32

30 2 0
                                    

Luha's POV

""Hinabol mo talaga kami? Sa susunod huwag mo ng gawin 'yon, okay? Huwag kang lalayo Kay Mommy dahil baka mawala ka sa malaking place na kagaya nito. At baka nadapa ka rin at magkasugat 'yang makinis mung skin. Sige ka. Gusto mo ba 'yon?"
     
"Hindi po." Umiiling na sagot naman ng bata kaya napangiti na lang ako at mahinang kinurot ang pisngi niya. "Sorry po, Ate. Gusto ko lang po talaga na picture tayong tatlo."

Picture?! Hindi ako pwede. Anong gagawin ko? Napatingin naman ulit ako sa bata pero nakatitig na ito sa akin at halatang excited na pumayag ako.

"Pwede bang si Kuya mo na lang ang kasama mo sa picture? Ako na lang magpi-picture sa inyo, baby." Presenta ko.  

"Pero gusto ko po kasama ka rin po, Ate." Sabi pa ng bata.

"Pagbigyan mo na, Ate. Minsan lang naman 'to eh." Sabi naman ni Trunxx kaya wala na akong nagawa pa. 
 
Bahala na.

"Sige. Nasaan na ba ang phone?"

"Ako na ang kukuha ng litrato." Presenta ng Nanay ng bata at kinuha sa anak ang cellphone.

Pumwesto naman ako sa gilid at ngumiti lang habang nakatingin sa camera.

Nang matapos na kaming kuhanan ay tumayo naman ako at binitbit na ang skateboard ko.

"Sana po maging katulad niyo po rin po kami ng magiging baby brother ko kapag lumaki na kami. Tsaka po sana magkaroon din ako ng buhok na katulad ng sa inyo, Ate. Ang ganda-ganda at ang haba-haba."

Ngumiti naman ako at pinisil pa ulit ang pisngi niya. "Maging mabait ka kay Mommy, okay? At alagaan mo ng mabuti ang magiging baby brother mo kapag lumabas na siya sa tama ni Mommy." Sabi ko pa at nginitian ito.
 
"Opo. Gagawin ko po 'yon."  Masiglang sagot naman ng bata.

Matapos ang pag-uusap ay nagpaalam na kami sa mag-ina at nagpatuloy na ulit sa paglalakad.
 
"Mamaya na tayo maghanap ng damit, Ate. Kain muna tayo." Aya ko kay Tears dahil ramdam ko ng nagugutom na ako.

"Sige. Hanap tayo ng pwedeng kainan." Saad ko at naghanap ng restaurant. May nakita naman akong Chinese restaurant na siyang pinakamalapit kung nasaan kami ngayon. "Dito na lang tayo, Trunxx. Nagugutom na rin ako eh." Tumango naman siya at sumunod na sa akin.

Pagpasok na pagpasok ay agad kaming sinalubong ng babaeng naka-costume pa na parang Chinese talaga. Binati pa kami nito. Sana all binabati.

Dumeritso naman kami sa isang table at naupo at ibinaba ang hawak na mga skateboard. "Would you like to order, Ma'am and Sir?" Nakangiting tanong ng babae.

"Yes, please." Sagot ko naman.

"What's your order, Ma'am and Sir?" Tanong nito at inihanda ang ballpen at papel para ilista ang order namin.
 
"A cup of rice and Kung Pao Chicken, please. And... don't put some peanut on it." Saad ko at hindi na tiningnan ang menu. Halos saulado ko na ang mga menu ng Chinese restaurants ng mga mall at kadalasan ay pareho lang ang mga nakalagay na mga dish pero magkaiba naman yung mga lasa. Kung meron mang pagkakaiba sa mga menu ay iyon kapag may bago silang putahe. Na kapag tumagal ay ginagawa lang din naman ng iba.

"How about you, Sir?" Tanong ng babae sa kapatid ko.

"A cup of rice and sinchuan pork and Chinese meat ball, please." Sagot naman ni Trunxx at ibinaba na ang menu.

"How about for the refreshments, Ma'am and Sir?"

"A bottle of fresh pineapple juice, for me." Sagot ko naman at itinali na ang buhok ko.

"Same on what she order." Sagot ni Trunxx.

Inulit naman muna ng babae ang mga inorder namin para makasigurado. Nang wala na kaming reklamo ay agad naman itong nagpaalam at umalis na.   
Naghintay naman kami ng ilang sandali pero hindi pa man dumadating ang pagkain ay biglang tumunog ang cellphone ko kaya tiningnan ko naman ang tumatawag at nakitang si Daddy pala. Senenyasan ko naman si Trunxx na sasagutin ko muna ang tawag ay tumango naman siya kaya lumabas na muna ako.
   
"Hm?" Pagsagot ko.

UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon