14

36 3 0
                                    

Trunxx's POV






Dahil tapos na kaming sumagot ni Trivon sa questions ni Maam ay pwede na sana kaming lumabas pero pinili naming hintayin si Renzo at saka nakahanap na pala ng partner. Forty-eight na lang kasi kami na nasa room dahil wala rin raw si Ms. Fotacca.

Nang matapos ng sumagot si Renzo ay agad na kaming lumabas ng room matapos buksan iyon ni Miss. Pumunta na muna kami ng cr dahil naiihi na talaga ako kanina pa. Sumama din ang dalawa sa akin dahil maghuhugas daw sila ng kamay.  

"Bumalik na siya..."
    
"Grabi ang takot ko kanina."

"Kahit palagi kung napapanood 'yun hindi pa rin ako sanay. Nakakanindig balahibo pa rin."

"Sina Soffie kasi napakasama kaya ayon at ospital ang deritso."

"Bagay lang sa kanila iyon. Halos karamihan sa girla dito ay pinagtitripan nila."

"Nakakatakot talaga siya, no?"
  
Dahil hindi naman ako tsismoso...

"Miss, ano 'yung pinag-uusapan niyo?" Tanong ko sa isa sa kanila.
  
"May nagkagulo kasi kanina kaya may pinarusahan na naman. Kaya kayo, mag-iingat kayo lalo na't trasferee kayo mga pogi." Sabi nito at tuluyan na silang umalis

"Nagkagulo daw oh. Tara puntahan natin." Aya ko sa kanilang dalawa at tinanguan naman nila ako bilanh sagot.

Makaraan ang ilang sandali....

"Anong nangyari dito?!" Gulat na tanong ko habang pinapapawisan ng malubha habang nililibot ng tingin ang kabuuan ng gym.

"Shit!" Narinig ko pang bulong ng dalawa na nasa gilid ko. Siguro ay gulat rin sila sa nakikita.

"Dahil hindi naman namin alam kung anong nangyari, nagtanong na lang ako doon sa mga babaeng nagkulumpulan.

"Ahm--anong nangyari dito?" Tanong ko sa kanila.

"Bumalik na siya para manghusga." Lutang na sagt nila at umalis na din.

WTH?

Anong nangyayari dito? Weird lang! Parang balisa iyong mga tao na nandidito wh. Tsaka madaming dugo at bala na wala ng mga laman na nagkalat na dito sa sahig ng stage.

"Weird."

Bala? May nangyari bang sagupaan dito? May drug addict na dinakip at dinaan sa dahas ganun? O hindi kaya ay may gulo tapos nagbarilan?

Pero school 'to, diba?

______________________________________


Seven's POV

Hindi na ako nabigla kanina ng may marinig na putok ng baril. Ibigsabihin lang nun ay bumalik na naman ang topak niya. Panigurado bad mood 'yun. Pero bahala siya, nag-aaral pa ako. Pinagalita. Ako ni Daddy ng isang linggo dahil umuwi akong may pasa. Paano ba naman naglasing siya tapos sinama pa ako iyon tuloy ng lumabas sa bar may kasuntukan eh alangan namang tingnan ko lang, right? Kaya tumulong na ako pero mga trenta ata kalaban namin 'yun tuloy hindi ko maiwasang hindi magkapasa. Tsk!

I talk too much again.
     
Papunta na ako ngayon sa Cafeteria, alam ko nandoon na si Tears at Donnix. Nang makapasok na nga ako ng cafeteria nakita ko na nga silang kumakain with those transferees again.
 
"Hey." Bati sa akin ng mukhang bata pa na lalaki na katabi ni Tears. "Seven, right?' tumango lang naman ako at napansin niya ata na ayaw ki makipag-usap kaya ayon at ngumiti na lang siya saka kumain.

"You okay?" Pabulong na tanong ko kay Tears at tumango lang naman siya.

"Nagbalik na naman siya..."

"Oo, nakakatakot!"

"Kaya nga mag-iingat kayo baka hindi na kayo buong makauwi."
 
Naririnig ko na tsismisan ng mga tak sa cafeteria at alam kung naririnig niya din 'yun. Mabuti na lang at kaya niyang itago ang nararamdaman niya kaya hindi nahahalata ng mga kasama namin kung ano ang tunay niyang emosiyon. 

Kung wala lang ang mga kasama namin kanina pa may nangyaring gulo.

"Hey Luha, can I eat this one?" Tch! Kulit talaga ng isang 'to!

"Eat all you want Trunxx." Sabay ngiti pa ni Tears sa batang iyon.

"Thanks Ate."

"Sinong Ate?" Gulat na tanong ni Tears sa bata.

"You, I just want to call you Ate since mas matanda ka naman sa akin." Sagot naman ni Trunxx at nagsalpak na naman ng pagkain sa bibig.

Kita ko naman ang gulat sa mukha ni Tears pero agad rin iyong napalitan ng ngiti. "Call me Ate, then." Hindi kagaya kanina ng mga naun niyang ngiti ngayon alam kung masaya siya. Tears want to have a younger brother pero wala na eh, namatay na.

I want a sister or a brother too but I know that I can't.
 
Matatawag mo pa kayang Ate si Tears kapag nakilala mo na siya? Hindi siya kasing bait ng inaakala mo, Trunxx...h

______________________________________


Luha's POV

Nalimutan ko sandali ang mga gunugulo sa isip ko. God! I'm sorry hapoy right now dahil may tatawag na ulit sa aking Ate.

"Mukha naman talaga Ate eh." Sinong nagsabi nun? Papatayin ko---sa pagmamahal hehe si Renzo pala.

Meged keleg eke! Pero dapat attitude ako ngayon para kunwari galit. Wow! Lupet talaga ng trip ko eh no? HAHAHAHAHA.

"Ano sabi mo?" Tanong ko habang dinuduro siya ng tinidor.

"Sabi ko mukha kang Ate." Nakangising saad niya saka uminom ng juice niya.

Iinom ka ah?!

"Opss! Sorry HAHAHAHA." Humagalpak ako ng tawa habang nakaturo sa kaniya. Pumasok ata 'yung juice sa ilong niya HAHAHAHA. Kala mo ah!

"Ikawww! Tsk. Baliw!" Singhal niya pa sa akin habang pinupunasan ang mukha.

"Sayo." Bulong ko pero narinig ata niya dahil tiningnan ako nito ng matalim. "Sayo na itong hotdog? Huwag ka kasing advance diyan." HAHAHA nailusot pa 'yun, baby? HAHAHA.

Hindi ko namalayan nakatingin na pala sa amin ang lahat ng estudyante kaya nanahimik na ako. Tsk! Kasalanan talaga 'to ni Renzo huhuhu.

Inayos ko naman ang sarili saka humarap sa gawi ng ibang estudyante at tiningnan sila ng masama kaya ayon at bumalik agad sila sa kinakain nila. Ayon naman at napakadaling kausap eh, tingin pa lang alam na hehe. Pero napapansin ko ang tingin ni Seven at Donnix parang nanunudyo ang mga putek! Gusto ko silang yakapin sa leeg.

Mga baliw din ang mga pukingina eh.

UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon