Habang abala sina Archie, Fred at Buboy na putul-putulin ang natumbang puno, naalala ni Shiela ang pinag-uusapan nila kanina tungkol sa kung panu nagkakilala si Rochel at Archie.
Bago pa man sabihin ni Rochel ang totoong nangyari sa pagkakakilala nila ni Archie, hiniling nya na ibulong ito sa tenga ni Shiela at wag ipagsabi sa kahit kanino. Nangako naman si Shiela.
Matapos maikwento ni Rochel ang totoong nangyari, hindi makapaniwala si Shiela. Gusto pa sana ni Shiela na alamin pa ang iba pang detalye ngunit pinigilan sya ni Rochel. Kaya naman nagtanong si Shiela ng mejo personal kay Rochel.
Shiela: "Rochel, wag ka sanang magagalit pero, kanina napansin ko, namula ang mukha mo ng bahagya at marahil may kinalaman din sa unang pagkakakilala nyo ni Archie. Na love at first sight ka ba kay Archie?"
Sandaling hindi nagsalita si Rochel sa itinanong sa kanya ni Shiela. Ngunit minabuti na lang nya na ibulong na lang nya ang sagot kay Shiela dahil sa nagtanong naman ito sa kanya. Napansin din ni Rochel na maasahan nya rin si Shiela pagdating sa pagtatago ng mga sikreto. Kaya naman, naging buo ang tiwala nya kay Shiela na maitatago nya lahat ng sikreto tungkol sa nararamdaman nya kay Archie.
Samantala, habang pinagtutulungan ng tatlo na pagputol-putolin ang puno na nabuwal nila, may napansing tila may espasyo sa loob ng kahoy sa parte kung saan nagpuputol si Buboy.
Buboy: "Uy!! Archie! Mang Fred! Halikayo dito!"
Agad namang lumapit ang dalawa sa lokasyon ni Buboy.
Fred: "Bakit? Buboy? Anung meron?"
Buboy: "Para po kasing may hangin sa loob sa parteng ito ng puno."
Pinukpok ni Fred gamit ng palakol nya ng pabaliktad upang suriin kung totoo nga ang sinasabi ni Buboy. Nang masuri nya ito, nagkainteres sya sa parteng ito ng puno ngunit kakaiba ang pakiramdam nya sa parteng ito.
Archie: "Mang Fred? Anu po sa tingin nyo? May espasyo po ba ang parteng iyan?"
Fred: "Sa tingin ko, Oo, may espasyo nga. Pero mas mabuti na hayaan muna natin ang parteng to. Mas unahin muna natin yung mga kakailanganin nating gawing panggatong."
Buboy: "Mang Fred, hindi po ba natin bubuksan ang parteng iyan ng puno?"
Fred: "Hindi muna Buboy. Baka kasi may bomba yan at baka sumabog sa atin yan. Kaya mas mabuti na ako na magbubukas sa parteng iyan mamaya."
Sobrang nabahala sa sinabi ni Fred sina Archie at Buboy. Kaya naman sumang- ayon na rin sila sa sinabi nito.
Agad namang nagbulungan ang dalawa sa sinabi ni Fred sa kanila.
Archie: "Buboy, minsan may punto rin si Mang Fred noh? Bakit kaya lahat ng tao sa nayon, tanga ang tingin sa kanya?"
Buboy: "Archie, sabi sa mga naririnig ko, madalas daw makadisgrasya si Mang Fred ng ibang tao. Sabi naman nung iba, lahat ng sumasama sa kanya ay napapahamak. Kaya naman madalas sa mga tao sa atin ay ayaw sumama sa kanya. Maliban lang sa mga tatay natin."
Archie: "Oo nga noh?! Naisip ko lang, bakit ang mga tatay lang natin ang may lakas lang ng loob na samahan si Mang Fred?"
Buboy: "Sa pagkakaalala ko Archie, barkada ata nila si Mang Fred. Lalo na yung tatay mo, matalik nyang kaibigan si Mang Fred noong una syang bumisita dito sa isla."
Archie: "Kaya ba laging kasama ni tatay si Mang Fred?"
Buboy: "Siguro."
Matapos ng panandaliang pag-uusap nila Archie at Buboy ay agad na nilang itinuloy ang kanilang ginagawa.
Matapos ng ilang oras na pagpuputol sa kahoy, tuluyan na nilang napagpira-piraso ang puno.
Kanya-kanya nilang pinagpatong-patong at pinagbigkis na itinali ang mga kahoy maliban sa parte na nahanap ni Buboy.
Hapon na ng matapos na nilang makolekta lahat ng kahoy kasama ang ilang parte ng puno na pinutol ni Fred.
Handa na silang umalis upang bumalik sa nayon nang maalala ni Fred na buksan ang parte ng kahoy na nahanap ni Buboy.
Fred: "Mga bata! Dito na muna kayo sa bungad ng daan. Titingnan ko muna kung anu yung lamang ng nahanap ni Buboy."
Buboy: "Aasahan po namin Mang Fred kung anung laman nyan."
Agad ng umalis si Fred para tingnan ang laman ng kahoy. Ipinaliwanag naman ni Archie kina Rochel at Shiela ang sinasabing nahanap na parte ng kahoy na may espasyo sa loob.
Pagdating ni Fred, kinakabahan sya dahil sa iniisip nyang baka may lamang bomba ang kahoy na kanyang bubuksan gamit ng kanyang palakol. Kaya alalay lang sya sa pasibak nito.
Nang mabitak nya ang kahoy, umalingasaw sa paligid ang amoy ng nabubulok na bagay mula sa loob ng kahoy, halos mapasuka sya sa amoy nito.
Naisip nya marahil, may taga nayon ang nagbiro at naglagay nang patay na hayop sa loob ngunit gusto pa rin malaman ni Fred kung anu ang bagay na nasa loob.
Hanggang sa tuluyan nyang binuksan ang kahoy na may espasyo, at laking gulat nya sa kanyang nakita. Agad nyang naisip na maghanap ng dahon ng saging upang takpan ito. At napatakbo sya papunta sa mga batang kasamahan nya.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/st...