42

23 4 0
                                    

Luha's POV

Ang mga mokong pinaghinalaan kaagad ako. Gano'n na ba ako kahalata? Pft. Pero in the end eh wala naman silang pruweba na ako nga si Tears. Na si SD at Tears ay iisa lang.

"Scared? Don't be. I don't have any plans to hurt a kid." Saad ko habang nakatingin ng deritso sa mga mata niya na napapako na ngayon sa akin.

"A-Ate?" Tanong nito dahilan para mapangisi naman ako.

"Wala rito yung mo, bata. At mas lalong hindi ako ang kapatid mo." Saad ko at nakita ko naman kung paano itong napababa ng tingin. "Baka nandoon siya sa ibang kuwarto at nakikipaglaro ng bahay-bahayan sa mga---"

"Hindi ganoong tao ang kapatid ko." Galit na saad nito at binigyan ako ng isang matalim na tingin.

Sa akin talaga nagmana ang batang 'to, walang duda. Tingin pa lang ay kakabahan ka na. Kung ibang tao siguro ang kaharap niya ngayon ay baka tumakbo na ito sa takot. Mabuti at ako lang ang kaharap niya.

"Hindi ba talaga ikaw 'yan, Tears?" Tanong nito habang nakatingin pa rin sa mga mata ko.

"Tears ba ang pangalan ko?" Tanong ko pabalik sa kaniya habang nakatingin din ng deritso sa mga mata niya.

Alam ko na nagdududa na rin si na Trivon at Renzo sa akin. Bakas iyon sa ekspresiyon at mga mata nila. Para bang pinag-iisipan ng mga ito kung ako ba talaga ang Tears na tinutukoy nila.

Bahala silang alamin iyon. Sa ngayon ay wala akong sasabihin sa kanila. Magduda sila ng magduda. Iyon nga ang gusto kung mangyari, eh.

"Panoorin mo na lang ang kasama mo na lumalaban ngayon, bata." Saad ko at tumingin sa ring at doon na itinuon ang atensiyon. Si Renzo ang lumalaban.

Maganda ang naging laban kanina ni Trivon. Magaling si Trivon sa pakikipaglaban. Malinis ang bawat galaw niya at marunong na basahin ang galaw ng kalaban. Nakakahanga rin ang bilis ng mga galaw niya at tila matagal din itong mapagod. Malakas ang resistinsya. Ibang-iba si Trivon na pinapanood ko ngayon kesa sa Trivon na nakakasama ko sa school. Dito ay nagiging mabangis at delikadong tigre ito habang sa school ay isa siyang anghel na hahangaan mo dahil sa kabaitan niya. Maamomg-maamo ito sa school at puwede ng bigyan ng award para sa best student of the year.

Habang si Renzo naman na siyang lumalaban ngayon ay nasa ibang antas ang husay. Mas mahusay kesa sa dalawa nitong kaibigan. Si Camiro ay isang magaling na kalaban pero nakayanan niyang saktan ng malubha ito. At nanalo pa siya sa laban nilang dalawa. May kaunting galos ito na malayong-malayo sa natamong pinsala ng kalaban niya na halos hindi na makilala ngayon.

Kasalukuyan itong papunta sa gawi namin ni Trunxx habang ang paningin ay napako lang sa akin. In love ata talaga 'to sa akin, eh. Haha ang assuming ko talaga, kingina. 

"Nice fight, Kryptonite." Nakangising saad ko nang tuluyan itong makalapit.

"T-Thanks...?"

"Ang gaganda ng laban ngayong gabi, hindi ba?" Malakas na sigaw ni Turbo dahilan para magsigawan din ang mga tao. "All the fights are intense and deadly. But how about are next match? Intense rin kaya 'to kagaya ng mga nauna..."

"Ah... M-Miss? I have a question." Sa mahabang panahon na pagtititigan ay tuluyan na rin itong nagsalita.

"What is it?" Tanong ko habang ang paningin ay nasa taas na ng ring ngayon.

"Are you... Ah, no. Is that you, Tears?" Sinasabi ko na nga ba at magtatanong din ito. Hindi ako nagkamali.

Pero wala akong plano na magpakilala ngayon. Wala ng thrill 'yon.

"My name is SD. Is SD sound Tears to you?" Tanong ko sa kaniya dahilan para agad naman itong bumuntong-hininga.

"I'm sorry. You just really resembles her in many things. I keep on seeing her on you. Nevermind. I'm sorry for asking that question."

UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon