Nang marinig ni Archie ang sigaw mula sa labas ng pinto ng kanilang bahay ay napagtanto rin nya kung sino ang taong tumatawag sa kanyang pangalan.
Archie: "Itay?!! Ba't nandito po kayo?! Tsaka di ba dapat may pasok kayo ngayun sa trabaho?! At tsaka saan galing etong mga bubog at mga piraso ng kahoy?!"
Nagtataka at gulat na nagtanong si Archie sa kanyang tatay.
Tatay ni Archie: "Eh...umuwi na ako ng maaga, anak, kasi may maganda akong balita sa'yo. Tsaka, nandito ka pa pala sa bahay? Akala ko umalis ka na naman at pumunta sa mall kaya naman hinataw ko nang malakas na sipa yung pinto. Nung huli mo kasi ikinando yung pinto, yung kandado na may bulok na susian ang ginamit mo kaya natagalan ako na makapasok sa bahay."
Sa haba ng mababaw na paliwanag ng tatay nya, sa sariling isipan na lang siya nagtanong.
Archie: (Grabe naman etong Arman na to. Tatay ko ba talaga to?)
Armando Santos ang buong pangalan ng kanyang tatay, 38 taong gulang at nagtratrabaho sa isang kumpanya na pagawaan ng kotse. Mechanical engineer ang kanyang tatay sa kumpanyang ito at palayaw sa kanya ng mga katrabaho nya ay Arman. Dahil sa mataas ang kanyang sinasahod, maaga din syang nakipag asawa. Ngunit, binawian din ng buhay ang kanyang asawa dahil sa kumplikasyon nang sakit sa baga at 7 taon gulang palang si Archie nung araw na yun. Kung kaya't naging tutok na lang sya sa trabaho para sa ikabubuti noon ni Archie. Ganun pa man, hindi nawala ang pagiging responsable nyang ama kay Archie at nakaalalay siya palagi sa kung anu man ang gnagawa ng kanyang anak.
Arman: "At tsaka baka yan na naman ulit na kandado ang gagamitin mo. Kaya yun sinigurado ko nang bukas na palagi yan pinto."
Archie: "Tay! Kailangan ba talaga sirain ang pinto para makapasok kayo sa bahay?! Pwede nyo naman gamitin yung pinto sa likod, ah?!"
Arman: "Yung pinto sa likod? Nakalimutan ko pala na may pinto pala sa likod. At naalala ko din na nakalimutan ko din ang susi sa pinto na yan."
Archie: "Tay! Lasing ba kayo?! Hindi nyo naman po kailangan sirain yan pinto sa harap kung naaalala nyo na may pinto sa likod!"
Arman: "HAHAHAHA!!! Nadala lang ako ng sobrang excitement ko sa magandang balita na sasabihin ko sa'yo."
Panandaliang napatahimik si Archie nang marinig nya ang salitang "magandang balita" mula sa kanyang tatay. Ngunit para sa kanya, kabaliktaran ito dahil alam nya na hindi talaga ito magandang balita.
Archie: "Anu yan magandang balita na tinutukoy nyo po, Tay?"
Arman: "Magandang balita ba kamo? Eto ang magandang balita......"
Tumahimik muna si Arman at huminga ng malalim. Halata sa kanyang mukha na natutuwa sya sa kanyang sasabihin. Ngunit si Archie hindi komportable at mukhang inaasahan nya na hindi talaga ito magandang balita. Sabay sigaw ni Arman...
Arman: "MAGBABAKASYON TAYOOOO!!!!!"
Archie: "Tay? Kailangan ba talaga na isigaw nyo pa?! Eh dinig na dinig kayo ng buong kapitbahay!"
Arman: "Anak, pasensya na. Nadala lang ako. Ngayun lang kasi tayo magbabakasyon ulit."
Archie: "Tsaka......MAGBABAKASYON?! Saan naman po tayo magbabakasyon?!
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/st...