104

17 0 0
                                    

levis's POV



Nagising ako na parang may mabigat na nakadagan saakin at ng tingnan ko iyon si Trunxx lang pala. Nasanay na ang batang to na natutulog na nakadagan lagi. Hindi daw kasi siya makatulog ng maayos kapag sa kama ito. Umiinit daw ang likod niya.

Hinanap ko naman ang Cellphone ko at nasa bed side table lang pala. Tiningnan kona ang oras at alas singko na pala ng madaling araw.

Dahan dahan ko namang tinanggal ang kamay ni Trunxx sa braso ko. Inayos ko muna ang katawan nito bago siya kumutan at sinunod ko naman si Milady na nakafetus na naposisyon. Pagkatapos makitang maayos na silang dalawa ay naisipan ko ng bumaba.

Naglinis muna ako ng bahay. Tsaka tiningnan ang mga butas sa pader na tama ng bala. Nakita ko kahapon ang magkahalong takot at gulat sa mukha ng mga kaibigan namin. Hindi sila sanay sa mga ganoong pangyayari. At naiintindihan ko naman si Tears bakit ayaw niya sabihin, ayaw niya lang madamay ang mga kaibigan niya.

If ako ang nasa sitwasyon na iyon ganon lang din ang gagawin. Para sa kaligtasan ng mga malapit saakin.

Nakita ko si Turks na gising na ng mapadaan ako sa harap ng kwarto niya. "𝗚𝗼𝗼𝗱 𝗠𝗼𝗿𝗻𝗶𝗻𝗴."

"𝗚𝗼𝗼𝗱 𝗠𝗼𝗿𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗟𝗲𝘃."

Kinuha nito ang ang vacuum na dala ko at siya nalang daw ang magpapatuloy kaya hinayaan ko nalang ito at pumunta na sa kusina.

6:55 na ng umaga. Ang bilis talaga ng oras.


Nagsimula na akong maghanda ng agahan. Egg roles, Vegetable salad, hotdogs and hams, Fried Rice. Simple lang ang pagkain namin ngayon dahil hindi pa kami nakakapaggrocery at hindi naman mapili sa pagkain ang tao dito sa bahay.

Inuna ko muna yung Hotdogs na pritohin. Pinili ko yung katamtamang hotdog na walang cheese dahil ayaw ni Tears ng merong cheese lalo na yung hindi naprito. Panigurado magwawala yun kapag ganon ang niluto ko.

Sinunod kona ang ham at dinamihan ko kasi puro matakaw yung mga tao dito sa bahay. Hindi sila nakukuntento sa isa o dalawang piraso.

Pagkatapos ay yung egg roles na  na napakadali lang lutuin. Hindi ako naglalagay ng Monosodium Glutamate dahil nakakasira yun sa kalusugan. Tanging Fresh na mga sangkap lang ang ginagamit ko.

Nagluluto na ako ng Fried Rice ng bigla kung narinig na may nagbukas ng Refrigerator kaya napatingin ako dun. "𝗧𝗿𝘂𝗻𝘅𝘅 𝗮𝗴𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗺𝘂𝗻𝗮. 𝗠𝗮𝘄𝗮𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻 𝗸𝗮 𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗻𝗮 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗴 𝗶𝗻𝘂𝗻𝗮 𝗺𝗼 𝘆𝗮𝗻." Balak na sana nitong buksan ang Ice Cream na dala kagabi ni Tears. Ngumuso naman ito pero umiling ako. "𝗠𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮 𝗻𝗮 𝘆𝗮𝗻 𝗧𝗿𝘂𝗻𝘅𝘅 𝗼𝗸𝗮𝘆? 𝗣𝘄𝗲𝗱𝗲 𝗸𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗱𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗴 𝗖𝗵𝗼𝗰𝗼𝗹𝗮𝘁𝗲𝘀 𝗺𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮 𝘀𝗮 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹." Binalik naman agad nito ang Ice Cream sa Ref saka ngumiti. Pinagbawalan namin ni Tears si Trunxx ng nakaraan dahil palagi nalang itong nagdadala ng Chocolates  at dahil dun bigla nalang namaga ang ngipin niya sa kakakain.

"𝗔𝗻𝗼 𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗶𝗹𝘂𝗹𝘂𝘁𝗼 𝗺𝗼?" Tanong naman nito kaya kumuha naman ako ng kutsara at nagsandok ng Niluluto kung Fried Rice at inumang sa kaniya na agad din naman niyang sinubo tsk! Hindi man lang hinipan. Ayon agad din namang binuga sa sink kaya iniwan ko muna ang niluluto ko at hininaan ang apoy saka lumapit sa kaniya.

"𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗺𝗼 𝗺𝗮𝗻 𝗵𝗶𝗻𝗶𝗽𝗮𝗻 𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗺𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴𝗴𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘆𝘂𝗻 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝘄𝗮𝗹𝗶." ngumuso naman ito kaya napailing nalang ako. "𝗧𝗼𝗻𝗴𝘂𝗲 𝗼𝘂𝘁 𝗠𝗼𝗰𝗵𝗶." Nilabas naman nito at kita kung namumula ito. Kumuha ako ng yogurt sa Ref at bumalik sa kaniya at pinakain yun sa kaniya. "𝗜𝘁𝗼 𝗺𝘂𝗻𝗮 𝗸𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻 𝗺𝗼.     𝗦𝘂𝗯𝗿𝗮 𝗸𝗮 𝗸𝗮𝘀𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘁𝗮𝗸𝗮𝘄!" Nilagay naman nito ng kutsara sa bunganga saka ngumiti. Napailing iling nalang ako habang nakangiting bumalik sa niluluto ko.

UNTIL SUNSET [Part One] [COMPLETED] editing...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon