dito?"
"Andiyan na siga..."
"Umalis na tayo!"
"Baka madamay pa tayo."
"Lagot talaga sila..."
"Bahala sila diyan, inosente ako."
"Ang babaeng 'yan kasi! Ang lampa-lampa! Tinapunan ba naman ako ng chocolate syrup! Hindi niya ba alam kung magkano ang outfit ko ngayon?! Arghhhh!" Nanggagalaiting sumbong ng maarteng babae na wala namang ipagnamalaki. Sadyang nagmamayabang lang.
Tiningnan ko naman siya mula ulo hanggang paa saka napatango-tango.
"Hin---"
"Manahimik ka!" Putol niya sa sasabihin ni Blythe.
"Expell o Baril? Mamili kayo." Bored na saad ko saka tumayo.
Lahat naman sila ay natigilan dahil sa sinabi ko at ang iba ay nanginginig pa.
"P-P-Pero w-wala kaming kasalanan! A-Ang babaeng lampa na 'yan ang may k-kasalanan ng lahat!" Nauutal na sigaw pa nito habang nakaturo sa nerd na babae na nasa sahig pa rin.
"Kilala mo'ko, diba?" Tanong ko sa babaeng maarte na may chocolate syrup ang damit. At pumunta sa harap nito. Nakita ko kung paano naman ito mapalunok.
"O-Oo n-naman. L-Lahat a-ay k-kilala k-ka." Utal-utal na sagot nito habang nakayuko.
"Anong pinakaayaw ko?"
"S-S-Sinungaling..." Sunod-sunod ang paglunok pa ang ginawa nito matapoa sabihin iyo.
"Pumunta kayong lahat sa Stave. Walang aalis doon. Pupunta ako sa Cctv Room at kapag nalaman ko kung sino ang may tunay na may sala----" Tumigil muna ako sa pagsasalita saka tiningnan sila ng seryuso. "Alam niyo na ang magiging parusa."
"A-Ang babaeng 'yan ang nay kasalanan! Kita mo naman ang d-damit ko oh!"
"Pumunta na kayo sa stage. Kapag dumating na ako doon na wala pa kayo, mas lalo lang lalala ang parusa sa inyo. I'll be back at a moment." Naglakad naman ako paalis pero bago iyon ay bumaba pa muna ang tingin ko kay Blythe na ngayon ay nakatingin na din sa akin habang umiiyak at pilit na ngumingiti sa akin. Tinitigan ko lang ito saka tumalikod at umalis doon.
Ang boringggg.
Sinaktan na't lahat-lahat pero hindi man lang lumaban o ipinagtanggol ang sarili niya. Tsk! Kapag ganun ka ng ganun ay para ka ring namatay ng walang ginagawa.
BINABASA MO ANG
UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...
Teen FictionTears Meyreal Santiago, a girl who is hiding her true self. Ang babaeng masyadong maraming sekreto. Ang babaeng parang isang malaking misteryo. Isang babaeng hindi mo pwedeng apihin dahil ikaw lang din ang masasaktan sa huli. A girl who is bored in...
![UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...](https://img.wattpad.com/cover/249078295-64-k441234.jpg)