Luha's POV
Tatlong araw na ang lumipas at tatlong araw na rin na absent si Trunxx. Mabuti na rin 'yin para makapagpahinga siya sa mga pangungutya sa kaniya ng iba. Pero hindi raw dahil doon kaya umabsent si Trunxx. Sumakit daw ang tiyan niya at umabot sa puntong isinugod siya sa ospital ng martes at kahapon lang siya nakalabas. At ngayong araw na siya papasok. Dahil sa nangyari ng nakaraan ay mas pinili niya na lang na doon muna tumira kina Trivon dahil wala raw ang pamilya nito doon. At mas mabuti na rin na gano'n ang ginawa ni Trunxx dahil mas nakagalaw ako ng maayos.
Pina-imbestegahan ko si Trunxx at yung iba pa para makilala ko pa sila lalo. At dahil sa ginawa ko ay nasagot na rin ang mga katanungan ko.
Hindi ko inaakala na sa lahat ng tao ay siya pa ang makakagawa ng bagay na iyon.
Ngayong araw na gaganapin ang paghuhusga at gagawin iyon sa gym mamaya kapag dumating na ang mga nasangkot sa nasabing paglabag sa mga rules ng school. Ngayong wala pa ang mga ito ay ito at nakatambay pa rin ako dito sa Dean's Office.
"Kilala mo na ang taong totoong may sala, Sunny?" Tanong ni Ma'am Lina sa akin. Isa siya sa mga pinakamatandang teacher na nagtuturo dito sa school.
"Hm." Simpleng sagot ko lang naman habang nakapikit ang mga mata.
"So, ano ang iyong gagawin mamaya? Paparusahan mo ba sila kagaya ng ginawa sa mga naunang lumabag sa batas ng school?" Tanong niya kaya napangisi naman ako.
"Yeah. Ipapaintindi ko sa kaniya ang batas ng school na pinasok niya." Seryusong saad ko habang nakatingin lang sa kung saan.
"Huwag mong papatayin, maliwanag ba? Turuan mo lang ng leksiyon, Iha, maliwanag?" Pangaral niya sa akin habang may pag-aalala sa mga mata.
"Oo naman. Hanggang nandito sila sa loob ng school ay wala akong karapatan para kunin ang nag-iisang bagay na matatawag nilang kanila." At iyon ay ang buhay nila.
It's a rule... That I made.
"Mabuti naman kung ganoon." Nginitian pa ako ni Lina pero nagkibit-balikat lang naman ako.
"Dumating na sila, Miss." Anunsyo ng isang lalaking lecturer.
"Hm. Pupunta na ako." Saad ko at tuluyang tumayo at inayos pa muna sandali ang damit na suot bago tuluyang naglakad paalis.
Habang naglalakad ako sa hallway ay napapalingon sa akin ang mga estudyante na bakas sa mukha ang pagtataka lalo na sa mga transferee. Siguro nagtataka ang mga ito kung bakit kasama ko lahat ng mga guro at papunta kami ngayon sa gym. Nagtataka marahil sila kung bakit sa gym lahat pumupunta ang iba na nakasunod na sa amin.
Nang makapasok ako sa gym ay agad na natahimik ang buong paligid. Seryuso lang naman ako at nakapamulsang naglakad papunta sa taas ng stage at naupo sa isang upuan na siyang nakaharap sa napakalawak na gymnasium. Tumigil naman ang mga mata ko kina Trunxx na papalapit na sa baba ng stage, sa baba, sa mismong harapan ko. Ilang minuto ang nakalipas ay dumating na rin yung ninakawan daw kaya nagsalita na ang isang teacher. Para simulan ang ganap na ito.
"Magandang umaga sa lahat ng nandirito ngayon. Alam niyo na siguro kung anong meron ngayon pero sa mga bago na hindi pa nakakaalam--
sasabihin ko ulit. Ngayon gaganapin ang paghuhusga na tinatawag. Nagkakaroon ng paghuhusga kapag may estudyanteng lumabag sa batas ng school na ito. Kung binasa niyo ng mabuti ang rule book ng school ay malalaman niyo iyon bago pa man kayo makapasok sa school na ito." Pagpapaliwanag ng guro. Tanging boses lang nito ang naririnig kung ingay. Naging sobrang tahimik ng buong gymnasium bigla.Tss.
Tanga lang ang hindi binasa ang rule book bago pumayag na mag-aral sa school na 'to.
"At dahil sa nangyari noong Martes na hindi umano nagnakaw si Mr. Sixvy... ay ating kaklaruhin ngayon at papatawan ng isang parusa na hinding-hindi makakalimotan ang totoong may sala. Kapag nakita niyo na ngayon kung ano ang magiging parusa, nakakasigurado akong hindi na kayo uulit o gagaya pa sa mga naparusahan sa paghuhusga. Hindi niyo na iisipin pang gumawa ng masama sa loob ng school na ito. Dahil hindi kinukonsente ng school na ito ang masamang gawain." Tumigil muna sandali ang guro at napatingin sa akin. "Atin ng sisimulan ang paghuhusga. Si Ms. Santiago ang papataw ng parusa sa taong mapapatunayan na nagkasala at siya rin ang kaklaro sa mga bagay-bagay." Dagdag pa ng guro kaya tumayo na ako. Dahil doon ay lahat naman ng mata ay nasa akin na ngayon. Pero natuon lang ang seryuso kung tingin sa tatlo na ngayon ay bakas sa mukha ang kaguluhan, kalituhan at pagtataka.

BINABASA MO ANG
UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...
Ficção AdolescenteTears Meyreal Santiago, a girl who is hiding her true self. Ang babaeng masyadong maraming sekreto. Ang babaeng parang isang malaking misteryo. Isang babaeng hindi mo pwedeng apihin dahil ikaw lang din ang masasaktan sa huli. A girl who is bored in...